PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gardo Versoza, inaming pinagdudahan ng misis dahil sa gay roles

Gardo Versoza, may offers pa rin na magpa-sexy sa pelikula.
by PEP Troika
Published Nov 12, 2025
gardo versoza jackstone 5
Gardo Versoza on gay celebrities who have yet to come out: "Prang feeling ko, long overdue na. Na parang hindi na nila dapat masyadong pinapalaki, di ba? Na parang kung ganito ka, parang hindi puwedeng ilabas. So, parang sa akin, e, kung nagagampanan mo naman yung ipinagagawa sa iyong role or character, bakit kailangan mo pang itago?"
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Peppermint o pamhinta si Pido, ang karakter ni Gardo Versoza sa comedy film na Jackstone 5.

Dating action star si Pido at nagpaka-Bona sa kanya si Remy (Jim Pebanco). May mga acclang natanso ni Pido.

gardo versoza jim pebanco jackstone 5
Gardo Verzosa and Jim Pebanco in a scene from Jackstone 5

Sa tunay na buhay ba, may alam si Gardo sa mga nateging artista o action star na closet kween?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawang sagot ni Gardo bago mag-preview ang pelikula noong Nobyembre 11, 2025, Martes, sa Outpost Visual Frontier sa Miranda St., San Juan City: “Namayapa na sila, huwag na nating bulabugin! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Marami akong mga naririnig! Pahuhulaan natin. Mahuhulaan nyo ba kung sino ang naging peg ko dito sa role ko? Ha! Ha! Ha!”

Maliban kina Gardo at Jim, bida rin sa Jackstone 5 sina Eric Quizon, Arnell Ignacio, at Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula.

Read: Manager ni Bea Alonzo, nagtataka sa balitang ikinasal ang aktres sa Spain

GARDO VERSOZA ON DIREK JOEL LAMANGAN AS CO-STAR

Sa tantiya ni Gardo ay ikalima o ikaanim na pagkakataon na ito na naidirek siya ni Direk Joel.

Dito sa Jackstone 5, kumusta si Direk Joel bilang co-actor at direktor? Mas mabait ba si Direk Joel sa set kapag mas abala ito, umaarte at nagdidirek?

“Pag artista, feeling ko, mas mabait. Pag direktor, mas istrikto,” tugon ni Gardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero nakakabilib. Kasi, nagdidirek tapos at the same time, umaarte siya. So, I could just imagine, like, yung what’s going through at the back of his mind, di ba?

“Parang naghahalu-halo. Siyempre, di ba, more on technical side yung pagdidirek.

“Pero overall, masaya, masaya yung ano. Sana nga, magkaroon ng ano, ng teleserye na ganun.

“Actually, na-imagine ko iyong the likes of Queer as Folk. Para siyang ganun.”

Mapangahas ang 1999-2000 British TV series na Queer As Folk (two seasons), na nagkaroon ng American/Canadian version noong 2000-2005 (five seasons).

Ang British version ay nagkaroon ng American reboot noong 2022, pero isang season lang dahil mababa ang ratings.

Puwede kaya ang ganoon ka-daring na TV series sa Pilipinas?

“Ay! You’ll never know!” bulalas ni Gardo.

Puwede sigurong pang-streaming sa iWant o VMX.

Noong 2019 ay nagkaroon ng Mga Batang Poz sa iWant.

If ever… kung sakali man, keri pa ba niyang maging mapangahas sa local version ng Queer As Folk?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Feeling ko, matanda na ako para diyan,” sambit ni Gardo.

“Siguro, like, back in the days, di ba, like mga Seiko ano. Pero like ngayon, ipaubaya na natin sa mga bagets!”

Read: Angeline Quinto, patuloy ang pagtulong sa kapatid na nasa rehab

GARDO VERSOZA'S REIGN AS ST KING

Namayagpag si Gardo bilang ST King ng Seiko Films noong 1990s. Ang ibig sabihin ng ST ay Sex Trip.

Kabilang sa sexy films niya noon ang Sana Kahit Minsan, Paminsan-minsan, Alyas Stella Magtanggol, Nang Gabing Mamulat si Eba, Machete II, Kandungan, Kirot 2, Sabik sa Halik, Halimuyak ng Babae, at Mabango.

Kahit naghubad ay seryosong aktor na ang dating ni Gardo sa Ang Lalaki sa Buhay ni Selya (1998) ng Reynafilms, at Ang Kabit ni Mrs. Montero (1999) ng Viva Films.

gardo versoza movies
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ba, may offers pa rin sa kanyang gumawa ng sexy films?

Tumango si Gardo, “Oo! Ayaw lang ni manager,” na ang tinutukoy ay ang wife na si Ivy.

“Ha! Ha! Ha! May offer ang Vivamax. Ha! Ha! Ha!”

Marami pang ibang platforms na may mga mapangahas na palabas, gaya ng CinePOP, Star SineMax, HeyPogi, at Life Time Dream.

“Parang feeling ko nga, di ba, it’s about time na lagyan na siguro nila ng demarcation line,” pagmamatwid ni Gardo.

“And then, like, di ba, para klaro na kung dito iyong all the way, di ba, and like dito naman iyong mga mainstream na the usual film, di ba?

“Kasi, ang tagal na, sobra. Like sa ibang bansa, napakaordinaryo na sa kanila ng ganun, di ba?

“So, kung mas klaro, di… di ba, like sa award-giving body, di ba? Maliwanag din, di ba?”

Maraming pelikula noon ni Gardo ang nagkaproblema sa MTRCB, pero naaprubahan din kapagkuwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit yung [Ang Lalaki sa Buhay ni] Selya before, e. Di ba? Pero tingin ko, justifiable naman yung mga ano doon,” pakli ni Gardo.

