PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapansanan ni Nonoy Zuñiga, naging daan sa kanyang solo career

Nonoy Zuñiga, nagulat sa pagkamatay ni Hajji Alejandro.
by PEP Troika
Published Nov 24, 2025
nonoy zuniga beyond gold
Nonoy Zuñiga on why he always includes a segment for PWDs in his concerts: “Siyempre PWD ako. So, ipinapakita ko na alam ko makaka-inspire ako ng mga ibang PWDs na wala nang pag-asa para sa kanila. I always tell them na habang buhay… isang remedy lang yan. Importante yung buhay mo. Sige lang. Laban lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Sa December 9, 2025 na ang repeat ng Beyond Gold: Songs of A Lifetime concert ni Nonoy Zuñiga na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.

Okay raw ang ticket sales, sabi ng taga-EchoJam na producer ng naturang concert.

Marami kasing hit songs si Nonoy at gusto ng mga fans nito na mapakinggan muli.

Read: Nonoy Zuñiga, walang kinita sa "Never Ever Say Goodbye"

SEGMENT FOR PWDS

Pero ang isa sa hindi nawawala tuwing nagko-concert si Nonoy Zuñiga ay ang segment niya para sa PWD.

Sa unang Beyond Gold concert niya noong September 5, isa sa napakaganda at touching na number ay nang kinanta niya ang "Ako Ay Ikaw Rin" kasama ang mga deaf mute na kabataan.

“As much as possible, kasama yun kasi that is my advocacy,” sabi ni Nonoy nang nakatsikahan namin sa mini-presscon para sa nalalapit niyang concert.

“Siyempre PWD ako. So, ipinapakita ko na alam ko makaka-inspire ako ng mga ibang PWDs na wala nang pag-asa para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I always tell them na habang buhay… isang remedy lang yan. Importante yung buhay mo. Sige lang. Laban lang.”

Curious kami kung ano ang gagawin niya sa repeat nitong Beyond Gold, at kung may mga PWD pa ba siyang uling makakasama.

Mas marami siyang special guests ngayon na sina Rey Valera, Marco Sison, Nina, Pops Fernandez, Dulce, at Lani Misalucha.

May special participation din sina Andrea Gutierrez, Isha Ponti, Raymond Gorospe, at Maurice.

Read: Rhian Ramos at Sam Verzosa, break na?

nonoy zuniga beyond gold concert
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Noong 2003 nagsanib-puwersa sina Nonoy Zuñiga, Rey Valera, Marco Sison, Rico J. Puno, at Hajji Alejandro bilang OPM Hitmakers.

Before that ay magkakaribal sila.

“Talagang magkakaribal kami pero friends kami. Pero sa singing, siyempre kanya-kanya kaming style,” sabi ni Nonoy.

“Noong nagsama-sama kami, mas malakas.”

Unang nalagas sa grupo nila ay si Rico J. noong Oktubre 30, 2018. Sumunod si Hajji noong Abril 21, 2025.

Gaano kadalas mag-bonding silang tatlo nina Rey at Marco na “The Survivors”?

“Mga once in two months na kami-kami lang. Not related to concerts or shows, but as human beings. Aa friends,” tugon ni Nonoy.

“Nagkikita talaga kami. Either sa bahay namin, o bahay ni Rey. Kuwentuhan lang hanggang madaling-araw. Ha! Ha! Ha!

“Kaya established yung aming friendship talaga.”

Read: Resigned Miss Universe 2025 judge: "Miss Mexico is a Fake winner"

NONOY ZUÑIGA ON HAJJI ALJANDRO'S PASSING

Na-surprise daw si Marco sa pagpanaw ni HajjiAlejandro...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat kami, na-surprise. Nung unang complaint niya, yun na iyon. Hindi na namin nakita,” pagsisiwalat ni Nonoy.

“Hindi na namin nakita. Attend na lang kami ng wake.”

Itinago ni Hajji ang kanyang karamdaman?

“Saka hindi siya nagpapa-check up. After nun, nagpa-check up na kami lahat,” sey ni Nonoy.

“Hindi ba? Nakakatakot… Kailangan sa male, whether may karamdaman o wala, even if you feel good, kailangan ng check up.

“Lalo na sa 50 and above. Every year na dapat yon. Kasi, doon nadi-discover ang sakit early. Early.

“E, kay Hajji… wala siyang naramdaman. Bloatedness, ganoon lang. Pero yung unang pain, iyon. After ng Valentine show namin sa Vigan.

“Last time na talaga iyon na nakita namin siyang buhay. Hindi na nagpakita si Hajji. Ayaw rin niya, e.”

Kumusta ang health niya nang magpa-check up?

“Okey na okey! Ganado kami lahat ni Marco. ‘Yehey! Yehey!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Sabay-sabay kaming nagpa-check up,” saad ni Nonoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eye-opener iyon. Di ba? Kung hindi pa nangyari yon, Dyusko, hindi rin kami magpapa-check up. Ha! Ha! Ha!

