JERRY OLEA
Pagpupugayan ni Gerald Santos sina National Artist Nora Aunor at Victor “Cocoy” Laurel sa Dreams concert na gaganapin sa Disyembre 3, 2025, Miyerkules ng 8 P.M., sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Nagtambal sina Nora at Cocoy sa mga pelikulang Lollipops and Roses (1971) directed by Artemio Marquez, Impossible Dream (1973) directed by Cirio H. Santiago, at Lollipops & Roses at Burong Talangka (1975) directed by Elwood Perez.

Ang huling public appearance ni Cocoy ay sa burol ng Superstar noong Abril 2025.
Pumanaw si Cocoy noong Hunyo 14 sa edad na 72.
Read: Cocoy Laurel dies at 72
GERALD SANTOS TO PAY TRIBUTE TO COCOY AND NORA
“Napaka-underrated ni Sir Cocoy,” sambit ni Gerald sa mediacon noong Nobyembre 4, Martes, sa Sounds Kradle, Doña Hemady St., New Manila, Quezon City.
“And you know, somehow, we’re connected. Kasi, he also played in Miss Saigon. He played The Engineer in Miss Saigon.
“So actually, noong nag-play ang Miss Saigon dito sa Manila, I met him very briefly. At you know, he was so kind. He was so nice.
“At sabi ko, I wanna give tribute to him as well. But kay Ate Guy, of course, I’ve been wanting to work with Ate Guy for such a long time.
“Pero yun nga, unfortunately, hindi na po nangyari. But now, gusto kong magbigay ng tribute sa kanya.
“Although I’ve given tribute na rin naman before, sa concert ko before. Nanonood pa nga si Ate Guy noon, e, sa Music Museum, yeah, and PICC.
“Yeah, I gave tribute to her… I’m a fan of Miss Nora Aunor kaya, you know, she deserves a tribute.
“At bukod pa sa National Artist natin siya ay naging personal friend na rin namin siya.”
Inawit ni Gerald ang theme song ng 2011 teleserye ni Nora sa TV5 na Sa Ngalan ng Ina, "Ikaw Pa Rin ang Mahal Ko", na komposisyon ni National Artist Ryan Cayabyab.
Kinanta rin ni Gerald yung "Hanggang sa Huli" na theme song ng 2020 movie ni Ate Guy na Isa Pang Bahaghari.
Read: Nora Aunor’s legacy: a Superstar onstage and onscreen
NOEL FERRER
Panauhin ni Gerald Santos sa Dreams concert sina Marco Sison, Na Young Jeon, Jed Madela, at Jona.
“Dream ko din na makasama sila sa concert. Si Mr. Marco Sison, of course, we all grew up sa music niya,” lahad ni Gerald.
“Kumbaga, ano tayo, lagi nating napapakinggan yung music niya. And yung mga songs niya ang mga go-to videoke songs, di ba?
“'My Love Will See You Through.' So, it’s a dream-come-true na makasama ko siya sa stage finally.
“And si Na Young Jeon, siya yung Gigi namin sa Miss Saigon UK International Tour.
“And kaya ko siya na-invite because, you know, we’ve been planning to have a show even when we were in UK, and we were in Denmark.
“Magkasama rin kami sa Denmark dahil siya rin yung Gigi namin doon. And hindi matuluy-tuloy.
“Noong makita niya na may concert ako sa Manila, sabi niya, ‘I’ll be in Korea, so yeah, maybe we can do it finally.’ ‘Yeah,’ sabi ko, ‘we will import you to be my special guest.’
“Napakagaling ni Na Young Jeon. Actually, pag narinig siya dito sa Manila, baka marami siyang maging fans.
“Bukod sa K-Pop siya, di ba? Ha! Ha! Ha! Korean siya, at sobrang galing niya actually. And she’s been playing lead role after lead role sa international stage.
“And then, of course, Mr. Jed Madela… napakagaling, and I’m a fan of him.
“Naalala ko noon, noong kapapanalo ko pa lang sa Pinoy Pop Superstar, kapapanalo pa lang din niya sa WCOPA.
“And nagkasama kami sa GMA. Kasi, doon siya nagge-guest lagi, sa GMA, sa SOP. So, magkakilala na kami way, way back pa.
“And then eventually, he transferred. And ngayon, mare-reunite kami. And I’m excited to sing with him dahil alam naman natin ang kalibre ng Jed Madela.
“Tapos, si Jona. You know, she’s one of my closest friends sa industry. And andami ko nang concerts na nagawa, siya na lang ang hindi ko pa naging guest.
“At eto, finally, magiging special guest ko na siya. And I’m excited na makasama rin siya, at magre-reunion din kami.”
Read: Gerald Santos, na-shock sa rebelasyon ni Jona Viray
Tampok din sa Dreams concert ni Gerald sina Kim Hewitt, Failene Malijan, at ang Bossa Nova Princess na si Andrea Gutierrez.
Ang dami-daming concerts during this tail end of 2025 at may mga pasabog na major shows pagdating ng New Year.
Sana, tauhin pa rin itong Dreams concert ni Gerald!

GORGY RULA
Marami nang na-achieve si Gerald Santos sa kanyang career. Marami nang challenges ang kanyang hinarap.
Meron pa ba siyang dreams sa kanyang buhay, para sa career man o sa personal?
“I’m really grateful to our Lord God dahil nakarating po ako kung nasaan po ako ngayon, you know,” tugon ng 34-anyos na mang-aawit.
“I would say I’m really happy and content with what happened with my career and in my life.
“Pero gusto ko pang I would say siguro, magkaroon pa ng hit songs. Magkaroon pa ng many hit songs.
“Gusto kong magkaroon ako ng maiiwang legacy na even matanda na ako, kakantahin pa rin ng new generation iyong songs ko.
“And then since I’m into acting na rin naman, I want to have a legacy film na pag pinanood many, many years from now ay relevant siya, at babalikan at babalikan.
“Sa personal, nandoon na rin naman tayo sa age na, you know, papunta na tayo doon sa puwede nang mag-family and all.
“But I think there’s still more left in the tank para mai-offer ko sa mga tao — yung God-given talent ko, yung music, and yung acting ko.
“Mai-showcase ko pa sa mga hindi pa nakakakita at nakakarinig.”
Nami-miss ba niyang mag-perform sa musical abroad? Meron bang ganoong offer recently?
“Nami-miss din pero kasi, natutuwa naman ako. Kasi everytime na uuwi kasi ako dito, may mga projects agad na dumadating, naka-lineup,” lahad ni Gerald.
“Kaya hindi rin ako makapag-full on sa abroad. So, maybe kung gusto kong magtuluy-tuloy sa abroad, talagang hindi na ako tatanggap ng work dito.
“Kaya lang, sayang yung opportunities na naibibigay po kasi dito. But, yeah, I would love to do another musical.”
Noong 2023 ay six months siya sa Miss Saigon musical sa Denmark. Willing si Gerald mag-audition sa Broadway kung matiyempo na nandoon siya at walang ibang trabaho.
Read: Gerald Santos, "dumudugo" na ang ilong at utak dahil sa pag-aaral ng Danish para sa Miss Saigon
