PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derek, babalik sa TV5? Wilyonaryo ni Willie, hindi sa TV5 eere?

Derek, babalik sa TV5; Wilyonaryo ni Willie, hindi sa TV5 eere?
by PEP Troika
Published Nov 12, 2025
derek ramsay willie revillame tv5
Following Johnny Manahan’s contract signing with TV5, reports surfaced about Derek Ramsay’s possible return to the Kapatid network. Meanwhile, Willie Revillame’s upcoming game-variety show Wilyonaryo will reportedly no longer air on TV5.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Mataas ang expectations ko sa pagpasok ni Johnny Manahan o Mr. M sa TV5 at sa MediaQuest Ventures.

Marami na siyang naiisip gawin sa MQuest Artists Agency, para makilala at magkaroon ng premium ang artists ng Kapatid network.

Bahagi ng welcome speech ng TV5 executive na si Ms. Jane Basas: “Mr. M’s presence here today reaffirms our ambition. With his unmatched expertise and leadership, MediaQuest and TV5 now surge forward as a true force in this industry.

“This is a key part of our ongoing commitment to bringing but the best to our viewers.”

Inaasahan na rin ang pagpasok ng ilang Kapamilya artists sa MediaQuest kagaya nina Piolo Pascual, Andrea Brillantes, at Enrique Gil.

Ang MediaQuest ang producer ng MMFF 2025 official entry na Manila’s Finest, na pinagbibidahan nina Piolo at Enrique.

Pelikula lang ba ang commitment nina Piolo, Andrea, at Enrique o may TV show rin silang gagawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mr. M, susundan ng Kapamilya stars sa TV5?

DEREK RAMSAY TO RETURN TO TV5?

Napangiti lang si Mr. M nang diretsahan naming tinanong kung totoo bang inaayos na rin ang pagbabalik sa Kapatid network ni Derek Ramsay.

Matipid ang sagot ni Derek nang tinanong namin siya tungkol dito.

Tinext ko ang aktor kung totoo bang babalik siya sa TV5. Meron ba silang pag-uusap ng executives ng MediaQuest, specifically kay MVP (Manny V. Pangilinan)?

“Wala pa naman,” pakli ni Derek.

Pagkatapos nilang magpakasal ni Ellen Adarna, nagdeklara si Derek na hindi na siya magso-showbiz.

Sinasabi nga niya sa reporters na nag-iniinterbyu sa kanyang wala na siya sa showbiz, kaya bakit naiisyu pa rin siya.

Tinext ko siya na sana ay matuloy ang pagbabalik-acting niya.

Sinagot lang niya ako ng “smile emoji.”

Pero nag-text siya ulit at sinabing, “Maybe soon, dear. Working on something.”

Kahit paano ay sumasagot si Derek.

Ilang beses ko kasi siyang nakukulit noon tungkol sa isyu nila ni Ellen, pero hindi talaga siya sumasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-text uli kami sa kanya na hangad namin ang kaligayahan niya at mag-ingat lang siya palagi.

“Thank you. Time heals everything,” makahulugan niyang sagot sa akin.

Read: Derek Ramsay calls out Philmar and Andi; defends Pernilla

NOEL FERRER

Marami ang nag-aabang kung anu-ano ang mga pagbabagong gagawin ni Mr. M sa Kapatid network.

Napapabalita itong kay Coco Martin, pero itinanggi ito ng unang napagtanungan ng PEP Troika.

Pero may nagkuwento rin sa aming meron daw talagang pag-uusap. Hindi lang nilinaw kung magkakaroon siya ng TV show o collaboration sa pelikulang gagawin niya.

WILLIE REVILLAME'S FATE IN TV5

May mga nagkuwento rin sa amin tungkol sa magiging kapalaran ni Willie Revillame sa TV5.

Nagpo-promote na siya ng Wilyonaryo sa kanyang social media account.

Pero hindi raw ito sa TV5 ipalalabas, sabi ng ilan pang napagtanungan ng PEP Troika.

Wala pa silang official announcement kung mananatili pa ba sa TV5 ang kontrobersiyal na TV host.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Meron kasing lumalabas na kuwentong marami raw sa Kapatid Network na ayaw bumalik sa TV5 si Willie.

Totoo bang nalulugi raw ang TV5 ng dalawang milyong piso araw-araw sa kanyang Wowowin?

Baka bayaran na lang daw ng MediaQuest ang studio na ipinagawa ni Willie.

Tiningnan na raw iyon ni Mr. M at ng team nito dahil balak nilang doon sila mag-opisina.

Ito pa lang ang mga kuwentong narinig namin na hindi naman kinukumpirma ng MediaQuest o ng taga-TV5.

Abangan na lang natin.

Read: Willie Revillame, kumpirmado na ang pagbabalik sa TV5

JERRY OLEA

Nakatsikahan namin ang artist manager na si Shirley Kuan o SK sa official launch ng mga alaga niyang sina Bea Alonzo at Andrea Brillantes bilang endorsers ng Nustar Online noong Nobyembre 7, 2025, Biyernes, sa Medusa at The Palace, Uptown Bonifacio, Taguig City.

Inusisa namin kay SK kung tuloy pa ba yung movie na pagtatambalan nina Andrea at Enrique Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa source namin, medyo tumaba noon si Enrique kaya hindi agad ma-shoot yung movie nila ni Andrea.

“Hindi ko alam alin ang tuloy, either movie or series. Hindi pa alam kung ano,” sabi ni SK.

“As of today, wala sa schedule.”

Sabi pa ni SK, payat si Enrique nang huling makita nila.

Parehong may MMFF 2025 entry sina Enrique at Andrea.

Kasama si Enrique sa Manila’s Finest na bida si Piolo Pascual, samantalang kabilang si Andrea sa cast ng Rekonek na nagtatampok din kina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Gloria Diaz, at Gerald Anderson.

Nag-shoot si Andrea sa Bangkok, Thailand, para sa Rekonek.

Nilinaw ni SK na ang pinirmahan ni Andrea sa MQuest ay para sa dalawang pelikula.

“May prinesent sa amin, OK naman. Pero I don’t know kung kailan nakakalendaryo. Tingnan natin kung mag-match sa kalendaryo ni Blythe [palayaw ni Andrea],” saad ni SK.

“May pinitch sa amin. Nag-pitch ng dalawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Manager ni Bea Alonzo, itinangging ikinasal ang aktres sa Spain

SHIRLEY KUAN ON COCO MARTIN

Tungkol sa bali-balitang si SK na rin ang magma-manage ng career ni Coco, ang pahayag ni SK, “Matagal na akong manager ni Coco for almost 15 years for endorsements, and that has not changed.”

Pipirma rin ba si Coco sa MQuest o TV5?

“Ay! Hindi naman ako manager sa… [career]. Endorsement lang ako, e,” pagdidiin ni SK.

“Itanong mo kung ano ang mga endorsement niya, alam ko. Pero yung ibang mga plano sa ibang career, hindi ako ang career-planner niya.”

What if kunin siya ni Coco bilang manager na rin sa movie and TV projects?

“May Biboy [Arboleda]. Nagmamahalan naman yung dalawa,” sabi ni SK.

Read: Coco Martin, may bago nang manager matapos kumalas kay Biboy?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Following Johnny Manahan’s contract signing with TV5, reports surfaced about Derek Ramsay’s possible return to the Kapatid network. Meanwhile, Willie Revillame’s upcoming game-variety show Wilyonaryo will reportedly no longer air on TV5.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results