JERRY OLEA
Ang ganda-ganda ni Bea Alonzo nang ilunsad siya bilang endorser ng Nustar Online noong Nobyembre 7, 2025, Biyernes ng gabi, sa Medusa at the Palace, Uptown Bonifacio, Taguig City.
“Masaya kasi! Happiness talaga keeps you pretty,” nakangiting sambit ni Bea, na (pure?) gold ang kulay ng suot.
Gaano siya kasaya sa puntong ito na kalmado lahat sa buhay niya? Balanse ang buhay niya at hindi siya naghahabol, 'ika nga.
“I don’t know if it comes with age or experiences or the people around you and the people you surround yourself with, I think that’s very important,” pagmamatuwid ni Bea.
“Because right now, it’s a certain type of... may newfound na that comes with that happiness, so parang okay siya.”
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by dad Manny Pacquiao
SOLO TRIP TO MADRID
Kabe-birthday lang ni Bea noong Oktubre 17. Ano ang gift niya para sa sarili?
“Hindi naman ako ma-gift sa sarili ko although I went to Madrid last week,” tugon ni Bea.
“Nag-celebrate ako dito ng birthday ko, then I went to Madrid by myself lang.”
Why? Bakit siya lang?
“I like doing it, alam mo yon? Na parang I like, kasi, naging residente na ako… and OK siya, kasi parang feeling local ka.
“But you know, parang you get to enjoy the weather. So, parang that’s my happy place.”
BEA ALONZO HAPPY FOR KRIS AQUINO
Sabi ni Kris Aquino, waiting siyang magkita sila muli. Naghahanda na raw si Kris…
“Matagal ko nang hindi nakausap at nakita si Ate.”
Ninang ba si Kris?
“Ha? Saan? Saan siya ninang?”
Sabi pa ni Bea, happy siya na nagpo-post na muli si Kris sa socmed.
Aniya, “Masaya ako to know that she’s getting better, and I really cannot wait to see her whenever that would be.”
Read: Kris' intriguing message for Bea sparks online speculation
BEA ALONZO'S FUTURE PLANS
Ano ang next project niya?
“Right now I’m focused on my business. And my… personal life,” tugon ng aktres.
“Pero kapagka dumating yung tamang proyekto… kapag nakita mo yung tamang proyekto para sa iyo, kahit na kalmado ako ngayon, I will get out of my shell to do something.”
Anong plano niya para sa 2026?
“Anong plano? Ang tagal pa nun!”
Two months na lang, 2026 na, ha?!
“Ano bang plano? Hindi ko alam. Wala pa akong plano. Ha! Ha! Ha! Ha!”
LIVING ON HER OWN TERMS
Paano niya ia-assess ang sarili sa 2025? Anu-ano ang realization niya this year?
“Self-discovery ang nangyari. And kindness to myself, and also helping myself find the right pace.”
Ano ang naiba sa lifestyle niya nang matagpuan niya ang kalmadong partner?
“Parang same pa din naman ako. Saka hindi naman nagde-depend yung lifestyle ko sa partner ko,” sey ni Bea.
“Again, I live in my own terms. Di ba? Hindi naman siya nakadepende sa ibang tao.”
Diretsong sinabi ni Bea na ayaw niyang pag-usapan sa interbyu ang kanyang love life.
“I can only speak for myself and ako kasi, parang ilang taon ko din pinaghirapan yung buhay na meron ako ngayon,” lahad ni Bea.
“May monetary, and mentally, di ba? So parang for me, to find somebody like… to enter in your life, dapat you complement each other.
“So, lifestyle-wise, ganoon pa rin. Pero siguro, parang mas kalma. Ayun, nagko-complement kayo sa isa’t isa.”
Read: VIRAL: "6-7" is chosen "Word of the Year"; what does it mean?
NOEL FERRER
“The Stars Have Arrived” ang tema at isa sa mga hashtag ng nasabing Nustar Online event, kung saan pormal na ipinakilala sina Bea Alonzo at Andrea Brillantes bilang endorsers.
Present siyempre doon ang artist manager nina Bea at Blythe (palayaw ni Andrea) na si Shirley Kuan o SK.
May mga nakalinya pa bang work si Bea next year?
“This year, may mga work siya,” sabi ni SK.
May mga nag-aakalang mag-i-slow down si Bea next year kung lalagay na ito sa tahimik — kung magpapakasal na sila ng boyfriend na si Vincent Co na tagapagmana ng Puregold business empire.
“May contract pa kami, e. Our contract is still live. May obligasyon,” pakli ni SK.
So, sakaling magpakasal sina Bea at Vincent, tuloy pa rin ang work o career ng aktres? Hindi siya mag-i-stop?
“Wala namang usapan. Wala, or hindi nakarating sa akin. I don’t know. In due time.”

