JERRY OLEA
Mag-asawang Cabrera ang papel nina John Arcilla at Zsa Zsa Padilla sa bagong KimPau series na The Alibi.
“I’m so proud to be part of this cast,” sambit ni John sa mediacon matapos ang blue-carpet premiere screening ng first episode ng The Alibi noong Nobyembre 4, 2025, Martes, sa Trinoma, Quezon City.
“Kasi, sobrang na-in love ako sa lahat, sa buong cast, especially sa KimPau.”
Ani John, kabilang sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa mga pinaka-down-to-earth stars na nakatrabaho niya sa industriya.
Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto
“And naku! Baka may magalit po sa akin! Ano lang po ito, ha, na-in love ako kay Zsa Zsa Padilla… Conrad!" banggit ni John sa pangalan ng longtime partner ng singer na si Conrad Onglao.
“As a character, yes, kasi sobrang… Zsa Zsa Padilla is not just the... hindi lang siya yung Divine Diva ng music industry.
“She’s one of the best actresses we have in the entertainment industry. So talagang sobrang, para sa akin kasi, dream come true yun na maka-partner ko nang mahaba si Zsa Zsa.
“Sobrang… sobrang proud ako na naging part ako nitong — para namang ngayon lang ako gumawa ng teleserye — pero kakaiba kasi talaga yung energy namin.
“At sa umpisa, makikita mo lang kami on camera na mukha kaming dysfunctional. Pero kitang-kita ko, damang-dama ko yung connection nung bawat isa pagdating sa behind-the-scenes.”
JOHN ARCILLA ON HIS CHARACTER ARTHUR CABRERA
Remarkable ang papel niya bilang Arthur, ang patriarch ng yayamaning Cabrera family.
“I’m really very lucky. Kasi, karaniwan napakalawak nung karakter na binibigay sa akin.
“I’m so really thankful dahil naa-assign sa akin yung ganito, ang sarap niyang paglaruan. At the same time, ang dami mong puwedeng gawin," pahayag ni John.
Paglalarawan naman niya sa kanyang role: “Ahhmm siguro kapareho — mahaba ito, e — ito na lang, sobrang magmahal si Arthur Cabrera.
“And sobra siyang mag-protect sa kanyang family. And sabi ko nga, gagawin niya ang lahat para i-protect ang lahat ng mahal niya sa buhay.
“At iyon ang kanyang naging tragic flaw. Yung mismong kanyang... yung kanyang lakas or yung strength niya, iyon ang kanyang naging tragic flaw at the same time.
“Kasi napunta siya doon sa dark side dahil sa kanyang mga decisions to protect all his loved ones.
“Ang pinaka-core actually ng kanyang character is yung pagmamahal niya sa wife niya na sobrang-sobra. Gagawin niyang lahat.
"And then noong magkaanak siya, naging extension niya ng sarili niya at saka ng kanyang relationship sa wife niya yung pagmamahal na iyon.
“And gagawin niya lahat para i-protect sila. Doon nagsimula iyong kanyang crisis, o yung kanyang pagbagsak.”
Tampok din sa The Alibi sina Sam Milby, Sofia Andres, Irma Adlawan, Rafael Rosell, Alma Moreno, Ian de Leon, Romnick Sarmenta, Robbie Jaworski, Angelina Cruz, at Enzo Osorio.
Nasa cast din sina Alyanna Angeles, PJ Endrinal, Lotlot Bustamante, Ayesha Bajeta, Thou Reyes, Alora Sasam, Marvin Yap, Johaira Omar, Yesh Burce, at Kim Tubiano, sa direksyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes.
Mapapanood worldwide ang mystery-romance series na The Alibi umpisa Nobyembre 7, 2025, Biyernes, sa Prime Video.
Read: Kim Chiu, patutunayang kaya rin ang roles na may skin exposure

NOEL FERRER
Sa first episode ng The Alibi ay konti lang ang mga eksena ni Jacqueline Cabrera (Zsa Zsa Padilla), pero ramdam na agad na malalim ang hugot niya bilang protective mother ni Vincent Cabrera (Paulo Avelino).
