PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes, may pahayag sa pagsali niya sa INC rally

Gladys Reyes, gustong managot ang mga sangkot sa korapsyon.
by PEP Troika
Published Nov 17, 2025
Gladys Reyes, may pahayag sa pagdalo niya sa anti-corruption rally ng INC
Gladys Reyes on joining INC rally: "Sa totoo lang, hindi ba yun din ang gusto natin lahat regardless of religion, basta Pilipino kang nagmamalasakit sa bansa gusto mong maparusahan yung mga taong responsable sa paghihirap ng lahat."
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram

GORGY RULA:

Naloka si Gladys Reyes nang pabiro kong tinanong kung magpo-promote ba siya ng musical film niyang The Heart of Music doon sa dinaluhan niyang rally sa Quirino Grandstand noong Linggo, November 16, 2025.

May naglabasang report na umabot ng 650,000 as of 6:00 P.M. ang estimated na dumalo sa kickstart nitong three-day rally ng Iglesia ni Cristo (INC).

Read: Gladys Reyes, other celebs spotted at INC rally for transparency

At isa sa nakuha kong litrato ay ang pagdalo roon ni Gladys kasama ang kanyang kapatid na si Janice at ilang kasamahan sa kanilang church.

Sinabi ko pa sa kanya na sa December 10 na ang showing ng The Heart of Music, kaya puwedeng isingit na niya ang pag-promote niya sa napakaraming taong dumalo sa rally na iyon.

Hindi na sineryoso ni Gladys ang biro ko sa kanya. Hindi na niya ako sinagot.

GLADYS REYES ON JOINING THE INC RALLY

Tinanong ko siya uli kung isa ba siya sa nag-host sa programa sa Quirino Grandstand. Hindi naman daw siya nag-host at hindi rin sumampa sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit daw madaling araw nang natapos ang kanilang taping ng Cruz vs. Cruz, tumuloy siya sa rally noong Linggo.

“Gumising ako nang maaga, dahil alam ko rin na ma-traffic at di na makakadaan ang sasakyan. Kaya nag-LRT na kami.

“Okay naman, naging smooth at mahaba-haba ang nilakad namin. Pero di naman masyado nakaramdam ng pagod,” text ni Gladys sa akin.

Hindi raw siya napansin ng mga tao, kasi naka-face mask siya at suot ang shades.

Ramdam ko kay Gladys na iniiwasan niya ang isyung pulitika.

Ang sabi lang niya sa akin, “Basta, pumunta ako para makipagkaisa dun sa panawagan na isapubliko ang totoong imbestigasyon at kung mapatunayan kung sino talaga ang may kasalanan, papanagutin agad.

“Sa totoo lang, hindi ba yun din ang gusto natin lahat regardless of religion, basta Pilipino kang nagmamalasakit sa bansa gusto mong maparusahan yung mga taong responsable sa paghihirap ng lahat.

“Kaya sana, bukod sa panalangin, magsuportahan na lang tayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Susan Enriquez blasts Zaldy Co amid his revelations

JERRY OLEA:

Sana nga ay suportahan ng mga kapatid niya sa INC ang pampamilyang pelikula ni Gladys Reyes na The Heart of Music.

Ipapalabas ito one week before Avatar: Fire and Ash. Kasama ni Gladys sa musical film sina Robert Seña, Isay Alvarez, Angel Guardian, Jon Lucas, Elijah Alejo, Sean Lucas, Rey "PJ" Abellana, Jopay Paguia, Joshua Zamora, at Marissa Sanchez.

Nasa cast din sina Jennie Gabriel, Hasna Cabral, Angel Laco, Stanley Abuloc, Mharky Villas, Noreen Encarnacion, Berna Cabrera, Rovern Alejandro, Angelica Bertola, at Andy Kunz.

Ito’y sa direksyon ni Paolo Bertola, mula sa panulat ni Mario Gat Alaman.

Ang tanong, nakaapekto kaya sa Meet, Greet & Bye itong pangmalakasang rally ng INC nitong Linggo?

Noong Sabado, sa ikaapat na araw ng latest movie ni Joshua Garcia, umarangkada iyon nang husto sa takilya. Co-stars ni Joshua sa Meet, Greet & Bye sina Piolo Pascual, Juan Karlos, Belle Mariano, at Maricel Soriano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: DENR cites 3 violations in Slater Young’s Monterazzas project

NOEL FERRER:

Agree!!! Sana, suportahan ng 650K strong na Iglesia ni Cristo ang pelikula ni Gladys Reyes na The Heart Of Music sa December 10.

I wonder, mag-o-overnight ba si Gladys sa Quirino Grandstand, at katulad ng maraming INC doon, tatagal din ba siya hanggang Tuesday? Abangan natin!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on joining INC rally: "Sa totoo lang, hindi ba yun din ang gusto natin lahat regardless of religion, basta Pilipino kang nagmamalasakit sa bansa gusto mong maparusahan yung mga taong responsable sa paghihirap ng lahat."
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results