PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet, Greet & Bye, halos P32.2M ang kinita sa first three days

Meet, Greet & Bye, si Joshua Garcia ang nagdala?
by PEP Troika
Published Nov 16, 2025
Meet, Greet & Bye umabot ng halos P33M ang kinita sa first three days
Sa Meet, Greet & Bye, may twist sa "Facundo siblings" na ginagampanan nina JK Labajo, Belle Mariano, Joshua Garcia, at Piolo Pascual.
PHOTO/S: Meet, Greet & Bye trailer

JERRY OLEA:

Mahigit PHP32M ang kinita ng family drama na Meet, Greet & Bye sa unang tatlong araw nito sa local cinemas, ayon sa source ng PEP Troika.

Nag-open ito sa 460 sinehan noong Nobyembre 12, 2025, Miyerkules, at humamig ng PHP10.5M.

Ayon sa showbiz insider na kachika ng PEP Troika, naka-PHP8.4M noong Huwebes ang movie nina Joshua Garcia, Piolo Pascual, Juan Karlos, Belle Mariano, at Maricel Soriano.

On its third day, November 14, Friday, naka-PHP13.3M naman daw ito.

Bale P32.2M daw ang kinita nito sa first three days sa Pilipinas.

Pero sa pralala ng Star Cinema ngayong Nobyembre 15, Sabado, naka-P33M na raw ito.

“At least, hindi masyadong nag-padding,” komento ng isang showbiz insider.

Facundo siblings on Meet, Greet & Bye
Photo/s: Screengrab from Meet, Greet & Bye trailer
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MEET, GREET & BYE SCREENINGS

At any rate, nagsimula ang screening ng Meet, Greet & Bye sa US, Canada, at Guam kahapon (Nobyembre 14), kasunod ng pagpapalabas nito sa Australia, New Zealand, at Middle East simula Nobyembre 13.

Mapapanood na rin ang pelikula sa U.K., Ireland, Austria, France, Italy, Greece, at Spain.

MEET, GREET & BYE PLOT TWIST

Ayon pa sa pralala ng Star Cinema, “Ang Meet, Greet & Bye ay kuwento ng apat na Facundo siblings na gagawin ang lahat para makamit ng kanilang nanay na may kanser ang kanyang hiling, na makilala ang paboritong Korean superstar na si Park Seo-Joon.”

Sa English, “Meet, Greet & Bye paints a heartwarming picture of the four Facundo siblings who want to do everything they can to grant their dying mother’s wish to meet her favorite Korean superstar, Park Seo-Joon.”

TEKA!!! SPOILER ALERT!!! Di ba, tatlo lang iyong magkakapatid na anak ni Maricel sa istorya — sina Piolo, Joshua, at Juan Karlos?! At mag-ama sina Piolo at Belle?!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Anti-corruption rally ng Iglesia Ni Cristo, umabot ng 45,000 katao

GORGY RULA:

Ang buong akala ko rin ay bunsong kapatid nila si Gerri na ginagampanan ni Belle Mariano.

Pero na-reveal bago mag-ending na mag-ama pala sila ni Tupe na ginampanan naman ni Piolo Pascual.

Pero halos iisa ang obserbasyon ng mga nakapanood — pelikula ito ni Joshua Garcia.

May fan base sina Piolo, Joshua, Belle, at JK Labajo. At kahit si Maricel Soriano ay meron din. Kaya okay na yung box office returns ng naturang pelikula.

Tama naman daw ang halos P33M na kinita nito.

Pero bakit mahigit 300 cinemas na lang ito ngayong Sabado sa bansa? Saang pelikula napunta ang ibang sinehan? Meron pa bang malakas na nakasabay nito?

Inaasahang ma-maintain pa ito dahil masigasig pa rin ang mga fans mag-sponsor ng block screenings.

Ngayong araw ay may dalawang sinehan na sa Gateway Cineplex ang pina-block screening ng mga fans ni Marya. Magpapahuli ba ang mga supporters nina Papa P, Joshua, JK, at Belle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The Running Man: A disturbing but exciting look into a dystopian future

NOEL FERRER:

Iba na talaga ang kalakaran ng panonood ng sine ngayon. Malaking push ang pagsasagawa ng block screenings para naka-program na ang panonood ng magkakabarkada, pamilya, at mga kasama sa opisina.

Pero mahirap din pala kung maraming sinehan dahil iba rin ang optics niyon sa takilya.

In fairness sa pelikula, may tao naman ito, pero with the star value and pull, puwede pang humataw ang fans ng mga artista rito. Sana, magpick-up pa ang pelikula nang major-major this weekend.

Kung puwede lang na dito na lang pumunta ang mga magra-rally na taga-INC, JIL, at yung grupo ni Apollo Quiboloy. Kung sana lang talaga!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Meet, Greet & Bye, may twist sa "Facundo siblings" na ginagampanan nina JK Labajo, Belle Mariano, Joshua Garcia, at Piolo Pascual.
PHOTO/S: Meet, Greet & Bye trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results