Trigger Warning: Sexual content
JERRY OLEA
It’s Raining Men sa sex comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee (ABNMRL) na itatanghal sa Nobyembre 15 at 22, 2025, Sabado ng 5:00 P.M. at 8:00 P.M., sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.
Sa Facebook page ng La FilmAna Media & Prods. Inc., bumabaha ang patakam ng cast members na sina Juan Paulo Calma, Dolf Lopez, Alfe Alabastro, Mark Monares, Ricjun Aguilera, at Gerald Barbacena.
Read: Comedienne, aalis na sa daily show; papalitan ng dramatic actress

Magpapauga rin sa dula sina Joni McNab, Mika Mendez, Dante Balboa, Paul Jake Paule, Abet Raz, Alpie Ragmac, Kate Arguelles, Bernard Laxa, Tonny Abad, at Skelly Skelly.
Strictly for adults only ang ABNMRL dahil sa maseselang eksena, tema, at dayalog.
Umpisa pa lang ay umaatikabo na ang mga harutan at halinghingan, at meron pang mga threesome galore.
Sa technical dress rehearsal ng ABNMRL noong Setyembre 29 sa Teatrino ay bumulaga na ang private part ni Mark Monares.
WHO IS MARK MONARES?
The who si Mark Monares?
Nagpapakitang-gilas siya sa streaming platform na CinePOP, sumabak na sa VMX at Star SineMax, at sa dulang ABNMRL ay nakipagsabayan siya sa kaldagan kina Juan Paulo at Gerald.
Ani Mark, noong umpisa ay nahirapan siya sa macho dancing scenes. Pero matapos siyang paliwanagan ng direktor nilang si Alejandro “Bong” Ramos at ginabayan siya ni Juan Paulo, nakuha niya ang ritmo ng erotikong sayaw.
Sabi ni Mark: “Dinama ko siya based sa sabi ni Direk Bong sa akin, ‘Ito na yung inaantay mong opportunity. So, gawin mo ito para sa sarili mo, hindi dahil binigyan ka namin ng payo.’
“So, parang doon ko nakuha. Sabi ko, ‘Sige, Direk, gagawin ko po yung gusto nyo, gusto ko rin. Ibibigay ko yung best ko dito sa play na ito.’”
Ang macho dancer ay sanay makipagharutan sa bading man o matrona. Sa totoong buhay ba, may karanasan na siya sa matrona o bakla?
“Honestly po, wala po akong karanasan sa mga bading pero maraming nag-a-attempt,” pahayag ni Mark.
“Sa matrona naman, wala rin akong karanasan pero may nag-a-attempt din.
“Pero if ever may dumating sa akin, why not? Matrona man yan o bading!”
Maituturing ba niya ang sarili na magaling sa pakikipagtalik?
Ngumiti si Mark, “Hundred percent, maituturing ko ang sarili ko na magaling.”
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by dad Manny Pacquiao
GORGY RULA
Nag-umpisa si Mark Monares sa pag-extra-extra noong 2016, at maraming pagsubok siyang pinagdaanan.
“Naging motivation ko siya, e. Like hindi pa naman kasi ganito ang mukha ko dati,” pagtatapat ni Mark.
“Hindi rin ganito yung style ko, yung look, yung porma ko. So, parang dahil sa pangmamaliit nila, ginawa kong motivation yon para iangat ko yung sarili ko.”
Probinsiyano si Mark. Galing siya sa San Pascual, Masbate, saka sa Daraga, Albay.
Sa tinagal-tagal niya sa showbiz ay wala naman daw umabuso o nang-exploit sa kanya.
“Ma-pimple po ako dati at sobrang payatot, iba po sa look ko ngayon kaya po ako nawala sa social media, at sa pag-ekstra-ekstra,” saad ni Mark.
“Kasi, binago ko ang lifestyle ko. Nag-change ako ng character.”
