GORGY RULA
Itinuturing nang icon si Nonoy Zuñiga.
Nagpapasalamat si Nonoy dahil kahit iba na ang gusto ng karamihan, lalo na ang mga kabataan, nandiyan pa rin siya at nakakapag-concert pa.
Nagpo-promote siya ng nalalapit niyang concert, ang Beyond Gold: The Repeat, na nakatakda sa December 9, 2025 sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Read: Angeline Quinto, patuloy ang pagtulong sa kapatid na nasa rehab
NONOY ZUNIGA ON RECORDING CONTRACTS
Pero sa estado ngayon ni Nonoy, meron pa rin daw siyang mga hinaing.
Sa presscon na ginanap sa Mesa Restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City noong Sabado, November 8, tinanong si Nonoy kung meron pa ba siyang hiling o gustong baguhin ngayon sa music industry.
Medyo naalangan pa siyang sumagot dahil iniiwasan daw sana niyang may matatamaan. Pero sinabi pa rin niya.
Saad ng beteranong singer: “Sana mabago yung… naku, baka may tamaan nito. Sana ma-improve yung contracts, recording contracts.
“I don’t want to go into particulars pero sana ma-improve. Maging fair, both sa producers and artists.”
Hanggang doon lang daw ang masasabi niya. Pero kinulit pa rin siya ng press para maiparating kung ano ang totoong nararamdaman niya sa pagtrato sa kanilang veteran singers.
“Hindi ko alam kung ano sa inyo. I throw back the question sa inyo, bago ko sagutin,” pakli niya.
“Pag kayong singer, at paano niyo mahahati yung effort… yung producer saka ikaw sa kanta?
“Saan ka dun? Ilang percentage ka dun? Yun lang! Ibang-iba, e…”
Sabi pa ni Nonoy: “When we started, super mababa ang singer talaga.
"And okay lang naman sa amin nun that time. Kasi, gusto lang naman namin kumanta e. Okay lang.
“Pero yun pala, ang tagal. Ang hirap makawala.
"Ay naku! Maraming problema. I’m sure every singer, nadaanan nila ito.”
Alam ni Nonoy na ganun din ang hinaing ng iba pang kasabayan niyang singers.
Samantala, sa Beyond Gold: The Repeat concert ni Nonoy, special guests niya sina Rey Valera, Lani Misalucha, Pops Fernandez, Dulce, Nina, at Marco Sison.
May special participation dito sina Isha Ponti, Andrea Gutierrez, Maurice at Raymond Gorospe, sa ilalim ng production ng EchoJham Entertainment.
Read: VIRAL: "6-7" is chosen "Word of the Year"; what does it mean?

NOEL FERRER
Dito na rin ibinahagi ni Nonoy Zuñiga na hindi pala siya kumita sa mga mga kantang pinasikat niya.
Silang mga mang-aawit daw ang nakakaligtaan at madalas ay talo sa ganitong set-up.
“Eto, e! Nilabas niyo na, e. Anyway, senior na tayo, wala na tayong… hindi na ako nakatali.
"Ano, yung… maniniwala ba kayo na wala akong kinikita sa 'Never Ever Say Goodbye'? Yun up to now,” bulalas ni Nonoy.
“Kasi kontrata yan. Nasa kontrata. So, improved dapat yung contract, maging fair.
“Ibang-iba yung nasa U.S. Iba. Very strict sila, very fair sa contract. Pati ang singer, kumikita pa, e.
“Pero kami… tsaka… even though who else… owns our song, binenta sa kanila. Nakailang owners yan? May kita pa rin yung singer kahit konti.
“Sana, dapat ganun. Kasi kapag wala namang boses yun, kikita ba yun, di ba? So, dapat fair,” pakli ni Nonoy.
Sana maging patas lang daw na kung kumikita ang producer at composer, sana meron din daw ang mang-aawit.
Ang "Never Ever Say Goodbye" (1982) ay likha ni Willy Cruz, under Vicor Music.
“Honestly, yun ang akin, dapat fair lang para sa lahat. Pero wala, ibang panahon ngayon.
“Mahirap yun e. Malalim yan. It’s a deep-seated problem na dapat iba ang gumalaw, para mabago yan, at maging fair sa lahat ng parties. Hindi lang sa side ng producer.”
Dapat bang ayusin ito ng grupo ng mga mang-aawit na OPM?
“Mabuti pa yung mga composers, kumikita e. Kasi, nag-bond sila, di ba? Meron silang group.
“Meron ding group kami, OPM. Pero wala kaming… mahina pagdating sa aspect na yan.
“Ayusin dapat yung kontrata,” pahayag ni Nonoy.
Read: Marian Rivera on going viral in Vietnam: "Kinikilig talaga ako!"
JERRY OLEA
Present din sa presscon ang director ng Beyond Gold: The Repeat concert ni Nonoy Zuñiga na si Calvin Neria.
Nagbigay rin ng kanyang opinyon si Calvin at ikinuwento ang iba pang nalalaman niya tungkol dito.
Iba na raw kasi ang kasunduan ngayon sa mga bagong mang-aawit kung ikukumpara sa mga kapanahunan ni Nonoy.
Sabi ni Direk Calvin: “Ang nangyayari kasi ngayon, lahat na halos na sumisikat na singers, they know that they’re gonna be paid.
“So, pag alam nilang sumisikat na yung kanta nila, yung kontrata nila, isinasama na kaagad yun.
“Unlike before, nandun tayo sa pinag-uusapan nating era noon na, ‘Ah, Nonoy, gusto mo bang sumikat, mag-sign up ka dito, ganun.’”
REY VALERA BOUGHT HIS OWN SONGS
Nagulat kami sa rebelasyon ni Direk Calvin na kamakailan lang nakuha ni Rey Valera ang mga nilikha niyang kanta.
Lahad ni Direk Calvin: "Share ko na rin, kasi naka-work ko rin. Si Rey Valera, recently lang niya nakuha yung buong catalog niya.
“He doesn’t own it. Binili niya, actually. He has to buy it. Kailangan. Kasi? hindi nasa kanya, e.
“Sabi nga niya, ‘Tumatanda na ako, dapat nasa akin na lahat ito, di ba?’ So, ganun yata yung difference ng noon at saka ngayon.
“Kaya ang suwerte talaga ng mga… lalo na yung mga bata ngayon. The likes of sina Dionella, Lola Amour, Maki, they own their songs.
“Naano e. Kaya kung tutuusin, ilan lang naman yung hits nun, katulad ng mga sina Sir Nonoy.
"So, it’s really an unfair business, not for the ones who are making it right now, but for the icons, di ba?
“Dun ko nakikita! Because I’ve been working with the new ones, and yung mga katulad nina Sir Nonoy. So, nakikita ko rin ang difference.
“Dun ko nakikita na harsh tayo dun sa mga tinuturing natin na mga icons.
“We call them our icons. We call them the legends, but actually we don’t address them that way, na nakakakuha ng ganung respeto lalo na sa industry.”
Read: K-Pop makes history at 2026 Grammys: Rosé, Katseye, “Golden” earn nominations
