JERRY OLEA
Poor girl Stella Morales (Kim Chiu) meets rich boy Vincent Cabrera (Paulo Avelino) sa mystery-romance series na The Alibi, na mapapanood worldwide umpisa Nobyembre 7, 2025, Biyernes, sa Prime Video.
Todo-kayod si Stella — nagbebenta ng ligaya para buhayin ang dalawang nakababatang kapatid (Angelina Cruz at Enzo Osorio).
Ultra yayamanin ang journalist na si Vincent — tagapagmana ng Cabrera News.
Sa trailer ng The Alibi, nagpatikim ng sexy dance si Stella sa night club na The Basement habang nanonood ang nagpapakalasing na si Vincent.
May pa-skin exposure si Kimmy!
Read: MUO President Raul Rocha condemns Nawat Itsaragrisil’s treatment of Miss Mexico

KIM CHIU ON SHOWING HER SKIN IN HER THIRTIES
Kaya ba siya pumayag sa mga payanig na eksena ay dahil si Paulo ang katambal niya?
“Siguro naman, as a 35 years old woman, tapos na tayo sa 16 years old role na teeny-teeny,” sabi ni Kim sa mediacon matapos ang blue-carpet premiere screening ng first episode ng The Alibi nitong Nobyembre 4, Martes, sa Trinoma, Quezon City.
“Pero favorite ko talaga mag-teeny-teeny, magpapatawa. Pero parang pag tina-track ko yung journey ko dito sa industriyang ito, parang…
“Parang nahati ko naman siya sa teens, twenties. Sabi ko, anong ipapakita ko sa aking thirties? ‘I think it’s my skin!’
“Pero ano, malaki talaga iyong tiwala ko talaga sa Dreamscape. As in sila talaga yung naghubog sa akin, Danica… hala, nakakaiyak!”
Si Danica Domingo ang writer ng teleseryeng The Alibi, na prinodyus ng Dreamscape Entertainment — na nasa likod ng nakaraang serye ng KimPau na ipinalabas din sa Prime Video, ang Linlang.
Pagpapatuloy ni Kim: “Hala, bakit?! Hindi, hindi naman siya ginawa as… It’s artistic way.
“Medyo mahirap na gawin pero tama na ang iyak! Gusto ko lang magpakita ng bago.
“At sa mga nagsasabing hindi ako marunong sa ganitong klaseng role, eto na. Eto na yon!
“So I want to prove all of them wrong. And that I can do more…”
Read: Ai-Ai delas Alas says estranged husband Gerald Sibayan’s green card petition revoked

NOEL FERRER
Lubos ang pasasalamat ni Kim Chiu sa pagkakaloob sa kanya ng Dreamscape Entertainment ng project na tulad ng The Alibi.
“And of course, si Pau din naman, malaking tulong din siya dahil nakita ko naman yung respeto niya sa akin,” sambit ni Kim.
“And sa mga direktor namin na inaalagaan iyong mga shots, and yung mga cameraman namin.
“Sa mga nag-iilaw, ang ganda ng launching ng body ko. Thank you so much!
“And sa nag-choreo sa akin, thank you. Sa gym trainers ko, thank you so much. Pero more than the skin… it’s what’s inside me, and what I want to show to all my supporters.
“And kung magkakaroon man ng bagong supporters, maraming salamat po.”
Tampok din sa The Alibi sina Sam Milby, John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Sofia Andres, Irma Adlawan, Rafael Rosell, Alma Moreno, Ian de Leon, at Romnick Sarmenta.
Nasa cast din sina Robbie Jaworski, Alyanna Angeles, PJ Endrinal, Lotlot Bustamante, Ayesha Bajeta, Thou Reyes, Alora Sasam, Marvin Yap, Johaira Omar, Yesh Burce, at Kim Tubiano.
Mula ito sa direksyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes.
Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto

GORGY RULA
Hiningan ng reaksiyon si Paulo Avelino kaugnay sa daring scenes ni Kim Chiu sa The Alibi.
Sabi ni Paulo: “Well, I don’t think it’s about skin or about ano… parang it comes with the maturity of the role, and what the role requires.
“So, minsan talaga may mga karakter at may mga istorya na gustong ikuwento at sa mga ganitong paraan kailangan.
“Dahil kung nagbebenta nga naman talaga ng aliw yung karakter, ang hirap naman kung hindi mo nakikita or napapanood, at hindi naipapakita sa audience na ginagawa niya iyon.
“So it comes with... also the maturity of the actress. Pero mas character-driven po ito.
“At kami po dito ay very loyal and very dedicated… yung dedikasyon na ibinibigay namin sa karakter namin ay purely for our character.”
R-13 ang MTRCB rating sa pilot episode ng The Alibi na nag-premiere sa Cinema 6 ng Trinoma.
Itong The Alibi ang ikaapat na KimPau project. Nauna rito ang mga teleseryeng What’s Wrong With Secretary Kim at Linlang, at ang pelikulang My Love Will Make You Disappear.
Alamin ang mga masalimuot na lihim sa The Alibi, na eksklusibong mapapanood sa Prime Video simula Nobyembre 7, Biyernes.
May bagong episode kada Biyernes na mapapanood sa Pilipinas at sa mahigit 240 na bansa at teritoryo.
Read: Felicia Atienza says Emman's death gave her "the deepest pain"