SURPRISE FOURSOME SCENE
Sa dalawang short films ng CinePOP, bosero ang karakter niya. Sa Liwaliw ng Star SineMax, for the first time ay nakipag-foursome naman siya.
“Noong pinasok nila ako doon, wala po akong idea na foursome iyon. Basta sinabi na lang sa akin na nakuha ako,” sey ni Mark.
“Pagdating ko sa set, parang sabi nila, ‘O, galingan mo na, foursome.’ Akala ko, biru-biro lang. Pero mga ilang minuto lang, totoo pala.
“Maikli lang po yung exposure ko pero para sa akin, malaking opportunity na po iyon.”
Minsan lang daw nadarang si Mark, at hindi niya napigilan na may maramdaman kahit nakaplaster siya. Itinulak daw siya ng kaeksena.
“Kahit natulak niya ako, tuloy pa rin po ang eksena. Hindi namin tinigil ang eksena doon. Pagkatapos ng eksena, humingi agad ako ng dispensa kay girl,” pagsisiwalat ni Mark.
“Sabi ko, sorry. Hindi naman maiwasan lalo na intense yung nangyari… sobrang daring talaga.
“Hindi siya nagalit. Sabi ni girl, normal lang din yun. Hindi lang daw ako yung ganun, na nangyari rin yun sa ibang lalaking nakaeksena niya.”
Gustong gumawa ni Mark ng M2M na eksena sa vertical drama.
Sabi ni Mark, “Gusto ko siyang maranasan. Sa akin, gusto ko lang makaeksena sa M2M, siguro si Juan Paulo Calma na lang. Kaso, hindi ko sure kung papayag siya.
“Kasi, parang OK na kami. Sa rehearsal namin sa play na ito, siya ang nagtuturo sa akin. Siya ang nagga-guide sa akin.”
Ayon sa La FilmAna Media ay sold out na iyong 8:00 P.M. show ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee sa Sabado, Nobyembre 15.
May mga available pang tiket ay para sa 5:00 P.M. show.
Read: Maricel Soriano comments on younger stars’ treatment of veterans

Samantala, ang huling dalawang show ng dulang Anino sa Likod ng Buwan ay tuloy na sa Sabado rin, 3:00 P.M. at 8:00 P.M. sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
Tickets originally set for November 9 can still be used for the November 15 shows, but only for the time slot indicated on the ticket.
NOEL FERRER
Medyo malaki ang expectation sa play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee dahil dawit ang pangalan ng isang National Artist na mahal natin na si Sir Ricky Lee.
Mukhang may paggalang naman sa pangalan niya dahil idolo siya rito ng mga karakter.
At balita ko’y maraming linyahan dito na halaw sa Trip To Quiapo workshop lessons niya. Sana lang ay hindi lumabas na exploitative ang play at maayos itong lumabas.
RICKY LEE SCRIPTWRITING WORKSHOP
Speaking of Sir Ricky Lee, hanggang Nobyembre 30, 2025 ang registration para sa kanyang nalalapit na FREE scriptwriting workshop. In-person ito.
Supported by the Film Academy of the Philippines (FAP), the workshop will accept only 30 participants per batch for Batch 30 and Batch 31.
Batch 30 will run for 10 Sundays in Quezon City, starting December 14, 2025.
Eligibility: Open to all! Maski anong edad, kurso, o specialization ay puwedeng mag-apply.
Submission of Requirements (in PDF format):
Letter of Intent – Isang maikling liham na nagpapaliwanag kung bakit gusto mong sumali sa workshop. (A short letter explaining why you want to join the workshop.
Pagpapakilala (Introduction) – Malikhaing ipakilala ang iyong sarili gamit ang isang masaya o malungkot na yugto ng iyong buhay. (Creatively introduce yourself using a happy or sad phase in your life.)
Merong link ng registration form sa Facebook page ni Sir Ricky.
Read: Ricky Lee Scriptwriting Workshop now accepting applicants
