Trigger Warning: Sexual content
JERRY OLEA
Tampok si Zandro Ibarra at ang dalawa pang CinePOP Boys na sina Chris Alcantara at Jomar Dump sa second episode ng bold podcast na Bold Cast ngayong Nobyembre 18, 2025, Martes ng 8:00 P.M.
Bumanat ang tatlong hombre ng mga kuwentong nakakahiya, nakakatuwa, at hindi mo sukat-akalain.
Nakapitong short film na si Zandro sa CinePOP.
Ang una, Basta Rider, Sweet Lover. Hindi na niya matandaan ang pangalan ng kapareha niya rito.
Ang latest niya ay Maid in Heaven.
Read: Ellen Adarna reveals husband Derek Ramsay’s alleged infidelity
“Dati po akong barista sa Tim Horton’s, Canadian coffee shop. Actually, all around. Hindi lang po barista,” lahad ni Zandro sa exclusive interview ng PEP Troika noong Nobyembre 13, Huwebes, sa CinePOP office, Quezon City.
“Kasi naggagawa ako ng coffee. Naggagawa ako ng mga pastries. Tumagal din ako sa kanila ng five months.
“After ko doon, lumipat ako ng call center. Hindi naman po ako college graduate. I’m just senior high school graduate.
“Pero before all that, sa bahay lang po ako tumutulong. Sa business.
"May business kaming karinderya sa Taguig, which is yung hometown ko po.
“Sa Central Signal po yung karinderya. Malapit-lapit po sa BGC, like 14 minutes away pag nagmotor. Ganoon lang po siya kalapit.”
ZANDRO IBARRA ON JOINING MALE PAGEANTS
Sumali rin siya sa mga patimpalak. Nag-umpisa siya sa school, hanggang sumali sa mga barangay-barangay.
“Hanggang sa sumali po ako sa pageant po sa Mandaluyong, nanalo po ako doon as Mr. Plainview,” pagtatapat ni Zandro.
“Tapos after that, nag-try po akong mag-national pageant, which is King of the World-Philippines this year.
“Iyon po ang pinaka-recent kong project. Hindi naman po ako nanalo. Pero good experience, kasi it’s my first national pageant.”

Gusto ba niya talagang mag-artista?
Mabilis na tugon ni Zandro: “Yes, bata pa lang po ako, iniidolo ko na po talaga si FPJ. Kasi, parehas kami ni papa na mahilig manood ng action, e.
“Idol ko rin po si Robin Padilla, yung Bad Boy. Yun ang gustung-gusto ko, yung pagka-bad boy niya. Ha! Ha! Ha!
“So, yun po yung pinapangarap ko talaga na maging genre ko as an artist.”
Ibang aksyon ang pinaggagagawa niya sa CinePOP.
“Sexy pero bad boy. Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Zandro.
Eight months na raw single si Zandro.
Nasa CinePOP na siya nang maghiwalay sila ng kanyang kasintahan. Wala raw kinalaman ang kapangahasan niya sa CinePOP para mag-break sila ng kanyang girlfriend.
Ani Zandro: “Hindi na kasi healthy din yung sa aming dalawa. Wala namang problema sa trabaho.
“Yung ano lang talaga, yung pakikisama lang. Yun lang ang nasira.”
Read: Senator Imee Marcos reveals alleged drug use by President Bongbong Marcos
NOEL FERRER
Pampito si Zandro Ibarra sa walong magkakapatid — limang lalaki, tatlong babae.
Pagsisiwalat ni Zandro: “Kumpleto kami. Sa tatlong babae, may isang tomboy. Sa limang lalaki, may tatlong bakla.”
Straight daw ang 24-anyos na si Zandro. Ang papa nila, sundalo.
Pagpapatuloy ni Zandro: “Yung panganay namin sa lalaki, bading din yon, siya yung pinakanahirapan umamin kay papa…
“Sa kanya nahirapan. Pero nang tumagal, yung kuya kong yon ang naging way para mag-open ang mind ni Papa sa LGBT.
“Kasi si Kuya, talagang sinuportahan niya yung family. Nag-cum laude siya. Hanggang sinundan nung kapatid ko na bading din, nag-summa cum laude naman.
“Tapos, silang dalawa, lalaki pa rin sila manamit. Yung bunsong bading, yung pangwalo, magaling din sa school. Siya lang yung nakikitaan namin na magsusuot ng pambabae.”
Yung tomboy, hindi raw cum laude. Medyo pasaway raw ito.
HIS FAMILY'S REACTION
Ano ang reaksiyon ng mga kapatid niya sa pagsabak niya sa hubaran at harutan sa pelikula?
Ngumiti si Zandro: “Hindi naman sila tumutol. Actually natuwa pa sila dahil alam nila na ito ang gusto ko, ito ang pangarap ko.
“Sabi pa nila, ‘Si Coco Martin nga, e, diyan nag-umpisa! Paganyan-ganyan, pero tingnan mo naman siya ngayon.’
