PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Reyes, "nakipagharutan" kay Timothy Tuppil sa The Gap

Arnold Reyes, aminadong hindi kayang mag-frontal nudity.
by PEP Troika
Published Nov 10, 2025
arnold reyes timothy tuppil the gap
Arnold Reyes on The Gap co-star Timothy Tuppil: “Na-surprise ako kay Tim, ha? OK siya. OK si Tim Tuppil umarte. Sabi ko nga, mabigyan lang ng sunud-sunod na projects si Tim, mahahasa siya lalo. At sumasabay siya sa lahat ng anumang ipagawa sa amin ni Direk."
PHOTO/S: Jerry Olea / SineMax

JERRY OLEA

Napasabak si Arnold Reyes sa matinding harutan kay Timothy Tuppil sa gay movie na The Gap, na nag-streaming umpisa Nobyembre 7, 2025, Biyernes, sa Star SineMax.

Idinirek ito ng stand-up comedian na si Chad Kinis, mula sa panulat ni Sigrid Polon. Nasa cast din si Marga Montes.

“Maganda siya,” patungkol ni Arnold sa The Gap nang makatsikahan namin siya noong Nobyembre 8, Sabado ng gabi, sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.

“Actually, noong binasa ko yung script, nagandahan na ako. Tapos, noong ginagawa namin, iba rin siya, hanggang sa nakita ko na yung trailer namin.

“Lalo akong na-excite, kasi ang ganda ng trailer. Itong The Gap, napakaganda ng story nito.

“Kasi, story ito ng isang middle-aged man na medyo nasa crisis ng kanyang pagkatao, at troubled marriage na rin siya.

“Hanggang sa nakilala niya itong isang character ng bata na nagtatrabaho sa isang coffee shop.

“Nagkaroon ng konting attraction hanggang nag-develop into an affair.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Manager ni Bea Alonzo, nagtataka sa balitang ikinasal ang aktres sa Spain

ARNOLD REYES SURPRISED BY TIMOTHU TUPPIL

Ang katambal niya sa The Gap na si Timothy ay lumabas sa mga BL series na Our Story (2023) at Sky Valley (2024), at sa VMX Plus movie na My Boyfriend Is A Sex Worker 2 (2024).

Bida rin si Timothy sa microdrama ng Cignal Play na My Poor Husband’s Rich Secret (2025), kung saan katambal nito si Sachzna Laparan.

Kumustang katrabaho ang relatively baguhan na si Timothy?

“Na-surprise ako kay Tim, ha? OK siya. OK si Tim Tuppil umarte. Sabi ko nga, mabigyan lang ng sunud-sunod na projects si Tim, mahahasa siya lalo.

“At sumasabay siya sa lahat ng anumang ipagawa sa amin ni Direk,” sabi ni Arnold.

arnold reyes timothy tuppil the gap
Photo/s: Star SineMax
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Naghubad si Arnold Reyes sa pelikulang Donselya na nag-streaming noong Oktubre 29, 2024 sa VMX.

Co-stars niya rito sina Dyessa Garcia, Vern Kaye, Chloe Jenna, Anthony Davao, Juan Paulo Calma, Alan Paule, at Tanya Gomez, sa direksyon ni Christopher Novabos.

Sa pelikulang Paalam, Salamat na nag-streaming noong Oktubre 17, 2025 ay magkatambal sila ni Ruby Ruiz.

Sa flashback scenes, ang gumanap sa karakter nina Arnold at Ruby ay sina Ghion Espinosa at Rinoa Halili, respectively.

“Yung mga VMX ko ngayon, medyo character-driven, e,” pahayag ni Arnold.

“Parang yung sa Donselya, gustung-gusto ko yon. Kasi, ang ganda ng tema nung istorya.

“Yung Paalam, Salamat with Tita Ruby, gusto ko yung drama. Nakakatuwa na first time kong nakatrabaho si Tita Ruby nang ganun katindi ang mga eksena.

“Siyempre, honored din ako. Ruby Ruiz yan, di ba?”

Kabilang pa sa VMX projects ni Arnold ang Iskandalo, Secrets of A Nympho, at Lagaslas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga ginawa rin siyang vertical dramas para sa Viva Movie Box.

Nakadalawang season si Arnold sa Pinoy BL series na Papa, What Is Love? na ipinalabas sa YouTube. Co-stars niya roon sina Rex Lantano at Anthony Flores.

