PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joni McNab, may no-touch body part sa sexy scenes

Hanggang kailan siya sa paggawa ng daring scenes?
by PEP Troika
Published Nov 15, 2025
Joni McNab
Ayaw na raw ni Joni McNab na magpagalaw ng kanyang boobs sa kanyang mga eksena sa pelikula. Pero may magagawa ba siya? “Bawal mong lamasin yung boobelya. Ayoko na rin ng ganoon… Pero nakaka-experience naman ako ng accidentally ng mga ganung experience."
PHOTO/S: Joni McNab Facebook

JERRY OLEA

Nalamutak ang boobey ni Joni McNab sa pelikula na nag-streaming noong 2023 sa AQ Prime — ewan kung sa La Traidora, sa Cuatro, o sa Taong Grasa.

Sa siyam na projects niya sa CinePOP this year, nagtakda siya ng mga limitasyon.

“Hindi na ako nagpapachup-chup sa boobelya,” sey ni Joni nang mainterbyu namin noong Nobyembre 13, Huwebes sa CinePOP office, Quezon City.

“Hanggang ano lang ako, sa gilid, malapit sa kili-kili. Hanggang doon na lang.

“Bawal mong lamasin yung boobelya. Ayoko na rin ng ganoon… Pero nakaka-experience naman ako ng accidentally ng mga ganung experience.

“Kapag hindi naman nasobrahan, sige, OK lang. 'Tapos nagso-sorry naman yung partner ko, OK lang sa akin.

“Pero pag hindi, magsasabi ako mismo sa direktor pag ganun. Saka maano rin po sila, maalaga.

“Siyempre po, for example, madalas po dito ay mga newbie po, marami. So, kailangan po naming alalayan. Kasi, kami po ang mga may experience na po sa movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So yung mga pag umaabot na sa take 3, ayun…”

Nakakailang take ang kaeksena niyang newbie dahil aanga-anga sa pag-arte o nahihiyang maghubad?

“Both. May mga ano rin po kasi. Hindi naman po kasi porke babae, babae lang yung nahihiya,” sambit ni Joni.

“May mga guys din na, sabi nila sa akin, nai-intimidate daw sa akin. Kadalasan, ganun.

“So, parang sa akin naman, siguro dahil nga sa features ng mukha ko na akala nila, sobrang sungit ko… Sa akin, inaalalayan ko naman po.”

Kabilang sa CinePOP projects ni Joni ang Daddy Issues, Loverboi, Medical Check-up, Pera Padala, Laro Lang, Hot Ninang, Landlady, Angry Sex, at Lifeguard.

Joni McNab in Laro-Laro
Photo/s: CinePop
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami-rami na ang “bininyagan” at inalalayan niya!

“Parang most of the time, first timer ang nagiging partner ko,” pagbuntong-hininga ni Joni.

“Sa Daddy Issues lang po yung hindi newbie ang partner ko, si Manuel Ganabe. Tinatawag naming ‘Dad.’ So, parang ayun po.

“May mga times po na ako ang nahihiya, kasi, ambabata nila. 'Tapos, malalaman ko, 19… 20. E ako, 25.

“Twenty-five na ako. Sabi ko, parang dati, iniisip ko dati, ako yung baby sa previous ko. Like sa AQ, ako yung pinakabata sa Director’s Cut. Ako iyung pinakabata, e..

“'Tapos dito, parang ako yung nagtuturo. Hi-hi-hi-hi! 'Tapos, minsan tinatanong ko pa talaga, ‘Ilang taon na po iyan?’ Kasi, mga baby-faced.

“Kasi siyempre, hindi naman po sila tatanggap ng under 18.”

Joni McNab in Hot Ninang
Photo/s: CinePop
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Thankful si Joni McNab sa CinePOP na siyang unang nagbigay sa kanya ng billboard sa EDSA.

Tatlong taon ang kontrata niya sa CinePOP, at pinapayagan siyang rumaket outside basta hindi dehado ang kanyang TF o talent fee.

Tampok si Joni sa sex comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee (ABNMRL), na itatanghal na ngayong Nobyembre 15, 2025, Sabado ng 5:00 P.M. at 8:00 P.M. sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.

