PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedienne, papalitan ng dramatic actress sa isang daily show

Comedienne, hindi napagbigyan ang hiling na increase sa talent fee?
by PEP Troika
Published Nov 11, 2025
blind item comedienne dramatic actress
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Isa sa mga araw na ito ay may mababago sa lineup ng mga host ng isang daily show sa TV.

Ang nasagap ng PEP Troika, hindi na nagpa-renew ng kontrata sa programa si Comedienne na isa sa main hosts.

Nagulat kami sa kuwentong ito dahil maganda ang programa at alaga si Comedienne sa TV network.

Bakit niya iiwan ang programang araw-araw siyang napapanood?

Tinanggap daw ng programa ang pagpapaalam ni Comedienne.

Read: Who is Mark Mugen Striegl?

DRAMATIC ACTRESS TO REPLACE COMEDIENNE?

Ngayon pa lang, may napagdesisyunan na raw na ipapalit kay Comedienne.

Ito ay si Dramatic Actress na minsan nang nag-guest co-host sa daily show.

Maganda raw ang feedback kay Dramatic Actress at sinasabi naman nitong gusto niyang i-explore ang ibang linya.

Napagod yata si Dramatic Actress sa huling drama series na ginawa niya kaya gusto naman niyang i-try ang hosting.

Tingnan natin kung matutuloy ito.

Pero mukhang final na raw dahil pinaghahandaan na ang announcement ng pagpasok ni Dramatic Actress sa naturang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit nga ba ayaw nang magpa-renew ni Comedienne sa programang yun, Sir Noel?

NOEL FERRER

Naku, ikinagulat ko rin iyan actually!

Kasi, nakakaawa naman ang mga matitira sa produksiyon kapag umalis itong komedyana, lalo pa’t click na click sila ng kasamahan niya mula pa sa pinanggalingan nilang network.

Tama rin namang may ipapalit na kaedaran ng isa pang posteng personalidad dahil ma-o-OP siya kapag ibang henerasyon na ang kanyang kasama.

Besides, kailangang may tumimon sa naturang show.

Hindi ako sigurado, pero totoo bang ang TF increase ang isa sa mga rason kaya hindi na nag-renew si Comedienne? Just asking.

JERRY OLEA

Juice colored!!!

Chikawangwang ng mga maritez, nakailang taon na si Comedienne sa programa kaya naglambing ng karampot na dagdag sa talent fee.

E, kasi nga, magkano na ba ang palitan ng dolyares nowadays? Magkano na ba ang gasolina, ang galunggong, ang basic goods?

Reasonable ang request ni Comedienne, kaso hindi pinagbigyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakiwari siguro ni Comedienne ay hindi na worth it ang effort niya sa daily program kaya bumabu na lang siya.

Naku, naku, naku!

For sure, naka-relate kay Comedienne ang isang mahusay na character actress na kahit rumaratsada sa ratings ang kanyang drama series, wala man lang kahit konting bonus!

Ayaw ng Baratillo Kweenz!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results