Ang dalawa pang anak nina Arthur at Jacqueline ay sina Matthew (Rafael Rosell) at Edward (Robbie Jaworski).
Ani Zsa Zsa: “Ang dami-dami ko nang nasalihan na teleserye pero noong napanood ko ito, sabi ko, ‘Sobra, iba, kakaiba siya.’
“At yung character development ng bawat isa, abangan niyo yan. Kasi, wala pa kayong masyadong nakikita.
“Parang patikim pa lang. Napakarami pa pong mangyayari. So sana, kapitan niyo talaga yung aming teleserye dahil napakaganda.
“At proud na proud ako na makatrabaho ko lahat, at kahit matagal na ako sa showbiz, ang dami ko pa pong natututunan sa aking mga kasamahan.”
ZSA ZSA SAYS JOHN IS ONE OF HER FAVORITE PARTNERS
Sabi pa ni Zsa Zsa, isa na sa favorite partners niya si John Arcilla.
“Napakahusay niya!” bulalas ni Divine Diva.
Na-excite daw si Zsa Zsa nang malaman ang cast ng The Alibi.
Third time na niyang makatrabaho si Kim Chiu kaya comfortable na siya with her. First time pa lang niyang maka-work si Paulo sa teleserye.
“Working with actors that I get to be with—nag-a-ASAP din kami, so ibang feel. Tapos eto, biglang artista ka, may mga characters kayo,” lahad ni Zsa Zsa.
“Nakaka-challenge talaga. And nasasayahan ako… Very intense, iba yung... masarap kasing ma-handle ng talagang magagaling na direktor.
“Dahil ako, always open to learning. Yun ang palagi kong iniisip. Kailangan meron kang matutunan dito. Meron kang ma-take home sa mga kasama mo.
“Iniisip ko palagi, pati mga style nila sa pagde-deliver, pinag-aaralan ko yon. Tinitingnan ko sila, ‘Ahh maganda yung ginagawa niya.’"
Paglalarawan pa ni Zsa Zsa, naging pamilya niya ang cast ng The Alibi habang ginagawa nila ang serye sa Cebu.
“Meron din akong takot siyempre tungkol sa emotion because acting is a lot of emotions, right? So, you really have to be there on the set.
“Dyinu-joke ko nga sa family ko, ‘Sorry, I’m not in touch with you, nagme-method ako nang konti. Kasi meron ako ditong ano, pamilya. So, sila yung inaasikaso ko. Sila yung…'
"So, napakadali rin pala kapagka nasa set ka, like we were in Cebu.
“It was easy to slip into your character. And we even say, ‘Uy! In Cebu, we miss our home, we miss…’ Di ba?
“Ang bahay ho namin ay isang resort actually. Ganoon kami kayaman. Kapag naiisip ko itong pamilyang ito, and years from now, I will always treasure this memory.
“Kasi, napaka-special po talaga.”
Happy akong makita si Zsa Zsa na umaakting muli, kasi napakagaling naman talaga niya.
Si John naman, sanay na tayo sa husay niya… at hindi siya napapahinga, ha?!
Sa episode ng Encantadia Chronicles: Sang’gre noong Nobyembre 4, Martes, ay napanood ang karakter ni John na si Hagorn.
Mabuhay!!!
Read: Felicia Atienza says Emman's death gave her "the deepest pain"
GORGY RULA
Sabi ni John Arcilla, ang sarap kasama sa eksena si Zsa Zsa Padilla.
“Alam mo yung... she’s naturally, look at her… naturally lovely. Diva. Iba iyong… elegante!” bulalas ni John.
“Pero napaka-bubbly sa behind-the-scenes. Sobrang… magkukuwento ng lahat ng bagay na kaya niyang ikuwento.
“Hindi mo maiisip na Zsa Zsa Padilla, ganoon kakalog, ganoon… Ha! Ha! Ha! Lahat, naikukuwento niya.
“So, sobrang saya. Kasi yung rapport ninyo, natatrabaho na hindi ninyo pinipilit, hindi puwersa.
“So, nakakagaan ng loob para magawa ninyo yung lahat ng requirements sa isang eksena na hindi ninyo pinipilit ang isa’t isa.”