Bahagi sa cast ng dula ang mga taga-CinePOP din na sina Dolf Lopez, Alfe Alabastro, at Mark Monares.

Nandiyan din sa ABNMRL sina Juan Paulo Calma, Dante Balboa, Paul Jake Paule, Abet Raz, Alpie Ragmac, Kathy Arguelles, Bernard Laxa, Ricjun Aguilera, Gerald Barbacena, Tonny Abad, at Skelly Skelly.

Ka-threesome ni Joni sina Dolf at Juan Paulo sa ABNMRL.

May iba pang mga payanig siya sa dula. Kumusta ang pagiging mapangahas sa entablado na merong live audience?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba po talaga sa stage. Pero mabuti po at naka-partner ko na before si Juan Calma, so, parang magtropa na po kami talaga,” lahad ni Joni.

“So, parang sa amin, sa rehearsal, naglolokohan pa kami. Kasi, merong scene doon na extreme.

“Nagkakalokohan kami na, ‘What if kaya, patunugin natin?!’ Ha-ha-ha-ha!

“Tutal, may ano naman po, yung boom. Konting ingay lang po namin doon, dinig na dinig po yun ng buong theater.

“Kaya sabi ko, what if paingayin? Ha-ha-ha-ha! Nagkakalokohan po kami. Iyon ang mga crazy na nakakatawa na nangyayari.”

Nakita na ni Joni ang ari ni Juan Paulo nang magtambal sila sa pelikulang La Traidora. Wala nang malisya para sa kanya kung magtalop si Juan Paulo sa harap niya.

“Even me, nakakalimutan ko na may mga lalaki pala sa set namin sa CinePOP, sa room, naghuhubad ako,” pagsisiwalat ni Joni.

“Pero naka-panty ako at naka-nipple pad… Minsan, pictorial po. Hindi na po big deal. Minsan, sila pa nagsasabi sa akin, ‘Bhe, yung ganito, bhe.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Ay! Hindi! OK lang po!’ Hi-hi-hi! OK lang. Nakikita lang naman nila, hindi naman nila mahahawakan. Hi-hi-hi!”

Sa susunod na Sabado, Nobyembre 22, ang huling dalawang pagtatanghal ng ABNMRL, sa direksyon ni Alejandro “Bong” Ramos.

NOEL FERRER

Inaasam ni Joni McNab na makapag-mainstream.

Noong bagets siya ay napabilang siya sa ilang teleserye.

Nakasama rin siya sa pelikulang Lola Magdalena (2024) ni Direk Joel Lamangan, kung saan love triangle sila nina Carlo San Juan at Pia Moran.

Patuloy na kumakalat sa socmed yung clip ng paghaharap nila nina Carlo at Pia.

“Kami nga po ni Carlo, nakapag-usap kami nang nakaraan. Sabi namin… imagine, ngayon lang siya pumutok!” bulalas ni Joni.

“Ngayon lang talaga siya pumutok. Kasi, August last year pa po yung premiere namin sa Ayala Malls Manila Bay, sa Cinemalaya po yun.

“So, ayun, nag-look forward po ako na makabalik sa mainstream. Kasi, ano po, inuna ko po kasi yung studies ko before.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron ba siyang deadline kung hanggang kailan lang siya sa pag-arte sa mapangahas na proyekto?

“Hindi! Lumalaban din! Hi-hi-hi!” pagbungisngis ni Joni.

“Wala, kasi, ito talaga yung gusto kong mangyari. Parang ako yung anak na matigas ang ulo. Na pag gusto, gusto.

“So, kahit andaming nagda-down sa akin na, ‘Ano na, hanggang diyan ka na lang? Puro paghuhubad na lang ang ginagawa mo.’

“Para sa akin naman — my body, my choice, my rule. Parang ganoon po. Parang sa akin, as long as wala akong tinatapakang tao at masaya ako sa ginagawa ko, go po ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw na raw ni Joni McNab na magpagalaw ng kanyang boobs sa kanyang mga eksena sa pelikula. Pero may magagawa ba siya? “Bawal mong lamasin yung boobelya. Ayoko na rin ng ganoon… Pero nakaka-experience naman ako ng accidentally ng mga ganung experience."
PHOTO/S: Joni McNab Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results