PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Apoy Sa Dugo, pang-primetime dapat pero nilipat sa panghapon?

Role ni Ashley Ortega, ipinantay kina Elle Villanueva at Derrick Monasterio?
by PEP Troika
Published Nov 12, 2025
elle derrick ashley apoy sa dugo
Elle Villanueva, Derrick Monasterio, and Ashley Ortega star in the upcoming Kapuso Afternoon Prime drama Apoy Sa Dugo, which has reportedly been delayed due to script revisions, according to sources.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Marami pa rin ang nagtatanong sa amin kung talaga bang pinalitan ang kabuuan ng kuwento ng upcoming Kapuso drama series na Apoy Sa Dugo, na dating Sister’s Game ang title.

Nasa cast din si Ashley Ortega sa seryeng ito na pinagbibidahan ng magkasintahang sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Isa rin daw kasi sa bida sa Apoy Sa Dugo si Ashley.

Kailangan bang ipantay sa dalawang bida ang role na gagampanan ni Ashley? Dapat bang palabasing bida silang tatlo?

Kaya ba na-delay ang airing nito dahil sa revisions?

Hindi naman ito kumpirmado.

Pero ayon sa reliable sources na napagtanungan ng PEP Troika, binago raw talaga ang look ng serye.

Read: Maureen Wroblewitz says boyfriend Noah Steinbuch “is the complete opposite” of her ex

FROM PRIMETIME TO AFTERNOON PRIME?

Originally, intended daw ito for primetime. Pero biglang binago, at ginawa nang panghapon.

Kapag pang-Afternoon Prime, iba ang look ng isang teleserye. Pang-masa siya, na pinuputakti ng awayan, sampalan, talakan na tila panggising sa nakakaantok na hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag sa primetime, mas magastos. Dapat magaganda ang visuals, pati ang location ay kakaiba. Talagang ginagastusan.

May narinig kaming hindi na raw kinaya sa budget, kaya ginawa na lang panghapon ang Apoy Sa Dugo.

Kaya raw na-delay ito dahil inayos, ginawang pangmasa, na swak sa panghapong televiewers.

Doon namin napagtanto, may kanya-kanya talagang formula ang isang teleserye depende sa oras na mapapanood ito. Iba ang look ng pang-gabi at iba rin sa pang-hapon.

So far, ang panghapong drama ang strength ng GMA-7 dahil consistent na mataas ang ratings at talagang gustong panoorin ng taumbayan.

Pero humahataw rin ngayon ang kanilang mga drama series sa primetime, kahit nakikipaglaban pa rin nang pukpukan ang FPJ’s Batang Quiapo.

Kaya talagang paganda nang paganda pa ang mga napapanood natin sa telebisyon, kahit mas pinapanood na ngayon sa streaming at sa social media.

Read: Did Team Philippines make it to the next round of Physical: Asia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Yung Asawa ng Asawa Ko (Enero 2024-Enero 2025) na tinampukan nina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, at Liezel Lopez, dapat sana’y panghapon.

Pero na-impress ang management sa naturang obra ni Direk Laurice Guillen kaya inilagay iyon sa primetime.

Pumatok ang Asawa ng Asawa Ko kaya tumagal iyon sa ere.

Ang huhusay rin ng mga support doon na sina Joem Bascon, Martin del Rosario, at Gina Alajar.

Iba naman ang kaso nitong bagong teleserye nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega — pam-primetime sana, pero mas bagay pala sa hapon?!

Oh well, waging-wagi sa ratings ang mga panghapong drama series ng Kapuso Network. Kumakain ng alikabok ang mga katapat na programa, ika nga.

NOEL FERRER

Dahil sa mga ganitong pagre-rearrange ng mga teleserye ng mga panghapon at pam-primetime, medyo naa-affirm na hindi na artist ang basehan ng pam-primetime at pang-Dramarama sa hapon kundi ang istorya, at ang pagkaka-mount nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

What does this say about stars, medyo hindi na ba sukatan ang panghapon at pam-primetime sa premium mo bilang artista?

If ever ba, the likes of Piolo, Dingdong, or Coco, or Juday, Bea, or Marian, papayag ba sa isang project na hindi primetime?

How about Dennis Trillo or Ruru Madrid after Green Bones? Or KimPau or Kathryn-James?

May paghihiwalay pa rin ng primetime actors sa non-prime still.

Read: Storm chaser Josh Morgerman, binasag ang paniniwala ng mga Pinoy sa Sierra Madre

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elle Villanueva, Derrick Monasterio, and Ashley Ortega star in the upcoming Kapuso Afternoon Prime drama Apoy Sa Dugo, which has reportedly been delayed due to script revisions, according to sources.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results