Trigger Warning: Sexual content
JERRY OLEA
Palaban si Jorge Guda sa psychological play na Walong Libong Piso.
Ka-alternate ni Jorge sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, at Drei Arias sa second run ng dula sa Nobyembre 29, at Disyembre 5, 12 at 19, 2025 sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.
Read: Manager ni Bea Alonzo, nagtataka sa balitang ikinasal ang aktres sa Spain
FIRST LEAD ROLE AND FIRST STAGE PLAY OF JORGE GUDA
Ito ang unang pagbibida ni Jorge sa isang proyekto, at unang pagsabak niya sa teatro.
“Ang modeling career ko po, nag-umpisa bata pa po ako, when I was 13 years old,” lahad ni Jorge sa mediacon noong Oktubre 15 sa Cafe Ilang-ilang ng Manila Hotel, Ermita, Manila.
“Then, yung mga commercials po, TV endorsements, digital ads, nag-start po ako wayback 2016.
“Nag-try po ako noon sa Star Hunt ng ABS-CBN, yung Dream Maker, mga KPop-KPop group. E, hindi pinalad pero nice experience.
“First time ko po ito sa stage play. Bilang paghahanda, siyempre unang-una po, pagdating sa physical, pa-lean.
“Kahit hindi naman sobrang laki, papa-lean po. Kasi, ang mga kasabayan natin na bihasang aktor ay magaganda yung physical.
“So, unang-una, yung gym. And then siyempre yung lines, script. Kinakabisado ko. Siyempre, hindi rin po biro iyong ganoon kahaba na tuluy-tuloy na play.
“Iba po kasi talaga pag sa stage play and sa movie, e. So, may pressure, pero good pressure naman po.”
Noong first week ng Marso 2025 ay napasama siya sa all-male sing-and-dance group na Magicvoyz, na mina-manage ni Lito de Guzman.
Read: Marian Rivera on going viral in Vietnam: "Kinikilig talaga ako!"
JORGE GUDA ON DOING FRONTAL NUDITY
Sa first run ng Walong Libong Piso ay nag-frontal nudity sina Jhon Mark Marcia at Juan Paulo Calma, na kagaya niya ay mina-manage ni Lito.
Kaya ba niyang mag-expose ng private part?
Napangiti ang 25-anyos na si Jorge: “Titingnan po natin. Malalaman po natin. Hindi ko pa po masasagot ngayon.”
Tatlo ang maseselang eksena sa dula — pagsa-shower, macho dancing, at pagma-masturbate. Paano niya itatawid ang tatlong eksenang iyon?
“Siguro po, kaya naman po. Kaya naman po, kasi sa totoong buhay, e, naliligo naman ako...” sabi ng six-footer na newbie actor.
“Saka nakakasayaw naman ako. Kaya namang itawid.”
Anong pakiramdam niya nang magpakita siya ng puwet sa pictorial?
“E, OK lang naman po. Kasi, puwet lang naman yon, e. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Jorge.
Ang halaga ng tiket sa Walong Libong Piso ay PHP3,000 (SVIP), PHP2,500 (VIP), PHP2,000 (Gold), at PHP1,500 (Silver).
Ito ay sa panulat at direksyon ni Dante Balboa. Ang executive producer ay si Engr. Benjamin Austria ng Bentria Productions, at production manager si Dennis C. Evangelista.
Read: Paolo Contis, sinagot ang pagkakawalay sa kanyang mga anak

NOEL FERRER
Nakalimang seryosong girlfriend na raw si Jorge Guda.
Katorse o kinse anyos daw siya nang unang magkasyota. So, maaga pala siyang na-devirginize sa babae?
Ngumiti si Jorge, “Virgin pa ako… sa tenga!”
May experience na ba siya sa bading?
“Ahh, wala pa po… hindi ko trip, pero marami akong kaibigan from LGBTQ,” saad ni Jorge.
