GORGY RULA
Mapapanood na rin ang Cruz vs. Cruz tuwing Sabado simula November 22, 2025, pakatapos ng It’s Showtime.
Usually, ang afternoon drama ng GMA-7 na sumusunod sa It’s Showtime tuwing weekdays ang na-e-extend hanggang Sabado.
Sinimulan ito ng Ika-6 na Utos (2016), na dahil sa sobrang lakas sa rating at talagang sinubaybayan ng mga manonood ay in-extend hanggang Sabado.
Ngayong season, ang Hating Kapatid ng Legaspi family ang sumusunod sa It’s Showtime kaya hanggang Sabado sila napapanood.
Pero sa tatlong Kapuso afternoon drama na umeere ngayon, ang Cruz vs. Cruz ang toprating, at marami ang humihiling na hanggang Sabado na ito.
Bukod pa riyan, ang daming commercials kaya mas magandang madagdagan ng isa pang araw na airing para ma-accommodate lahat na sponsors.
Hindi lang nilinaw sa amin kung tuloy pa rin ba ang Saturday airing ng Hating Kapatid o papalitan na ito ng Cruz vs. Cruz.
Read: Janice de Belen, nag-walkout sa event dahil kay John Estrada?
AFTERNOON DRAMA RATINGS
Consistent kasing mataas ang rating ng drama series na ito na pinagbibidahan nina Vina Morales at Gladys Reyes.
Kagaya noong Lunes, November 3, naka-5.7% ang Hating Kapatid; ang Cruz vs. Cruz ay 6.7%, at ang rerun ng Unica Hija ay 4.8%.
Noong Martes, November 4 naman ay 6.5% ang Hating Kapatid; naka-7.1% ang Cruz vs. Cruz; at ang Unica Hija ay 4.8% pa rin.
Kaya mukhang mahaba-haba pa ang itatakbo ng kuwento ng Cruz vs. Cruz.
NOEL FERRER
Nakaka-text ng PEP Troika si Gladys Reyes, na natuwa sa magandang feedback sa Cruz vs. Cruz.
Sa totoo lang, siya ang pinakahirap na hirap sa seryeng ito dahil laging napaka-intense ng mga eksena niya.
Kamakailan lang ay ipinalabas na ang pagkamatay ng anak niya ritong si Caprice Cayetano, dahil pumasok na ang young actress sa Pinoy Big Brother house.
May sakit si Gladys nang kinunan ang eksena, kaya parang minamalat na siya.
Read: John Arcilla, umaming "na-in love" kay Zsa Zsa Padilla

Napagod din siya sa mga eksena niyang halos tuwing may taping ay meron siyang sinasampal, hinahabol, o inaaway.
“Mabuti na lang, nag-gym na ako uli, kaya lumakas ako. May fitness coach ako, pero ang haggard ko na sa dami ng iyakan ko na bumagay naman sa eksena,” sabi ni Gladys.
Pero nung kinukunan ang eksenang yun ay talagang may sakit daw siya.
Kuwento ng aktres: “Ang temperature ko, 38.7, nagte-taping kami. Maalaga naman sila lahat sa akin sa set.
“Ayokong ipa-pack up, kahit masama na ang pakiramdam ko.”
Tinototoo raw kasi ni Gladys ang mga eksena niya kaya pagod na pagod siya pagkatapos.
Nasilip ko rin yung pagkamatay ng inaakalang anak ni Manuel (Neil Ryan Sese) sa teleserye, at bigla ko na namang naramdaman ang parallel na sakit na nararanasan ni Kuya Kim Atienza.
Ang sakit-sakit pa rin talaga.
Read: KMJS, kapuri-puri ang paraan ng interview kay Kim Atienza
JERRY OLEA
Walang kaabug-abog, nag-rerun ang Unica Hija (Nobyembre 2022-Marso 2023) ni Kate Valdez sa timeslot na iniwan ng Akusada ni Andrea Torres.
Ang buong akala namin ay yung drama series nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio ang ipapalit.
Ito yung Sister’s Game na ang latest, ginawa na raw Apoy sa Dugo ang title.
Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, nag-revise daw ng script kaya may mga ni-reshoot na eksena.
Bakit kaya?
Tiniyak lang daw nilang maganda talaga ang ilalahad ng kuwento, kaya hindi na nakahabol sa original airing nito gawa ng pag-revise ng script.
Kaya itong Unica Hija na lang muna ang ipinalabas.
Read: Ai-Ai delas Alas says estranged husband Gerald Sibayan’s green card petition revoked