“Siguro, nasa tao iyon. Nagpapa-check up lang pag may karamdaman lang. Pag walang nararamdaman, akala, walang sakit. Yun pala, meron ka na.”

Read: OPM icon Hajji Alejandro dies at 70

NONOY ZUÑIGA RECALLS BOMBING INCIDENT

Nakabaston si Nonoy dahil isa siyang amputee. Naputol ang kanyang kanang binti sa bombing incident noong Oktubre 4, 1980 sa Philippine Plaza Hotel.

Nabingit ba siya noon sa kamatayan? Nawala ba ang takot niya sa death noong panahong iyon? O na-trauma siya?

“Yung trauma ko, sandali lang. Kasi, ewan ko ba, parang nung nangyari sa akin ito, tapos nakita ko yong…” pagbabalik-tanaw ni Nonoy.

“Hindi ako nawalan ng malay kaya ko. Gising na gising ako noon. Nakita ko wala na akong binti.

“So, talagang… hindi naman ako nawalan ng malay kaya OK lang. Sabi ko, ‘Uy, buhay pa ako!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I prayed. Like a believing Christian kay God, talagang nagdasal ako ng sobrang pagdadasal hanggang makarating sa ospital.

“Sabi ko, ‘I don’t wanna die.’ Ganun lang.”

Noong panahong iyon ay band member pa lang ang 24-anyos na si Nonoy. Two years sa folk singing si Nonoy, then five years sa banda.

Ang kapansanan niya ay naging daan upang maging recording artist siya at magkaroon ng solo career umpisa 1981.

“Sa mga nakasabayan ko, they first saw me na nakabaston na,” lahad ni Nonoy.

“Pumasok ako sa recording industry, nakabaston at alam na nila iyan. “Yung mga kabataan ngayon, akala nila, may baston ako kasi matanda na ako.”

Read: Film industry mourns the passing of actor Dido dela Paz, editor Jess Navarro

NOEL FERRER

Sabi pa ni Nonoy Zuñiga, iba na raw ngayon ang pagtrato sa mga PWD kung ikumpara noon.

Marahil, dala na rin ng social media kaya mas maingat na raw sa pagtawag o pagtrato sa mga PWD. Hindi katulad noong araw na wala pang ganoong pag-label.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nauso kasi yung word na ‘yun ‘bashing.’ Actually noon, iba sa atin, e. Noon, wala namang word na bash before, e,” sabi ni Nonoy.

“Ano ba yung word sa atin before? Nilalait lang, di ba? Ngayon bashing, di ba? Ayun, nabu-bully.

“Ngayon, meron parang, meron na ngang body shaming, di ba?

“Merong bullying. Naglabasan na ngayon, e. Para lang to avoid people who are hurting others.

“Nauso yun sa atin, e, na parang binabalewala na lang.”

LAWS THAT PROTECT DIFFERENT SECTORS

Sa ngayon ay mas maingat na dahil meron nang batas para magbigay ng proteksiyon sa mga taong may kapansanan, kahit sa mga seniors, mga kabataan at pati sa miyembro ng LGBTQIA+.

Ani Nonoy: “Somebody came up with that, na may mga rules na lumabas na bigyan ng penalties ang gumagawa niyan. Yun!

“Kasama na yung PWD, yung mga binu-bully, mga LGBT, ayan, marami nang rules ngayon.

“Yung mga assault, mga sexual assault. Walang mga rules yan before. Ngayon, meron na. Which is, I agree, mas maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, mas naproteksyunan ang mga PWD. Lalung-lalo na… merong rights ang mga disabled ngayon. May law, may magna carta para sa mga disabled people.

“Para lang malaman na merong Magna Carta para hindi sila abusuhin, sa workplace, kahit saan.”

Kaya tuwing concert niya ay meron daw talaga siyang segment para sa PWD na ang mensahe nito ay tratuhin silang pareho lang sa ibang taong walang kapansanan.

“Pare-pareho lang ang trato sa may disability at walang disability. Let us treat each other as co-equal di ba?” sambit ni Nonoy.

Magkasunod ang Beyond Gold: The Repeat concert at yung kay Jose Mari Chan.

Sana, parehong tauhin ang concerts nila dahil talaga namang grabe ang ambag nila pareho sa Original Pilipino Music.

Read: Vice Ganda lectures netizen accusing him of disrespecting Thai artist

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nonoy Zuñiga on why he always includes a segment for PWDs in his concerts: “Siyempre PWD ako. So, ipinapakita ko na alam ko makaka-inspire ako ng mga ibang PWDs na wala nang pag-asa para sa kanila. I always tell them na habang buhay… isang remedy lang yan. Importante yung buhay mo. Sige lang. Laban lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results