PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Lee, sumigla sa gagawing libreng scriptwriting workshops

Ricky Lee, may mga isinantabing movie concepts para magpa-workshop.
by PEP Troika
Published Nov 16, 2025
National Ricky Lee, dumoble ang sigla sa gagawing libreng scriptwriting workshops
National Artist Ricky Lee, isinantabi ang ilang nilulutong writing projects para sa libreng pagtuturo ng scriptwriting sa dalawang batch of participants sa 2026.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Ongoing ang application para sa LIBRENG scriptwriting workshops ni National Artist Ricky Lee.

Hanggang Nobyembre 30, 2025, Bonifacio Day, ang registration. Para ito sa Batch 30 (Disyembre 2025-Marso 2026, tuwing Linggo) at Batch 31 (Mayo-Agosto 2026, tuwing Linggo).

Tatlumpo (30) ang workshoppers sa bawat batch. In person ang palihan, sa tulong ng Film Academy of the Philippines (FAP).

“Ha! Ha! Ha! Finally matutuloy na!” bulalas ni Sir Ricky nang makatsikahan namin noong Nobyembre 15, Sabado sa Tratrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.

Naroon si Sir Ricky para sa gala night ng sex comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee.

“Ilang taon ding na-postpone nang na-postpone. And then natakot ako sa laki ng magiging trabaho ng paghahanda, pagse-select.

“But anyway, OK naman. At tutulong iyong FAP. So at least, iyong laki ng gastos, halos hindi ko na iwo-worry.”

Gastos para saan? Sa pagkain?

“Madami. Iyong mga material, iyong pagkain. Pag nagwo-workshop ako, humihina ang nagagawa kong trabaho, pagpepelikula,” tugon ni Sir Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, ten Sundays at least, e.”

Taong 1982 nag-umpisa ang libreng pa-workshop ni Sir Ricky Lee kaugnay sa pagbuo ng screenplay.

Kabilang sa nag-workshop sa kanya sina Lav Diaz, Dwein Baltazar, Sari Dalena, Jeffrey Jeturian, Bing Lao, Bela Padilla, Agot Isidro, Dustin Celestino, Pepe Diokno, Alejandro “Bong” Ramos, Meryll Soriano, at marami pang iba.

Ilan sa mga pelikulang na-develop sa workshop niya ang Cinemartyrs, Some Nights I Feel Like Walking, Ang Duyan ng Magiting, Oda sa Wala, Paki, Leonor Will Never Die, Blue Room, Walang Kasarian ang Digmang Bayan, Cleaners, Matatapang, Lucid, The Girl in the Orange Dress, at Mga Mister ni Rosario.

Iyong batch 24-29 ay online dahil sa COVID-19 pandemic. Tapos ay natigil ang pa-workshop niya.

“Ngayon na uli, in person uli. Masaya at exciting, two batches. And may selection committee ako. Sila lahat ang tumutulong pumili,” lahad ni Sir Ricky.

“So, more or less, gumaan ang paghahanda ko sa trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon pa man ay may mga celebrities na gustong lumahok sa scriptwriting workshops niya.

“Andami. Tuwing may makikita ako, nagsasabi para sa workshop. Pero hindi ko pa alam kung sino ang kasali, kasi, November 30 pa ang deadline,” saad ng septuagenarian na si Sir Ricky.

“At nasa selection committee pa lahat ng pumapasok. So, wala pa akong masasabi kung sino man ang nag-apply.

“Pero marami akong nakikitang kaibigan sa industriya na noon pa nagsabing gusto nila.

“Kaya lang, lagi kong sinasabi, ‘Kailangang mag-commit ka nang 10 Sundays.’ Na maka-10 ka…

“So, masaya. Nakaka-energize na magpapa-workshop uli ako!”

Read: Susan Enriquez blasts Zaldy Co amid his revelations

NOEL FERRER:

Meron ba siyang sapat na lakas upang magpa-workshop pa sa dalawang batch?

“Oo naman,” sambit ni Sir Ricky Lee.

Nakakapagod ang back-to-back na pa-workshop, huh?! At nagkasakit siya kamakailan…

“Yes, oo. E, walang magagawa. Every now and then, magkakasakit ka talaga, e,” pag-amin ni Sir Ricky.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero hindi naman puwedeng tumigil kang gawin iyung gusto mong gawin, which is magsulat at magpa-workshop.

“Iyun naman ang ginagawa ko sa buong buhay ko, e — magsulat ako, and then i-share ko iyong alam ko sa pagsusulat sa pamamagitan ng mga workshop.”

Hinihintay rin ang kanyang memoirs. Hindi pa ba iyon matapus-tapos?

