PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Well-loved personality, ligwak sa second round ng National Artist

Well-loved personality, nalaglag sa second round ng National Artist
by PEP Troika
Published Nov 11, 2025
blind item well-loved personality
PHOTO/S: Canva

NOEL FERRER

Ligwak na sa listahan ng bagong National Artists ang ilan sa mga inaasahan nating mga Pambansang Alagad ng Sining.

Nasagap ng PEP Troika, tapos na ang second round ng deliberations.

Bago makarating sa ikatlo at huling round, kailangang makapasa ang nominees sa masusing pagsusuri sa mga kapwa iginagalang na cultural at artistic workers.

Nalaglag daw ang isang regional writer in favor of another regional writer sa larangan ng literatura.

By one vote, hindi rin daw nakapasa ang isang design bigwig sa second round. Sayang.

Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by dad Manny Pacquiao

WELL-LOVED PERSONALITY FAILS TO MAKE THE CUT

At ang ikinabigla natin at ng ating mga kasamahan sa industriya, isang minamahal na alagad ng sining didn’t make the cut sa second round.

Sad, really.

Bago matapos ang buwan, magko-convene na ang ikatlo at huling round ng deliberations, composed of National Artists, Cultural Center of the Philippines (CCP), and National Commission for Culture and the Arts (NCCA), para pagdesisyunan kung sinu-sino ang maluluklok sa Order of National Artist sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Mukhang dead set ang kampo ng isang kasamahan natin sa industriya na makamit ang National Artist recognition.

Balita natin ay may isa pang librong gagawin at mga pelikula pa sanang pagtutuunan nito ng pansin.

Hayaan mo na’t sa ganitong award, tulad ng National Artist, try and try at gawa rin lang nang gawa ng magagandang mga obra na magde-define kung ano ang tunay na maka-Pilipinong sining.

At kailangan pa ng push sa ating pambato, kailangan pa rin ng mas matinding international recognition sana sa mga susunod niyang proyekto.

Hindi na puwedeng umasang isingit sa listahan — dahil may rule na yata na hindi puwedeng magdagdag-bawas ang Pangulo sa ganitong award.

Matatandaang naging kontrobersiyal noon ang pagsingit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga pangalan nina Carlo J. Caparas , Cecille Guidote Alvarez, at Pitoy Moreno.

Nagkaroon ng protesta at pag-recall ng awards.

Kung tutuusin, si Ate Guy nga, parang Pia Wurtzbach. Dalawang beses isinantabi ng mga Presidente hangga’t sa, finally, makuha na niya ang karangalan noong 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nonoy Zuñiga, walang kinita sa "Never Ever Say Goodbye"

JERRY OLEA

Nakatsikahan ko ang isang multi-awarded director noong Nobyembre 9, 2025, Linggo ng gabi, sa Cash n’ Carry.

Sabi nito, matagal na niyang alam na ligwak sa consideration for National Artist ang isang premyadong artista.

Napabuntong-hininga na lang ako sa pinakawalang one-liner ni Direk.

Kailan kaya ihahayag kung sinu-sino ang mga bagong Pambansang Alagad ng Sining?

THE NATIONAL ARTIST SELECTION

Matatandaan na noong Nobyembre 23, 2023 ang Call for Nominations dito.

Base sa timeline na inilatag noon, Hunyo 30, 2024 ang nomination.

Anim na buwan ang research, Hulyo-Disyembre 2024.

Ang deliberation ay Enero-Mayo 2025, at ang awarding and conferment ay Hunyo 30, 2025.

Hindi nasunod ang nasabing timeline.

The Order of National Artist or Order ng Pambansang Alagad ng Sining, is the highest national recognition given to a Filipino individual who has made significant contributions to the Philippines through their achievements in the fields of Architecture and Allied Arts, Dance, Design, Film and Broadcast Arts, Literature, Music, Theater and Visual Arts.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang criteria para sa nominasyon:

  • Living artists who are Filipino citizens at the time of nomination and at the awarding, as well as those who died after the establishment of the award in 1972.
  • Artists who through the content and form of their works have contributed in building a Filipino sense of nationhood.
  • Artists who have pioneered in a mode of creative expression or style, thus, earning distinction and making an impact on succeeding generations of artists.
  • Artists who enjoy broad acceptance through — Prestigious national and/or international recognition; Critical acclaim and/or reviews of their works; Respect and esteem from peers.

Ang tanong: alin ang mauuna, ang announcement ng bagong National Artists o ang resulta sa flood control investigation?

Meron na bang makakasuhan o makukulong kaugnay sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) bago matapos ang Nobyembre?

Read: Marian Rivera on going viral in Vietnam: "Kinikilig talaga ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results