GORGY RULA
Totoo pala ang kumakalat na balitang umalis na si Johnny Manahan o Mr. M bilang consultant ng GMA Artist Center sa GMA-7.
Nabuo ang Sparkle nang hinawakan ni Mr. M ang talent agency ng Kapuso network.
Hindi lang nagtagal, naging bulung-bulungan nang matatapos na raw ang kontrata nito at hindi na ire-renew.
Ngayon lang nakumpirmang wala na siya sa Kapuso network.
Read: Johnny Manahan breaks silence about why he left ABS-CBN
MR. M CONTRACT SIGNING WITH TV5
Ang susunod na magaganap ay ang paglipat niya sa Kapatid network.
Abangan natin sa Huwebes, November 6, 2025, ang contract signing ni Mr. M sa TV5.
Hindi idinetalye ng aming reliable source kung ano ang magiging trabaho ni Mr. M sa TV5.
Ang alam namin ay kasalukuyan nang umeere ang show na idinidirek ni Mr. M sa TV5 — ang music countdown show na Vibe.
Pero baka pati ang pag-handle ng talents ng Media Quest ay hahawakan rin daw ng veteran starmaker.
Abangan na lang daw sa Huwebes sa kanyang contract signing kung ano ang eksaktong gagawin ni Mr. M sa TV5.
Read: TV5 exec Peter Dizon explains concept behind music countdown Vibe
NOEL FERRER
Mukha namang at home na si Mr. M sa TV5 dahil siya ang direktor ng Vibe.
At tulad ng lagi nating sinasabi, marami pang magagawang maganda at masaya si Mr. M sa ating industriya, basta masusunod lang ang vision niya.
Tingnan natin ang next moves na ito, at siyempre support tayo rito!!!
JERRY OLEA
Dahil ba kay Mr. M kaya pumirma ng movie contract si Andrea Brillantes noong Oktubre 23, 2025 sa MQuest Ventures na film, TV, and entertainment division ng TV5?
Habang nadaragdagan ang collabs ng ABS-CBN at GMA, hindi matutulog sa lomihan o kangkungan ang Kapatid Network!
Totoo ba ang naulinigan natin na baka pumirma na rin ang Hari ng Telebisyon sa TV5?
Abang-abang, PEPsters!!!
Read: Andrea Brillantes sparks speculation after signing movie contract