“The fact is, talagang pinagbutihan din naman talaga ni Coco Martin. So, that’s what I’m looking forward.”
Nagtalop si Coco sa indie movies na Masahista (2005), Daybreak (2008), at Serbis (2008) kung saan meron siyang frontal nudity.
Ano naman ang sabi ng parents niya?
“Si Papa, noong first time kong ipinakita sa kanya yung intro, parang natatawa siya,” sey ni Zandro.
“Kasi si Papa dati, na-offer-an din siya na mag-artista, mag-model sa Bench. Na-discover si Papa sa gasolinahan. Hindi niya tinanggap yung offer.
“Kasi nga, ano, si Mama kasi, pinapauwi siya ni Papa sa Western Samar. E, ayaw ni mama.
“Kasi, ang gusto nung bading na nag-offer kay papa, ayun, yung package. Kaso, doon mag-i-stay sa kanya. Doon matutulog sa condo nung bading. Ha! Ha! Ha!
“Tapos ayun, hindi naman pinatos ni Papa… Ewan ko lang kay Papa. Siguro kasi, mahal na mahal niya si Mama kaya hindi niya tinanggap yon.”
Hindi ba naisip ng parents niya na mag-family planning? Bakit umabot sila sa walong magkakapatid? Napakainit ba ng pag-ibig sa isa’t isa ng kanyang ama’t ina?
“One time noong nag-iinuman kami ni Papa, parang sabi niya kasi, kaya ayun ang nangyari, na nasundan nang nasundan, kasi pag mas marami raw, pag kinatagalan, mas magiging masaya,” sagot ni Zandro.
“Tapos magiging masarap iyong buhay. Kasi, marami kayo. Tulung-tulong kayo.”
Sakaling magpamilya siya, sapat na raw kay Zandro ang dalawa o tatlong anak.
Read: Angelica Panganiban reveals agreement with husband about her showbiz comeback
GORGY RULA
Hindi raw pinagpayuhan si Zandro Ibarra ng kanyang ama kaugnay sa mga naglipanang bading sa showbiz.
Paliwanag ni Zandro: “Ang reminder po lagi sa akin ni Papa, ‘Always do your best in your work. Alam mo naman na yung tama at mali.’
“Kasi, hindi naman nagkulang ng disiplina rin sa akin ang tatay ko. So, ayun, dala-dala ko siya sa utak ko, kung ano ang tama at mali.
“Naka-experience rin ako na may nag-offer sa akin, last January lang po. Gay siya, tapos pinagse-send niya ako ng nude video na nagj*j*b*l ako, na kita yung mukha ko.
“Friend yun ng friend ko. Tapos, talagang mapera din siya. In-offer-an niya ako sa isang video na iyon, PHP200K.”
Wow! Mahal, huh?! Puwedeng ibenta iyon, if ever.
Kinagat ba niya yung offer? Bakit, o bakit hindi?
“Hindi. Kasi, wala yon sa utak ko. Nasusustentuhan ko naman yung sarili ko,” katwiran ni Zandro.
“So, wala pa naman ako sa punto na hindi ko na kaya para kumagat diyan.”
Halimbawang hindi siya ibi-video, at magsasariling-sikap sa harap ng bading sa halagang PHP200K, mas OK iyon? Papayag siya?
Natigilan sandali si Zandro bago sumagot: “Kung sa harap niya, oo, OK lang iyon. Mahirap kasi yung video-video. For life iyon.
“Pero PHP200K is not enough para i-video, lalo’t kasi, may career na akong pinanghahawakan. Isusugal ko yung career ko para sa P200K? No.”
ZANDRO IBARRA ON SCANDALOUS VIDEOS
Noong kasagsagan ng pandemya, andaming scandalous videos na kumalat, maging sa mga celebrities. Nahihiya pa rin siya na sumabak sa ganoon?
Pag-amin ni Zandro: “Well, if something na makakapag-sustain na sa akin kahit papaano, makakapag-open ng business, wala akong paki. Ibubulgar ko talaga yung sarili ko sa ganoon.
“Tapos kung dumating man sa punto na siyempre, magkakaanak ako. Tapos, malalaman niya rin yon.
“Siyempre ano, ‘Hindi mo ba alam, dahil diyan nakapag-aral ka?’ Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Dahil diyan, may sports car ka!’ Ha! Ha! Ha! Ha!”
Sabi pa ni Zandro, wala pa siyang experience sa bading. Pinagbawalan siya ng tatlong kapatid na bading na pumatol sa gay?
“Hindi naman po nila nasabi iyon. Ang sinasabi lang nila sa akin talaga, laging nire-remind sa akin ng family ko, ‘Kung saan ka masaya, saan ka safe, go ka lang. Follow your heart lang.’
“Yun lang ang sinasabi nila sa akin palagi.”
Ang Bold Cast hosted by Salome Salvi ay handog ng CinePOP Lunes hanggang Biyernes nang 8:00 PM sa Facebook at YouTube.
