GORGY RULA
Lalo pang lumalakas ang bulung-bulungang break na raw ang magkasintahang Sam Verzosa at Rhian Ramos.
Matagal na namin itong naririnig, pero hindi namin pinapansin dahil baka tsismis lang ito na sumasabay sa mga isyung hiwalayan.
Pero may ilang reports na kinukumpirmang hiwalay na umano ang dalawa.
Tinanong ko ang ilan sa mga taong malapit sa dalawa, wala silang maayos na sagot— hindi itinatanggi pero hindi rin kinukumpirma.
Ang iba ay tila may alam na, pero ayaw raw nilang sa kanila manggaling ang impormasyon.
Pero may ilang reliable source na nagsasabing totoo raw na break na sina Rhian at Sam, pero wala pang nagsasalita sa kanila.
Read: Ellen Adarna reveals why she exposed Derek Ramsay’s alleged cheating and abusive behavior
SAM VERZOSA REPORTEDLY DENIED RUMOR
May isa kaming kaibigang nag-text kay Sam.
Hindi raw totoo ang kumakalat na balita, sabi ng dating congressman.
Naiinis daw siya dahil kung anu-anong kuwento ang naglalabasan. Na kesyo may ibang babae raw siya na binigyan niya ng kotse, at meron pa raw nagkalat na binigyan naman daw niya ng bahay.
Sabi raw ni Sam sa kaibigang nag-text sa kanya, sa tingin niya ay merong taong malapit sa kanya na nagkakalat ng ganung paninira.
Naging abala lang daw ngayon si Rhian sa lock-in taping nito out of town. Bukod sa taping nito sa Sang’gre, may ginagawa pa raw na pelikula ang aktres.
Kaya matagal daw talagang hindi sila nagkikita.
Kinulit ko rin ang kampo ni Rhian, pero hindi nila sinasagot ang isyung ito.
Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Universe 2025 Top 5 Final Q&A portion
JERRY OLEA
How true na balak daw ni Sam Verzosa na sampahan ng reklamo ang ilang nagsusulat at nagkakalat ng kung anu-anong negatibong tsismis tungkol sa kanya?
Tila apektado ang dating congressman sa kumakalat na tsismis.
Ang latest na narinig namin ay nakipag-usap na raw ito sa abogado niya. Pinag-iisipang kasuhan ang mga nagkakalat ng mga paninira laban sa kanya.
Kung may problema man ang magkasintahan, sana ay maayos pa ito at mananatili pa rin ang kanilang relasyon.
Hindi naman nawawala ang ganitong isyu sa mga magkarelasyon. Sana, sila pa rin dahil napag-uusapan na nga ang balak na pagpapakasal.
NOEL FERRER
Lalabas at lalabas ang totoo sa takdang panahon.
Kung hiwalay na nga sina Sam Verzosa at Rhian Ramos, at hindi na magkakaayos, malalaman din natin iyan.
Read: Fatima Bosch of Mexico crowned Miss Universe 2025: PH bet Ahtisa Manalo is 3rd runner-up