SHIRLEY KUAN ON BEA ALONZO'S TELESERYE
May isang teleserye pa na dapat gawin si Bea sa Kapuso Network.
“Depende. Minsan naman kasi, ang series, may hila. Katulad nung Widows’ War, one year silang nag-taping,” saad ni SK.
“Kasi ang haba, di ba? So, yun lang ang nagawa. Ang plano kasi is, in one year, merong isang buo.
“Tapos mag-i-start na, hindi pa tapos ang taon, nag-i-start na rin. Parang one and a half, parang ganun.”
Umere ang Widows’ War mula Hulyo 2024 hanggang Enero 2025. Nobyembre na, wala pang gagawing bagong teleserye si Bea?
“Magpe-present. Magpe-present sila.”
Gusto pa ni Bea na gumawa ng teleserye?
“Oo naman. She wants to work, she wants to work.”
Lumipat si Johnny Manahan o Mr. M sa MQuest ng TV5. Tahasang sinabi ni SK na walang usapan na susunod doon si Bea dahil matagal pa ang kontrata ni Bea sa GMA.
May mga nag-pitch na raw na movie projects kay Bea pero wala pa itong napipili.
Read: Paolo Contis, sinagot ang pagkakawalay sa kanyang mga anak

SK ON RUMORED WEDDING OF BEA AND VINCENT
Noong nakaraang Mayo ay napabalitang naghahanda na sina Bea at Vincent na magpakasal sa Spain. May bali-balita afterwards na kasal na sila.
“Nagugulat nga ako. Pag ganyan, siguro naman, kahit na delayed, sasabihin naman siguro sa akin,” sey ni SK.
“Kahit siguro delayed, kahit papaano, sasabihin sa akin. Pero wala talaga. Wala akong alam.”
Sa kanyang pagkakatanda, wala siyang nadaluhang kasal nina Bea at Vincent sa Spain?
Napatili si SK: “Oh my God! Ganun na ba ako ka-Alzheimer?! Pati ako, nagtaka. May na-attend-an ba ako? Ha! Ha! Ha! Ha!
“Nag-attend ako ng kasal sa Spain noong first week of October, pero hindi si Bea yun. Baka yun ang akala nila.”
Basta, wala siyang nadaluhang kasal ni Bea?
“Sa panaginip kaya? Ha! Ha! Ha! Napaisip ako. May na-attend-an ba ako? Pinaglalaruan niyo ako! Ginagawa niyo pa akong Alzheimer!
“Ha! Ha! Ha! Bigla akong napaisip. Meron ba?”
What if mag-decide na si Bea na magpakasal?
“Never akong nakialam. Kung gusto mong ituloy ang work and you need me, yes. Pag sinabi mong ayaw mo na, fine,” lahad ni SK.
“It’s your life. Example, Donna Cruz. Married so young, and married so young at 21. At the height… did I make pakialam? Never!”
GORGY RULA
Intentional at symbolic ang pagpili kina Bea Alonzo at Andrea Brillantes bilang official endorsers ng Nustar Online.
Ayon sa PR director ng Nustar Online na si Krizia Cortez, Bea and Andrea represent the brand’s dual spirit of heritage and reinvention. Bea embodies timeless elegance and credibility. Andrea represents a modern, confident, digital-forward generation.

Ano ang insights nila sa entertainment na nae-experience online? Yung digital luxury gaya ng online gaming…
Pahayag ni Bea: “For me, entertainment is always evolving. You know, everything’s online now. That’s how we work, that’s how we shop, that’s how we unwind, you know.
“Parang for me, it’s about evolving experiences, you know. Be it streaming movies or TV shows, or shopping.
“Parang for me, this is just another facet of that digital space. And again, I think it’s good to have options, and have a lot of choices, but do it responsibly. And again, in moderation.”
Susog ni Andrea: “Actually, totoo yung sinabi ni Ate Bea… lahat talaga, nag-e-evolve. Lahat, nagbabago.
“So, paano ito makakapagbago sa ating lahat? I think, it’s how you really do it. How you really enjoy in moderation.
“And in control, and responsibly as how it will change po for everyone.”
Pareho silang may pangmalakasang fanbase. Ano kaya ang take ng kanilang fans sa bago nilang endorsement na ito?
Tugon ni Andrea: “Well, I think I know my supporters, and my supporters really value balance.
“So I think, they’ll appreciate Nustar kasi it’s about creativity and enjoyment but enjoying in moderation. And also appreciate din quality experiences.”
Pag-ayon ni Bea: “Yeah. I think my fans or my supporters are also very responsible, and they know that if you enjoy something, like me, everything in life should be in moderation…
“And feeling ko, I also want to highlight how a Filipino brand is, you know, competing on a global digital space, and doing it really well.”
Read: Jaguar, Segurista, Rizal sa Dapitan: A lookback at Pete Lacaba's iconic screenplays
