NOEL FERRER
Ang "Emman Atienza Bill" o Senate Bill No.1474 (Anti-Online Hate and Harrassment Bill) ay isang napakahalagang panukalang batas na layong tugunan ang mga problema ng cyberbullying, fake news, at online harassment na lubhang nakakaapekto sa ating lipunan, lalo na sa mga kabataan.
Sa panahon ngayong halos lahat ng tao ay aktibo sa online world, madali nang maapektuhan ang ating mental health at reputasyon dahil sa mga mapanirang salita at gawa ng ibang tao.
Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng batas na magbibigay proteksiyon sa mga biktima ng online harassment at magpaparusa sa mga may sala.
Read: Senator JV Ejercito, naghain sa Senado ng Emman Atienza Bill
Sa ilalim ng panukalang ito ni Senator JV Ejercito, paparusahan ang mga sangkot sa cyberlibel, hate speech, at di-wastong pagbabahagi ng personal na impormasyon ng iba nang walang pahintulot.
Bukod dito, may obligasyon din ang mga digital platform na tanggalin o i-block ang mga mapanganib na content sa loob ng isang araw kapag may natanggap na reklamo o utos ng korte.
Malaking tulong din ang Victim Support and Protection Program na magbibigay ng counseling, legal assistance, at protection services sa mga biktima ng online harassment.
Sa ganitong paraan, mabibigyan ng suporta ang mga nangangailangan nito at makakaiwas tayo sa mga trahedyang dulot ng online hate.
Sa pagtutulungan ng publiko para sa pagpasa ng panukalang ito, sana’y mabawasan ang mga kaso ng cyberbullying at online harassment.
Kailangan natin ng pagbabago sa ating online culture, kung saan ang kindness at respeto sa kapwa ang siyang umiiral.
SAFEGUARDS AGAINST EMMAN ATIENZA BILL
Given these good intentions, sana rin ay may safeguards sa ganitong bill.
Dapat hindi ito gamitin ng mga politikong may kakaibang pag-iisip sa pagpanaw ni Emman Atienza upang makatakas sa pananagutan.
Sana, hindi nila gamitin ito para takasan ang pagsagot sa mga kritisismo mula sa taumbayan.
Ito ay katumbas ng paghahain ng kasong cyberlibel laban sa mga grupo na naglalathala ng mga negatibong kuwento tungkol sa kanila.
Hindi dapat sakop ng batas na ito ang mga opisyal ng gobyerno na may masasamang intensiyon.
Dapat may mga mekanismo upang protektahan ang mga kritiko at mamamahayag habang pinapanagot ang mga abusado.
Mayroon na kasing umiiral na batas laban sa cyberbullying, ngunit kulang sa pagpapatupad.
Sana, ilayo rito ang paggamit ng pangalan ng inaanak kong si Emman Atienza.
Read: Kim Atienza reveals last conversation with daughter Emman
JERRY OLEA
Ang online post ni The Professional Heckler noong Oktubre 26, 2025: “NO, YOU DON'T HAVE TO BE KIND TO EVERYONE ON SOCIAL MEDIA.
“You don't have to be kind to presidents, vice presidents, senators, representatives or public officials who abuse their power and steal from the people.
“You don't have to be kind to their accomplices and cohorts. You don't have to be kind to their enablers and apologists who help cover-up their crimes.
“Be kind to everyone? NO.
“You don't owe kindness to the corrupt.”
Sakaling maisabatas ang Emman Atienza Bill, nawa’y huwag itong magamit ng mga buktot o tiwali para sa kanilang pansariling interes.
GORGY RULA
Kabilang sa mga nakiramay sa Pamilya Atienza noong Nobyembre 3, Lunes sa Heritage Memorial Park, Taguig City sina Iza Calzado, Joross Gamboa, Epy Quizon, Richard Gutierrez, at Barbie Imperial.
Dumating din daw sina James Reid, Issa Pressman, Bianca Araneta, Karen Davila, Ernie Lopez, Carlo Katigbak, Annette Gozon-Valdes, Shintaro Valdes, at mga kinatawan ng GMA Public Affairs.
Sa eulogy, kumanta sina Tata Gatchalian (“Supermarket Flower”), Riel Lomadilla (“The Prayer”), at Anthony Rosaldo (“Warrior Is A Child”).
Ngayong Nobyembre 4, Martes ng 7 P.M. ang final service, segue sa eulogies nina Jose, Eliana, Feli, at Kim Atienza.
Bahagi ng programa ang Philippine Philharmonic Orchestra at Madrigal Singers.
Read: Will Ashley calls out bashers sending him hate messages; mulls legal move
