GORGY RULA:
Muling nagpahayag si Mark Herras kung gaano siya ka-proud na lumaki siya sa kanyang gay parents.
Bago mag-All Saint’s Day noong October 31 ay nag-post ang dancer-actor ng pagbati ng “happy birthday in heaven” sa kanyang adoptive father na si Daddy Jun.
Dito siya nagpahayag kung gaano niya ipinagmalaki na lumaki siya sa bading na magulang.
Pumanaw ang kanyang Daddy Jun noon pang 2014.
Sabi ni Mark (published as is), “Happy birthday in heaven dad. Thank you dahil kayo ni papapim ang naging mga magulang ko.
“Yes, I was adopted & raised by gay parents simula pa nung pinanganak ako, kaya magaling ako makisama sa mga beks OBVIOUS ba? KAYA MATINDI DIN ANG GAYDAR KO hahaha!
“Kung may rewind man ang buhay, silang dalawa pa din ang pipiliin ko na maging magulang ko bakit??
“Dahil gusto ko at proud ako na maging anak nila, pero sadly wala na silang lahat. My dad, papapim, mama & mamang… Saklap no?”

Mark Herras parents
Ang tinutukoy ni Mark na si "Papapim" ay ang tinatawag naming si Daddy Hermie, ang partner Daddy Jun na talagang nag-aalaga rin sa aktor.
Naunang pumanaw ang Daddy Jun ni Mark at halos dalawang taon lang ang lumipas ay sumunod si “Papapim” ni Mark.
Ang isa pa sa kuwentong nasagap ng PEP Troika ay kumuha pa raw noon ang “papapim” ni Mark ng insurance at ang aktor ang kanyang beneficiary.
Pagkalipas lang daw ng ilang buwan ay pumanaw na si Daddy Hermie kaya nag-iwan pa ito ng insurance kay Mark.

Read: Emman Atienza's cremated remains now at Atienza family home
NOEL FERRER:
Mahigit siyam na taon nang pumanaw si “Papapim” at at nagpo-post pa si Mark kung gaano niya ka-miss ang kinikilala niyang magulang.
Noong October 7 ang 9th death anniversary ng “papapim” niya; at ang weird nang ipinost ni Mark sa kanyang Instagram account na sinabi niyang “tagal nyo naman ako sunduin.”
Maaring nagdyo-joke lang ang aktor, o dala na rin ng matinding kalungkutan at sobrang pagka-miss sa mga kinikilala niyang magulang.
Sana nga ay okay na okay ang mag-asawang Mark at Nicole sa dalawa nilang anak.
Kamakailan lang ay pinabinyagan nina Mark at Nicole ang bunso nilang anak na babae na si Mija.
Happy na raw sila sa dalawa nilang anak na sina Corky at Mija, at nabanggit pa raw ni Mark minsan sa ilang kaibigan na willing daw siyang magpa-vasectomy para hindi na mabuntis si Nicole.
Read: Sugar Mercado no bad blood with ex-boyfriend Willie Revillame
JERRY OLEA:
Maganda ang mensahe ni Mark sa kanyang IG post nung binati niya ang kanyang adoptive father.
Para sa lahat na mga anak ito na dapat sulitin daw ang oras nila sa kanilang magulang habang buhay pa ito.
Habang buhay pa ang ating magulang ay ipadama na sa kanila ang ating pagmamahal.
Ang madamdaming caption ni Mark (published as is), “Kaya sa mga buhay pa ang magulang diyan, masuwerte kyo kaya sulitin nyo kasi nga ‘life is too short’…
“Kahit na puro sermon sila lageng galit, lageng sila yung tama pag tayo mali na agad, ang dameng utos lahat na lang pinapakelaman at inaalam nila.
“Maintindihan nyo yan kapag naging magulang nadin kayo at nagkaroon na ng sariling pamilya. Hahaha promise tama sila sa lahat ng yan.
“Magpasalamat tayo sa walang sawa nilang pag-intindi, pagmamahal satin at sa mga sinakripisyo nila para satin.
“Wag nyo ng antayin na maramdaman yung panghihinayang na sana ganito sana ganun…
“Mahalin nyo at bigyan nyo ng oras ang parents nyo habang andyan pa sila na gumagabay sa inyo.
“Ako nagawa ko naman lahat with them pero kulang na kulang padin sa oras at buhay. “To my dad, papapim, mama & mamang mahal na mahal ko po kyo!”
