GORGY RULA
May nasaksihang walkout ang PEP Troika sa product launch ng Swiss Proli night gummies na pag-aari ni Julia Montes at ng chemist na si Pinky Tobiano.
Ginanap ang product launch sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, noong Martes, November 4, 2025.
Halos nakasabay naming dumating sa venue sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache, at Angel Aquino. Pumuwesto sila sa table sa bandang tagiliran ng stage.
Ilang sandali lang, dumating na rin si John Estrada — ex-husband ni Janice.
Read: Janice de Belen reiterates refusal to work with ex-husband John Estrada
Pagkatapos makipagbatian sa ilang kaibigan, dumiretso ang aktor sa table na kinauupuan nina Janice, Cherry Pie, at Angel.
Papalapit pa lang si John, biglang tumayo si Janice at may ibinulong kay Cherry Pie, at dire-diretso na itong umalis.
Sinalubong ko si Janice at tinanong kung talaga bang magwo-walkout siya.
“Hindi naman,” sagot ni Janice sa akin.
Hinanap pa namin ang aktres at baka lumipat lang sa ibang table, pero hindi na namin siya talaga nakita.
Hindi ko alam kung umalis na talaga siya dahil hanggang sa natapos ang programa, hindi na namin siya nakita.
Namataan ko na lang sa bandang harapan ng stage nakaupo si John, kasama sina Cherry Pie at Angel.

ALDEN RICHARDS SURPRISES JULIA MONTES
Star-studded ang event na in-organize nina Julia at Pinky.
Ilan pa sa mga taga-showbiz na dumalo suot ang kanilang sleepwear ay sina Dominic Roque, ang mag-asawang Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz, Erik Santos, Angeline Quinto, Dimples Romana, Polo Ravales, at ang SVP ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Sobrang nabigla si Julia nang biglang dumating si Alden Richards. Hindi raw niya akalaing makakadalo ang Kapuso actor na nakapareha niya sa pelikulang Five Breakups and a Romance (2023).
Sabi ni Alden, “Tinext ako ni Juls if I can come tonight, pero sabi ko, check ko schedule ko. Gustung-gusto ko kasing sinu-surprise ito, e.”
Pinapadalhan daw ni Julia si Alden ng mga produkto nito, at nagustuhan daw niya ito.
Read: MUO President Raul Rocha condemns Nawat Itsaragrisil’s treatment of Miss Mexico

JERRY OLEA
Halatang iniiwasan ni John Estrada na uriratin siya tungkol sa pag-iiwasan nila ni Janice de Belen sa event.
Ano ang reaksiyon niya tungkol sa pagkaka-link ng anak niyang si Kaila Estrada kay Daniel Padilla? Tinanong ba niya ang anak niya tungkol dito?
“Hindi!” mabilis niyang sagot. Isyu raw ito ng anak niya, at wala raw siya sa posisyong magsalita tungkol dito.
“Siyempre, kung saan masaya anak ko, dun ako,” sabi ng Kapamilya actor.
Hindi pa raw sila nagkakausap dahil pareho naman silang busy.
“May tiwala naman ako sa anak ko. Sabi ko nga, kahit ano yan, it’s my daughter’s story to tell. It’s not mine,” pakli ni John.
Kung happy man ang puso ni Kaila, hindi naman daw masabi ni John na happy ang puso niya ngayon.
“Okay lang. Hindi ko masasabing happy. Pero ganun talaga, e,” sabi niya sa PEP Troika.
Read: Ai-Ai delas Alas says estranged husband Gerald Sibayan’s green card petition revoked
NOEL FERRER
Hinanap sa event ang partner ni Julia na si Coco Martin.
Wala man si Coco sa event, pero suportado raw ng Kapamilya Primetime King ang negosyong sinimulan ni Julia.
Pahayag ni Julia: “Hindi ko naman po kakayanin na mag-jump into business without their support, especially Coco. Sobra po talaga.
“Siyempre, he’s proud kasi kami naman ang laging nagbu-boost ng confidence sa isa’t isa. Siya sa production, ako naman po dito sa linya na ito.
"So, lagi lang kami nandito sa likod ng bawat isa,” pahayag ni Julia.

Nilinaw ni Julia na sa kanya lang ito at walang share dito si Coco. May kanya-kanya raw silang negosyong sinusuportahan nilang dalawa.
“Pera ko po talaga,” diin ng Kapamilya actress.
“Meron po kaming kanya-kanya. Siya po, may Cocoplus, ako naman nandito naman po sa akin.
“Pero tumutulong po ako sa kanya ngayon. Eventually, after this month, after this event, papasok na ako sa mga meetings.”
Read: Anjo Yllana admits he was bluffing, calls ceasefire with Senator Tito Sotto
