GORGY RULA:
Tuloy pa rin ang partnership ng AQ Entertainment and Prime Stream Inc. at ni RS Francisco.
Si RS ang creative director sa music video ng grupong Bilib, na isa sa artists ng AQ Prime Music.
Binubuo ang P-pop group na ito nina Yukito (ang leader nila), JMAC, Clyde, RC, Zio, Carlo, at Rafael.
Inilunsad nila noong Sabado, November 15, 2025 sa Victoria Sports Tower, EDSA, Quezon City ang bagong single nilang "Gimme The Music."
Ka-collab dito ng Bilib ang isa pang artist ng AQ Prime Music na si ZeLa, at si RS ang nag-isip ng concept ng music video.
Ginawa nilang isang boring na opisina ang set-up na nag-segue sa party-party.
At merong isang karakter na perfect daw kung si Mon Confiado ang kukunin nila. Mabuti at pumuwede ang aktor, kahit abala siya noon sa promo ng pelikulang Quezon.

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
MON CONFIADO OR NOTHING
Natutuwa si RS at ang lahat na taga-AQ Prime pati ang grupong Bilib kay Mon dahil talagang kinarir daw nito ang partisipasyon sa shoot ng video.
Ani RS, “We collaborated with veteran actor Mon Cofiado, who was actually our first choice.
“When it was presented to us, the concept na merong boss na magmamando sa kanila, right there and then without even thinking, sabi ko, ‘That’s Mon Confiado.’
“And then sabi nila, ‘Paano kung hindi siya puwede?’ Sabi ko, I don’t know. Basta ang nakikita ko lang si Mon Confiado dito. Mon or nothing. Teka, tatawagan ko si Ricky Gallardo dito.”
Nagpasalamat silang lahat na na-materialize ang una nilang plano, lalo na itong pagkuha kay Mon.
“During the shoot, even si Sir Mon was even collaborative. With yung look and feel niya lahat, pati yung acting niya.
“He didn’t go there as ‘I’m award-winning Mon Confiado, and I know what to do.’ No!
“He went there and it goes, ‘RS, how do you want me to look? How do you want me to do this? What’s my relationship?' Meron siyang ganun, e.
“Sinabi ko nga, ‘Sir Mon, hindi naman ito pelikula!’ Napaganun na ako, kasi sobrang seryoso niya.
"Pero talagang it turned na talagang siya yung pivotal dun sa music.
“So, as I told them, from now on, we will collaborate with the artists, with all artists na kilala natin,” saad ni RS Francisco.
Sabi pa ng isang member nila na si RC, “Si Sir Mon po, sobrang dami niya pong sine-share sa amin na lesson po about music, and especially about movies na ginawa niya po.
“Sobrang nag-enjoy po kami. Para kaming nag-bonding dun and sobrang close na po namin with Sir Mon po. So, sobrang saya po.”
Dagdag ni Zio, “Si Sir Mon po, sinamahan niya kami mula umpisa hanggang sa matapos po. Sobrang thankful po kami.”
Nasa Spotify at iTunes na ngayon itong Gimme The Music, at ang music video nito ay nasa kanilang YouTube channel.
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny
JERRY OLEA:
Dalawang taon na ang grupong Bilib, na nakasama sa Faney, na tribute film kay National Artist Nora Aunor.
Pampitong single na itong inilunsad nilang "Gimme The Music."
Marami na silang pinagdaanan at hindi raw biro ang mga hinaharap nilang challenge.
Nakatira sila sa isang bahay na provided ng AQ Prime ang lahat na pangangailangan nila.
BILIB ON GOING THROUGH CHALLENGES
Kagaya ng ibang grupo, pinagdaanan din ng Bilib ang mga challenge sa kanilang pagsasama, lalo na’t parang isang pamilya na talaga sila na nagsasama sa isang bahay.
Saad ng leader ng grupo na si Yukito, “Hindi lang sa group, sa friendship, sa relationship in general, nangyayari talaga yung hardest part ng buhay.
“Akala namin nung una, masaya kasi excited tayo, e. Until… siyempre yung mga individual traits namin, may kanya-kanya, e.
