JERRY OLEA
Kadugo ni Iza Calzado si Aira Calzado, na sasalang sa unang episode ng Bold Cast (bold podcast) ni Salome Salvi ngayong Nobyembre 17, 2025, Lunes ng 8:00 P.M., sa Facebook at YouTube account ng CinePOP.
“Yung tatay po ng mom ko at saka yung tatay ni Iza Calzado ay magpinsan,” sabi ni Aira nang makatsikahan ng PEP Troika noong Nobyembre 13, Huwebes, sa CinePOP office, Quezon City.
Bale ang mother niya at si Iza ay second cousins. Kaya tita ni Aira si Iza.
Malayo na raw ang pagiging magkamag-anak nila ni Iza, at hindi sila magkakilala.
Nahihiya siyang masabihang ginagamit ang kanyang tita. Ayaw sana niyang gamitin ang tunay niyang pangalan na Aira Calzado.
Carmina Calzado sana ang gagamitin niyang screen name. Kaso, nagamit na niya ang pangalang Aira nang sumalang siya sa Family Feud, kaya pinanindigan na niya iyon.

Bago pa lang si Aira sa CinePOP, wala pang isang buwan. Isa pa lang ang na-shoot niya, yung Gatas sa Labi, na hindi pa niya alam kung kailan mag-i-streaming.
“Teacher po ang role ko. Sexy, as in lahat. Hubad lahat, nakaplaster lang,” saad ni Aira, na galing sa modeling world.
Read: Gladys Reyes, other celebs spotted at INC rally for transparency
AIRA CALZADO ADMITS HAVING A VIDEO SCANDAL
Isiniwalat ni Aira na may video scandal siyang kumalat.
Aniya: “Noong 2016, meron po akong boyfriend noon. Nagbi-video ako noon ng sexy, nagsasarili. Ganun.
“Nasira po yung cellphone ko. Ipinaayos ng mom ko. Tapos, kumalat po yung video.”
Anong sabi ng mom niya nang kumalat ang video niyang pinapaligaya ang sarili?
Pagbabalik-tanaw ni Aira: “Papunta kami ng Subic. Tapos, wala po akong Facebook noon. So, parang pagpasok ko ng van, alam na ng pamilya ko. Sabi nila sa akin, ‘Sikat ka na!’”
Hindi makapag-deny si Aira dahil kita sa video ang kanyang mga tattoo.
“Hindi po maitanggi na ako. Tapos, yung tito ko, pagbukas ng van, sabi, ‘Sikat ka na. Tingnan mo yung ano,’ mga ganito-ganyan.
“So, yung mga classmate ko dati noong high school, nagsi-comment sila doon. Tapos yung tito ko, ‘Ahhhh uhhhhh…’ Gumaganun, binibiro lang ako.
“Para hindi ko na lang seryosohin yung nangyari… Tapos, pumasok ako sa isang ano, website na parang ano siya, ahhh mga lakad-lakad.
“So, may mga ano kami doon, trinain kami before ako masalang. Mag-e-18 ako. Kasi, yung manager ko, nakuha niya ako, 16 years old…
“Nagtsa-Chinese garter ako that time. Tapos, sabi niya, ‘May itsura ka, puwede ka sa modeling.’
“So, parang sabi ko, ‘OK, modeling.’ Tapos pagpunta ko naman, ang itim-itim ko. Sobrang payat ko. Ano pa ako, bansot.
“Tapos noong time na yon, wala na kaming makain, e. Tapos may nanliligaw sa akin.
“OK, sige, ito na lang. Iga-grab ko itong opportunity na ito… 16 pa lang po ako noon, tapos, nagsasalang ako ng mga car show that time.
“Noong nag-18 ako, may nakilala akong attorney noon. Sabi niya, ‘Dito ka na lang sa website na ito. Itong website na ito, maayos.’
“So, parang… hinintay nila akong mag-18, na-pressure na ako that time. Sa website na iyon, parang bold star ang dating ko. May stag party.
“May sexy pictures ako doon. Pero ngayon po, hindi na nagu-google ang website na yon. Since noong nag-pandemic, nawala na. Na huwag na yung work na ganoon.”
Stag Mommas ang pangalan ng website.
“Nag-o-online po kami noon, binebenta nung pinaka-handler namin. Di po namin kilala yung handler namin,” pagtatapat ni Aira.