Doon niya unang nakatrabaho si Timothy Tuppil.

“Bilang isang aktor, parang gusto kong i-maximize lahat ng puwede kong gawin sa lifetime na ito,” lahad ni Arnold.

“Kasi siyempre, di ba, parang ito ang ibinigay ng Diyos sa akin na talent.

"Gusto kong magamit lahat, at gusto ko, pag tumanda na ako, looking back, parang, ‘Uy! Andami ko palang magaganda ring ginawa.’”

Read: Angeline Quinto, patuloy ang pagtulong sa kapatid na nasa rehab

GORGY RULA

Ang ganda ng role ni Arnold Reyes sa Kapuso afternoon drama series na Akusada na nagwakas recently.

“Thank you, grabe. Every time na sinasabihan ako na maganda yung ginawa ko sa Akusada, na sobrang natutuwa ako, kasi, ang hirap!” bulalas ni Arnold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong tinanggap ko yun, alam ko, best friend ni Benjamin Alves ang role ko. Tapos unti-unti, nag-develop nang nag-develop.

“Habang binabasa ko na yung script, parang, saan na ito papunta? Na kahit kami, nasu-surprise kami na doon na pala papunta iyon.

“Siyempre, ayoko namang biguin ang mga tao na nagtiwala sa akin sa GMA.”

ARNOLD REYES ON DOING DARING SENES

Nakatsikahan namin si Arnold matapos ang 8:00 P.M. performance ng dulang Anino Sa Likod Ng Buwan noong Sabado.

Tampok doon sina Edward Benosa, Elora Españo, at Ross Pesigan, sa direksyon ni Tuxqs Rutaquio.

anino sa likod ng buwan curtain call
(From left) Edward Benosa, Elora Españo, and Ross Pesigan during the curtain call of Anino Sa Likod ng Buwan.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling full-length stage play ni Arnold ay sa CCP Little Theater, kung saan katambal niya si Shamaine Centenera-Buencamino, sa direksiyon din ni Tuxqs. Kasunod niyon ay mga one-act play sa Virgin Lab Fest.

“Nakaka-miss gumawa ng stage play. Doon kasi ako nagsimula. Noong time na yon, nagdyi-jeep lang kami,” pagbabalik-tanaw ni Arnold.

“Na minsan, magre-rehearsal ba ako o pambayad ko ito ng Meralco?”

Early '90s nag-umpisa si Arnold bilang theater actor sa Metropolitan Theater. Early 2000s nagseryoso siya sa teatro.

Bilang taga-teatro, kaya ba niyang mag-frontal nudity gaya ni Ross sa Anino Sa Likod Ng Buwan?

“Parang iyon ang hindi ko magagawa pa,” pakli ni Arnold.

Ang pinakamapangahas niyang ginawa ay sa pelikulang Kasal (The Commitment) na pinagbidahan nila ni Oliver Aquino, sa direksyon ni Jay Altarejos.

Nagwagi iyong best film sa 10th Cinemalaya filmfest noong Agosto 2014. Streaming iyon sa VMX.

Sabi ni Arnold: “Alam mo naman si Direk Jay Altarejos, medyo daring. Ang gusto nga ni Direk Jay doon, kasi…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bago namin gawin ang Kasal, meron siyang napanood na isang Cannes na entry, nakalimutan ko yung title.

“Gusto niya, medyo talagang halos todo na talaga. So, parang sige, tingnan natin kung saan makakarating. Kasi, festival film naman.

“So, kami naman, open kami. Saka maganda yung project, maganda yung script.

“Minsan, iyon yung puwede naming magawa — yung mahirap gawin — kung magaling ang direktor, magaling ang co-actor, maganda ang script, at yung purpose, maganda.

“So, parang sige, puwede. Try natin.”

Naiilang pa ba siyang gumawa ng bold and daring scenes?

Natatawang pag-amin ni Arnold, “Parang sa edad ko ngayon, nahihiya na. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Reyes on The Gap co-star Timothy Tuppil: “Na-surprise ako kay Tim, ha? OK siya. OK si Tim Tuppil umarte. Sabi ko nga, mabigyan lang ng sunud-sunod na projects si Tim, mahahasa siya lalo. At sumasabay siya sa lahat ng anumang ipagawa sa amin ni Direk."
PHOTO/S: Jerry Olea / SineMax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results