“From there, talagang ayan na, para kaming magkakapatid na nag-aaway, nagkakaroon ng misunderstanding. So, talagang mahirap minsan…
“Siyempre, we are trying to ano create music, and kung masasama ang loob namin sa isa’t isa, talagang mahirap.”
Mabuti at nandiyan ang mga taga-AQ Prime na sina Atty. Aldwin Alegre, Atty. Honey Quino, at RS Francisco na laging nakasuporta sa kanila.
“Ang isa sa pinaka-factor kung ano man yung nangyayari sa amin is the help and support ng aming, siyempre ang stronghold, which is ang AQ and si RS.
“Sa aming grupo, of course, there are things na sometimes we cannot fix. But when you hear wisdom from dun sa mga nirerespeto ng tao, iba talaga yung result.
“Kaya maraming salamat po talaga,” dagdag ni Yukito.
Dumating din doon sa launch ng "Gimme The Music" ang grupo ng fans ng Bilib.
Sabi nga ni RS, hindi fans ang turing nila kundi mga kaibigan daw nila at pamilya na ang iba dahil naging close na sa kanila.
Ani JMAC, “Yung relationship po namin sa fans is very close po. Kasi, nandiyan po sila na laging naka-support po sa amin.
“And laging nagbibigay rin po ng ideas sa amin kung ano ang dapat naming gawin, kung ano ang dapat naming i-portray ang P-Pop group namin.”
Sabi pa ni RC, “Kaya po kami hindi bumibitaw po, aside po sa dream po namin ito, iyung mga nagtitiwala po sa amin, especially po si RS and AQ Prime Music po, na kumakapit po sa amin, and nagtitiwala po talaga.
“And si Mama Chuck [Gomez] na nagtitiwala po sa amin… and sa mga fans po namin na kumakapit po talaga sa amin.
“Iyun po ang pinanghahawakan po talaga namin, hindi po talaga kami bibitaw and ibibigay po namin yung best po namin para po maging proud po ang kumakapit and naniniwala po sa amin.”
In-acknowledge din ni RS ang tulong at pagtutok ng road manager ng grupo na si Ronnie, at ang patuloy na pagabay ni Atty. Honey Quino.
Ani RS, “Alam mo si Atty. Honey, parang guidance counselor na nila yan. Ang tawag nila, si Mommy Honey.
“Tuwing meron silang differences, of course pamilya yan. Hindi maiiwasan po ang alitan, ang diskusyunan, ang differences.
“Nakikita naman natin yan sa mga pelikula, sa lahat. Dito rin sa P-pop group, meron ding nangyayari.
“Pero alam niyo, si Atty. Honey, walang sawang uuposa harap nila. Iisa-isahin at kukuwentuhan sila nang malumanay at i-explain sa kanila kung bakit dapat na mag-strive harder to co-exist and to soar greater heights.”
Read: Who is Eman Bacosa, rising star of Philippine boxing?
NOEL FERRER:
Pagkatapos ng question and answer ng mga entertainment press sa grupo, nagulat si RS Francisco nang kinorner siya ng PEP Troika at tinanong tungkol sa kumakalat na isyung hiwalay na raw sina Sam Versoza at Rhian Ramos.
“Wala akong alam!” bulalas ni RS. Sinabi rin sa amin ng ilang malapit sa kanila na hindi raw totoo ang naturang tsismis.
Matagal nag-isip si RS at sinabi sa aming nagkita lang daw sila ni Sam at wala siyang nakikitang may problema ang dalawa.
“Nagkasama kami ni Sam two days ago sa bahay niya. Pero that was a closed-door meeting, e. Meeting namin ni Sam,” pakli ni RS.
Hindi raw niya nakita roon si Rhian, pero wala raw talaga siyang alam tungkol sa isyung iyan.
Sa tingin naman daw niya ay okay pa rin sila, pero wala raw talaga siyang alam.
Sana nga, hindi totoo, dahil may iba pang kuwentong hiwalayan na lumulutang. Kaya inaalam pa muna ng PEP Troika.