“Binebenta nila yung mga ano namin, yung mga... parang sa p*rn. Tapos, parang sabi namin, mag-out na kami.
“Kasi, ilang araw na kaming nagsu-shoot, pagod na pagod na yung p*pe namin.”
Kita ang mukha niya?
“Oo, labas. Talagang inaano nila yung face ko, e. Yun ang pinakaano nila sa akin.”
Read: Oyo Sotto opens up about past drug use: "Naubos na yung pera ko..."
GORGY RULA
Marami raw pinagdaanan si Aira Calzado pagdating sa pagtatrabaho. Anu-anong pagsubok ang pinakamabibigat?
“Sa mga kliyente ko po,” malumanay na pag-amin ni Aira.
“Minsan, parang feeling mo, nabababoy ka na. Yung tipong gusto mo nang sumuko, parang ganun.
“Kasi siyempre po, breadwinner na rin. Wala nang maaasahang iba.”
Ilan ang sinusuportahan niya sa pamilya?
“At that time po, hiwa-hiwalay pa. Parang sasabihin nila na, ‘Meron ka bang pera diyan?’ Tapos, bibigyan. May napa-debut na pinsan. Nagbigay ako ng PHP20K.
“Parang nautu-uto ako… sobrang bait lang din,” bittersweet na pagngiti ni Aira.
“Kasi, only child ako. Meron akong kapatid sa una, tapos ako nasa gitna, tapos may kapatid pa ako sa tatay. So, hiwa-hiwalay. Middle child.”
Mild lang ginawa at gagawin niya sa CinePOP kumpara sa pasiklab niya sa Stag Mommas website?
“Gagawin ko po. Parang ano ako, e. Kung anong gawin sa akin, OK, gawin mo iyan,” tugon ni Aira.
“Kasi, minsan nasa isip ko po siya na parang gusto kong maging aktres. Gusto kong gawin ito, iyung mga 90s na movie.
“Like yung kina Vilma Santos, kina Ara Mina. Yung iba talaga yung mga movie. Yung mga ganoong tipo ang gusto ko.”
Dream ba niyang makatrabaho ang kanyang Tita Iza?
Mabilis na sagot ni Aira: “Dream ko po! As in gusto ko siyang ma-meet. Personal… gustung-gusto ko siyang makita, personal.
“Idol na idol ko siya dun sa… yung kay Piolo Pascual. Yung Mama Mary, with Toni Gonzaga. Sobrang paulit-ulit ko siyang pinapanood.
“Siguro mga ano na rin, 50 times… Ayun po, sobrang idol na idol talaga. Gusto ko po siyang ma-meet, kahit fan na lang siguro.”
Ang tinutukoy ni Aira ay ang 2014 film na Starting Over Again, kung saan mala-Mama Mary ang ganda ni Iza.
Kung Mama Mary si Iza, ano naman siya?
“Hindi ko po alam. Mary Magdalene? Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Aira.
Read: Waynona Collings, Reich Alim are the first two evictees of PBB Celebrity Collab 2.0
NOEL FERRER
Maliban kay Aira Calzado, panauhin ni Salome Salvi sa pilot ng Bold Cast ang kapwa adult content creator na si Tina Slick.
Hindi iyon ang tunay na pangalan ni Tina. Pinili niya ang pangalang Tina dahil madali iyong matandaan.
“It’s edgy. And then ‘Slick,’ kasi yung content ko is before, I do a lot of threesomes. I do a lot of outdoor stuff,” sabi ni Tina.
Noong 2021 siya nag-umpisa sa paggawa ng adult content. Magkaibigan sila ni Salome.
Araw-araw raw silang magkausap.
“So we’re doing the podcast. Sabi ko, ‘Hala! Ano pang pag-uusapan natin? Napag-usapan na natin buong buhay natin together?’” saad ni Tina.
Siyempre, puwede nilang talakayin kung paano pa mapapabuti ang kanilang industriya.

Siyangapala, naghahanap ang CinePOP ng mga lalaki at babae na 18-25 years old para sa bubuuing sexy group. Ang aplikange ay dapat talentado sa pagkanta at pagsayaw.
Ipadala ang audition video sa Messenger ng direktor na si Zyro Peralta Radoc.
Read: Ellen Adarna reveals husband Derek Ramsay’s alleged infidelity