“Actually, mataas ang respeto ko sa LGBTQ. Kasi, isa iyan sa magagaling na ano sa larangan, kung ano ang industriya nila. May mga nag-e-excel talaga na LGBTQ.
“At saka naging part yan ng research paper ko, kung anong impact ng LGBTQ sa society.
"So, malaki ang respeto ko sa kanila. Marami akong kaibigan na LGBTQ.”
INDECENT PROPOSAL
Nanindigan si Jorge na wala pang bading na nang-exploit o nang-scam sa kanya. Pero meron daw bading na nag-indecent proposal.
“Hindi ko makakalimutan yung nag-offer ng sasakyan, saka half million [pesos],” sambit ni Jorge.
Hindi raw niya kinagat iyon. Bakit? Hindi ba siya na-tempt?
“Siguro, bata pa ako dati. Merong part na iisipin mo, kasi, bata ka. Tapos yung mga offer na ganun, siyempre alam mo, bulag yon, e!” katwiran ni Jorge.
“Bulag na offer yon. So, siyempre, somehow maiisip mo. Pero siyempre, sa guide ng mga kaibigan, ganyan. Siyempre, nagagabayan naman.”
Read: Netizens react to Bea Borres' declaration to stop flirting with men
GORGY RULA
Ulila na sa magulang si Jorge Guda. Nine months old siya nang pumanaw ang kanyang ama.
“Tapos yung mom ko, namatay nung COVID, nung 2021,” sambit ni Jorge.
Bunso si Jorge sa apat na magkakapatid.
“May mga pamilya na po sila. Ahead po sila sa akin nang mga ten years pataas,” sabi ng 25-anyos na baguhang aktor.
“Dito po sa Manila, mag-isa lang ako sa bahay. Doon po sa Cavite, nakatira yung ate ko.”
Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga kapatid niya sa pagpapa-sexy niya sa dulang Walong Libong Piso?
“OK lang naman po iyon. Dupport lang naman sila sa mga desisyon ko gawa ng tiwala din naman sila sa akin.”

SEXY THINGS ABOUT JORGE GUDA
Anu-ano ang sexy things tungkol sa kanya?
“Sexy things? Hmmnn, ano ba ang sexy things sa akin? Siguro, ano, palagi akong horny. Charot!” bulalas ni Jorge.
“Magaling lang akong magtago.”
Mahirap iyon, huh?! Wala siyang girlfriend, wala ring gay friend to lend a helping hand, or whatever.
Natatawang sabi ni Jorge, “Ayun, siyempre. Puro kalyo na nga ang kamay ko, e!”
Ano ang sexual fantasy niya?
“Yung sa cable car, doon kami magse-sex. Sa Korea, o sa Japan. Ayoko dito sa Pilipinas,” sey ni Jorge.
“Para pag may makakita, hindi ako kilala. Saka hindi maisyu.”
Sa mga Pinay celebrity, sino ang fantasy niya?
Mabilis na sagot ni Jorge, “Gusto ko, si Bea Alonzo. Ganun ang mga tipo ko… Gusto ko yung itsura niya, yung physical traits.”
May ginawa ba siyang sex video?
“Napagdaanan. Siyempre, may partner. Maganda, may partner,” pilyong pag-amin ni Jorge.
“Ginawa namin iyon for experience lang. Explore. Pero deleted din agad.”
Ano ang feeling niya nang mapanood ang sarili habang nakikipagtalik?
“Wala. Ganun pala yon. Experience lang. wala siyang specific na feeling,” pahayag ni Jorge.
“Parang wala lang. Just for the experience.”
Mas bet ba niya yung babaeng palaban, di nahihiyang gumawa ng sex video?
“Mas gusto ko yung medyo demure na may kulo sa loob.”
OK lang sa kanya kahit hindi na virgin ang girlfriend niya?
“Oo naman. Parang wala na namang virgin ngayon.”
