GORGY RULA
Aminado si Arnell Ignacio na malungkot pa rin siya.
Masakit daw ang pinagdaanan niya pagkatapos matanggal bilang administrator ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).
Natanggal sa puwesto si Arnell noong May 2025 dahil sa "loss of trust and confidence."
Ito ay matapos pumasok umano ni Arnell sa maanomalyang PHP1.4-billion land-acquisition deal na hindi raw dumaan sa tamang proseso.
Read: Arnell Ignacio speaks out after his firing as OWWA Administrator
Ngayon daw ay nasa estado siya ng pag-a-adjust sa mga bintang na hinarap niya sa ahensiyang pinagsilbihan niya.
Ayaw na raw sana niyang pag-usapan ito nang humarap siya sa media conference ng pelikulang Jackstone 5.
“Coping, and… andun na yun, e. Wala naman ako masasabing masyado.
"Umandar na, e. I cannot elaborate. But it’s really very sad,” pakli ni Arnelli nang kinumusta siyang PEP Troika.
“Alam mo yung ending nito, di ba? Nakipagkasuhan ako. Ang tapang ko pa dun, e.”
ARNELL IGNACIO "COPING" AMID ONGOING ISSUE
Tungkol na lang daw sana sa pelikula ang pag-uusapan at saka na pag-usapan ang kinakaharap niyang isyu sa OWWA.
Saad niya: “As I’ve said, I’m coping. Kasi ibang matter na yun e. Medyo mabigat.
“Ang masaya na lang ako, kasi natapos namin yung pelikula. The essential elements about OFW, intact.
"Wala namang mensaheng inalis in relation to what happened."
Kasama ni Arnell sa Jackstone 5 sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Jim Pebanco, at Joel Lamangan, na siya ring nagdirek ng pelikula.
Sabi ni Direk Joel, ayaw na niyang magdirek ng pelikula kung saan isa rin siya sa mga artista. Sobrang nahirapan daw siya.
Read: DMW points out "red flags" in "anomalous" OWWA land deal

NOEL FERRER
Sa mediacon pa rin ng Jackstone 5 ay nilinaw ng PEP Troika kina Arnell Ignacio at Direk Joel Lamangan kung nandiyan pa rin ang partisipasyon ng OWWA.
Napag-usapan kasi sa story conference ang posibilidad na partisipasyon ng OWWA dahil mga OFW ang role ng apat sa limang bida sa pelikulang ito.
Bilang retired OFWs ang role nina Arnell, Eric Quizon, Gardo Versoza, at Jim Pebanco, nabanggit daw talaga ang OWWA sa kuwento.
Nandoon pa rin daw at wala silang tinanggal dahil nasa kuwento talaga ito. Wala raw itong kinalaman sa nangyari kay Arnell.
Paglilinaw ni Direk Joel, “OFW story ito ng mga taong OFW na nagtrabaho sa abroad. Andun pa rin sa story. May OWWA pa rin.”
Sabi naman ni Arnell: “So, I hope that we made it very clear.
"Wala namang ganung hakbang na ginawa yung production because of what happened. 'Eto, alisin natin. Ito, hindi.' Wala namang ganun.
“So, not to be any antagonistic ideas or concept, wala namang nangyaring ganun.
“Basta very intact. The good programs were all there, and all mentions.
“Yung istorya ng OFWs is still there. Kaya ano ito, e… ginawa nating masaya, sana yun ang mas maalala.”
Kasama rin sa Jackstone 5 sina Jhon Mark Marcia, Abed Green, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Prince Clemente, Elora Españo, at Angela Cortez.
Read: Ellen Adarna reveals husband Derek Ramsay’s alleged infidelity

JERRY OLEA
PG (Parental Guidance) ang MTRCB rating sa comedy film na Jackstone 5.
Nakasama ako sa special preview nito noong Nobyembre 11, 2025, Martes, sa Outpost Visual Frontier sa Miranda St., San Juan City.
Walang mahalay na eksena.
Smack lang ang kiss ni Abed Green kay Direk Joel Lamangan. Mabilis ang butt exposure si Jhon Mark Marcia.
Sa umpisa pa lang ng Jackstone 5 ay may showdown na ang limang bida. Sa pagdaloy ng kuwento ay meron silang kani-kanyang shining moment.
Ang sabi ni Gardo Versoza, ang saya-saya ng shooting nila ng Jackstone 5.
Pag-ayon ni Direk Joel: “Oo, masaya. Kasi, puro performers ang mga artista. Mahuhusay! Di ba, lahat sila, mahusay?”
Bonggang-bongga si Arnell Ignacio sa eksenang nagsumbatan ang limang bida.
Kung si Joshua Garcia ang umangat sa Meet, Greet & Bye, posibleng si Arnell ang mapansin nang husto sa Jackstone 5.
Nagkasapawan ba ang mga bida sa pelikula nila?
Tugon ni Direk Joel: “Hindi naman. Hindi naman sila nagkakasapawan. OK naman sila.”
Ipalalabas ang Jackstone 5 sa December 3.
MEET, GREET & BYE
Siyanga pala, ayon sa ABS-CBN Films, as of November 17, Monday, ay lumampas na sa PHP120M ang global gross ng family drama movie ni Joshua kasama sina Piolo Pascual, Maricel Soriano, Juan Karlos, at Belle Mariano.
Meet, Greet & Bye debuted internationally in Australia, New Zealand, and various countries in the Middle East on November 13 and in the US, Canada, and Guam last November 14.
Over the weekend, the film also commenced screenings in the UK, Ireland, Austria, Italy, and France.
The film has upcoming screenings in Papua New Guinea starting November 20, Greece on November 22, and Spain beginning November 23.
Other territories in the lineup are Hong Kong, Macau, Singapore, and Brunei this month; and Cambodia on December 12.
Read: Bea Alonzo shows all-out affection for boyfriend Vincent Co