“Kasi, laging nasisingitan ng kung anu-ano. Actually, bago itong workshop, after nung Pinilakang Tabing na launch ko, binalikan ko na iyung memoirs,” pagsisiwalat ni Sir Ricky.

“And then biglang dumating itong opportunity na tutulungan ako ng FAP. Sabi ko, ‘Sige, ituloy natin!’

“Kasi, postpone nang postpone, saka andami-dami kahit saan ako magpunta, may nag-a-apply, may lumalapit, may interesadong mag-workshop.

“And nang in-announce ko, nakita ko na tama ang desisyon ko. Na-energize ako, e! Sumigla ako!

“Parang lumakas ako nang doble! So iyun, gusto ko namang gawin. Masarap namang mag-workshop.”

Open to all ang free in-person scriptwriting workshop ni Sir Ricky. Maski anong edad, kurso, o specialization ay puwedeng mag-apply.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Submission Requirements (in PDF format):

  • Letter of Intent – Isang maikling liham na nagpapaliwanag kung bakit mo gustong sumali sa workshop. (A short letter explaining why you want to join the workshop.)
  • Pagpapakilala (Introduction) – Malikhaing ipakilala ang iyong sarili gamit ang isang masaya o malungkot na yugto ng iyong buhay. (Creatively introduce yourself using a happy or sad phase in your life.)
  • Mag-fill out ng application form sa link na nasa Facebook page ni Sir Ricky.

Anuman ang mangyari, we are eternally grateful kay Sir Ricky at sa workshop niya kung saan tayo ay naging bahagi nito.

At patuloy tayong tutulong para marami pang iba ang matulungan ng palihang ito!

Read: DENR cites 3 violations in Slater Young’s Monterazzas project

GORGY RULA:

Sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa, may naiisip ba siyang isulat o ibahagi?

“Yes, andaming puwedeng isulat ngayon. And I’m sure, iyung workshoppers ko, mas marami silang gustong isulat,” tugon ni Sir Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ine-encourage ko iyon. Kasi, parang sa isang panahon na gaya ngayon, mas masarap magkuwento.

“Kasi, andami-daming kuwento sa paligid natin. Mga totoo, may hindi totoo. So, mas masarap magkuwento, e.

“Of all times, sa ganitong panahon mas mahalaga ang pagkukuwento ng tamang kuwento, e.”

RICKY LEE ON PENDING MOVIE CONCEPTS

May partikular na kuwento ba siyang nais ilahad batay sa mga kaganapan ngayon?

“Off my head at one point, pero ginive up ko, kasi, magwo-workshop naman ako.

"Gusto ko actually magkuwento tungkol sa mga nangyayari ngayon sa punto de vista ng isang 10-year old kid,” pagtatapat ni Sir Ricky.

“Kung ano man ang nasa isip niya, kung naiintindihan niya ang nangyayari sa adults, sa kanya.

“And kung tutuusin natin, future niya ang nakasakalay. So, nagdaan sa mind ko partly iyon.

“May nagdaan din sa mind ko na nobela, punto de vista ng tatlong patay na. Parang multo sila.

“Pinatay ng kung ano mang sitwasyon. And then iyon, gumagala, nagkukuwento sila et cetera. Punto de vista nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero again iyon na nga, na-derail at nag-start ako para sa pagwo-workshop.

“Nagpaplano na sana ako ng memoirs, and then, next novel.”

RICKY LEE ON MUSICAL WITH RYAN CAYABYAB

Meron din siyang ikinakasang stage play na gay version ng pelikulang Relasyon, di ba?

“Yes. Ide-develop pa lang iyon. Ang natapos ko actually, musical ng Moral,” pagbabalita ni Sir Ricky.

“Na kay Ryan Cayabyab na. Na kay Mr. C na. Hopefully, magawa na next year dahil nasa kanya nang mga kamay ang libretto and lyrics. So sana, matuloy.”

Sa direksyon ni National Artist Ishmael Bernal, ang 1982 Regal film na Relasyon ay pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Nag-grand slam si Ate Vi bilang best actress para sa Relasyon.

Ang 1982 film na Moral ay pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Sandy Andolong, at Anna Marin, Ang direktor ay si National Artist Marilou Diaz-Abaya.

If ever, ikailang collab nila ni National Artist Ryan Cayabyab itong Moral musical?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, sa stage, wala pa. Pelikula, Karnal, siya ang nag-score ng music ng Karnal,” sabi ni Sir Ricky.

“But actually, never kaming nagkatrabaho together. E, fan ako ng mga obra niya noon, gaya ng Katy.

“Sa mga workshop ko before, ginagamit ko lagi iyong kanta niya, iyong 'Limang Dipang Tao.'”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Ricky Lee, isinantabi ang ilang nilulutong writing projects para sa libreng pagtuturo ng scriptwriting sa dalawang batch of participants sa 2026.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results