Read: Marian Rivera on going viral in Vietnam: "Kinikilig talaga ako!"

NOEL FERRER

Sabi-sabi, marami sa local celebrities ang hindi pa umaamin sa publiko na member sila ng LGBTQIA+ community. Yung iba ay out sa malalapit na kaibigan…

“Minsan, parang napagkukuwentuhan namin ni Misis. Tapos, like bino-voice out ko lang,” lahad ni Gardo Versoza.

“Na parang feeling ko, long overdue na. Na parang hindi na nila dapat masyadong pinapalaki, di ba?

“Na parang kung ganito ka, parang hindi puwedeng ilabas. So, parang sa akin, e, kung nagagampanan mo naman yung ipinagagawa sa iyong role or character, bakit kailangan mo pang itago?

“Tapos, like feeling ko, pag umedad ka na, kawawa ka naman. Kasi, papaano mo pa siya mae-enjoy, di ba?”

GARDO VERSOZA ON GAY ROLES

Ang misis niyang si Ivy, hindi ba nagduda sa pagganap niyang muli ng gay role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagduda! Ha! Ha! Ha!” pag-amin ni Gardo.

“Nagduda nung nawili ako sa mga high heels saka sa mga shorts. Nadibdiban na niya ako minsan.

“Kasi, parang may nadala yata akong karakter. Naiuwi ko sa bahay. So, pababa kami ng hagdan, tapos, dumulas ako, ‘Ahhhh!!!’

“Gumanun ako. Nadibdiban ako bigla. Sabi ko, nadala ko lang. ‘Hindi naman ano.’ Sabi niya, ‘Ayusin mo iyan bago pa tayo maghiwalay, ha?!’ Ha! Ha! Ha!

“Sabi ko kasi, may mga times na kahit naman sa kontrabida, e, di ba? Minsan, hindi mo pa mapapagpag, naiuuwi mo pa — mainitin ang ulo mo.

“Hindi ba, parang gusto mo, laging away. So ito, parang masyado kong na-enjoy, parang Dading yata yan or something. Naiuwi ko sa bahay.”

Read: K-Pop makes history at 2026 Grammys: Rosé, Katseye, “Golden” earn nominations

GORGY RULA

Nabibigla pa ba siya sa mga straight-acting gays? Yung bruskung-brusko, tapos ay matatanto niyang bading pala…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, may gulat factor pa rin siya. Ha! Ha! Ha! Saka lalo na yung kapag masyado yung iginigiit talaga,” sey ni Gardo Versoza.

“Na, ‘Hindi! Hindi!’ Parang mas naaano ako dun sa ganun, kesa dun sa parang what you see is what you get, di ba?

“So, alam mo na. O, di ba, wala na. Wala na dapat isyu, ganyan-ganyan.”

Sa showbiz, meron na pang pamhinta na nagparamdam o nagpahiwatig sa kanya? Na bet siyang makabembangan…

“Ngayon ba iyan o noon? Ha! Ha! Ha! Ha! Meron, meron,” pag-amin ni Gardo.

“Meron din, pero mas marami kasi noon. Kasi siyempre, di ba, bagets. Di ba? Tapos mas gullible ka noon, di ba?

“Ngayon kasi, nagkakaroon na sila ng 50/50 pag-iisip kung, ‘Baka kakulay ko rin ito!’ Ha! Ha! Ha! Di ba? ‘Baka matanso ako!’ Ha! Ha! Ha! Ha!

“So, di ba, testing waters muna sila. Di ba?”

Prevalent na ngayon maski sa Pilipinas na nagkakainlaban ang dalawang openly gay, o alter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yung iba siguro, dahil pag kino-connect nila sa Machete, hindi nila matanggap na matatanso, di ba?” saad ni Gardo.

“So, sinisigurado muna nila. Parang like recently, yung Legends sa Araneta, yung may dance concert.

“Andaming nagtatanong, ‘Is he really gay?’ Ha! Ha! Ha! So, minsan, sinasagot ko na lang, ‘Why? Is there a problem with that?’ Di ba?

“Kasi, feeling ko, parang dapat mas nabubuksan yung ano, e. Like, di ba, minsan iyon yung mga dahilan ng pagkakaroon ng suicide, di ba? Dahil hindi natatanggap.

“So, sa akin, bakit niyo inuuna yung batas-batas? Di ba, dapat, unahin niyo yung kung papaanong haharapin, di ba?

“So, paano ita-tackle? Paano sila tatanggapin? Di ba? Para mas maluwag. Wala naman kasing…

“Feeling ko kasi, yung iba, parang kinakargahan pa nila para madagdagan pa lalo ng takot na mag-out na yung tao. Di ba?”

Nasa cast din ng Jackstone 5 sina Abed Green, Marcus Madrigal, Elora Españo, Rico Barrera, Prince Clemente, Angela Cortez, at Jhon Mark Marcia na may butt exposure at pa-Felix Bakat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mag-a-out ito at aawra sa mga sinehan umpisa Disyembre 3, 2025.

Read: Kirk Bondad confirms rekindled love story with Lou Yanong

jackstone 5 poster
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gardo Versoza on gay celebrities who have yet to come out: "Prang feeling ko, long overdue na. Na parang hindi na nila dapat masyadong pinapalaki, di ba? Na parang kung ganito ka, parang hindi puwedeng ilabas. So, parang sa akin, e, kung nagagampanan mo naman yung ipinagagawa sa iyong role or character, bakit kailangan mo pang itago?"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results