PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV Ratings: Pilot ng Roja, new timeslot ng Cruz vs Cruz

Sang’gre, hanggang Abril 2026 pa?
by PEP Troika
Published Nov 26, 2025
roja cruz vs cruz ratings
Left: The Kapamilya action-drama Roja, starring Donny Pangilinan and Kyle Echarri, premiered on November 24; Right: Cruz vs. Cruz, starring Vina Morales and Gladys Reyes, continues its reign as the No. 1 Kapuso afternoon drama series.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Papasok na tayo sa Christmas rush kaya halos araw-araw ay traffic at nasa labas na ang mga tao.

Lalo na pag weekend, punung-puno ang malls dahil ang iba ay maagang natanggap ang kanilang 13th month pay.

Dahil dito, walang gaanong nanonood sa mga programa sa telebisyon.

Karamihan ay nasa social media kaya ang laki ng ibinaba ng viewership nitong mga nagdaang araw.

Read: Eman Bacosa, panay ang yakap sa "crush" na si Jillian Ward sa kanilang first meeting

NOVEMBER 21, 2025 RATINGS

Noong Biyernes, November 21, ay mababa ang ratings ng halos lahat ng programa.

Ang It’s Showtime ay 4.9%, at ang Eat Bulaga! ay 3.1%.

Dati ay pumapalo ng 7% hanggang 8% ang ratings ng mga Kapuso afternoon drama, pero ang laki ng ibinagsak ng mga ito noong Biyernes.

Ang Hating Kapatid ay 5%, ang Cruz vs. Cruz ay 5.5%, at ang Unica Hija ay 4.3%.

gma afternoon drama
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.1%, at ang You Are My Make-up Artist ay 2.5%.

Ang Family Feud ang pinakamataas sa afternoon slot, pero mababa pa rin ang rating nito na 8.4%.

Pagdating sa primetime ay nagtutunggalian pa rin ang Sang’gre at Batang Quiapo. Pero noong araw na yun ay nagtabla sila sa 11.2%.

Ang latest na narinig namin ay tuluy-tuloy pa rin ang Sang’gre, at hanggang April 2026 pa raw ito.

Naka-12.6% ang 24 Oras. Ang Frontline Pilipinas ay 3%, ang TV Patrol ay 3.1%, at ang Totoy Bato ay 2.7%.

Ang Sanggang Dikit ay 8.4%, at ang What Lies Beneath ay 4.9%.

Read: Ellen Adarna reveals why she exposed Derek Ramsay’s alleged cheating and abusive behavior

JERRY OLEA

NOVEMBER 22, 2025 Ratings

Noong Sabado, November 22, ay ang Cruz vs. Cruz na ang napapanood pagkatapos ng It’s Showtime. Pinalitan nito ang timeslot ng Hating Kapatid.

Noong araw na yun ay 4.5% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.1% pa rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas mataas ang Cruz vs. Cruz na 5.7%, at ang Frontline Express ay 2.1%.

Sumunod ang Tadhana na 5.2%. Ang Wish Ko Lang ay 4.1%, at ang Maka Lovestream ay 3.5%.

Pagdating sa primetime ay naka-6.7% ang 24 Oras Weekend, at ang TV Patrol Weekend ay 0.9% lamang.

Ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0 ay 7.4%, ang katapat na Rainbow Rumble ay 1.9%, at ang Frontline Weekend ay 1.5%.

Ang Pepito Manaloto ay 8.7%, at ang Your Face Sounds Familiar ay 4.4%.

Naka-8% naman ang Magpakailanman, at ang MMK ay 2.5%.

Bongga pa rin ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-5.9%, at ang katapat na Tao Po ay 1.2%.

Sumunod dito ang 38th Awit Awards sa TV5 na naka-0.4% lamang.

NOVEMBER 23, 2025 RATINGS

Noong Linggo, November 23, ay hindi pa rin ganoon kabongga ang viewership.

Simulan muna natin sa All-Out Sundays na 3% lamang at ang ASAP Natin ‘To ay 1.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay ang Regal Studio Presents na 2.7%, at ang katapat nitong Presinto 5 ay 1.2%.

Sumunod ang Resibo na 3.1%. Okay pa rin ang FPJ sa GMA na naka-4.3%.

Sa primetime ay sinimulan ng 24 Oras Weekend na naka-7.8%, at ang TV Patrol Weekend ay 1%.

Ang Bubble Gang ay 7%, at ang Kapatid Mo Idol Raffy Tulfo ay 1.2%.

Ang dating nagdo-double digit na The Voice Kids ay naka-9.7% lang, at ang Rainbow Rumble ay 2.1%.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho na todo-promote pa rin sa pelikula nilang Gabi Ng Lagim ay naka-14.1%; at ang Rated Korina ay 0.9% lamang, at ang Your Face Sounds Familiar ay 3.5%.

Ang PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ay 4%.

Read: Veteran South Korean actor Lee Soon Jae dies at 91

NOEL FERRER

NOVEMBER 24, 2025 RATINGS

Noong Lunes, November 24, ay mababa pa rin ang viewership.

Parehong bumaba ang It's Showtime, 4.8%, at ang Eat Bulaga!, 3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Hating Kapatid ay 4.8%, ang Cruz vs. Cruz ay 5.7%, at napaaga na ang Fast Talk with Boy Abunda na naka-4.1%.

Sumunod ang replay na Unica Hija na 3.9%, at ang You Are My Make-Up Artist ay 3%.

Medyo tumaas pagdating sa Family Feud na 9.6%.

Sa primetime naman ay naka-15.3% ang 24 Oras.

Ang Sang’gre ay 12.3%, at ang Batang Quiapo ay 10.7%.

Sumunod ang Sanggang Dikit na naka-8.5%, at nag-pilot na ang Roja na naka-4.8%.

roja pilot episode
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ay 3.8%, at dito na tumapat ang What Lies Beneath na 2.4%.

Paano makakabawi ang mga TV network kung ito lang ang viewership ng mga programa nila?

Lalo na pagpasok ng bagong taon, wala nang gaanong commercials na pumapasok.

Kaya siguro super-tipid pa rin ang production ng mga programa ng mga malalaking TV networks, at ang dinig namin, hindi na raw muna magpapa-Christmas party ang iba.

Hindi raw nararapat ang magarbong pagdiriwang ngayong panahong maraming binahaan, nasalanta ng bagyo, at nilindol pa ang ibang lugar.

Pagkatapos, nababalitaan natin ang male-maletang perang pinaghahatian ng mga sangkot sa flood control projects!

Read: Miss Cote d'Ivoire Olivia Yacé steps down as Miss Universe Africa & Oceania

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left: The Kapamilya action-drama Roja, starring Donny Pangilinan and Kyle Echarri, premiered on November 24; Right: Cruz vs. Cruz, starring Vina Morales and Gladys Reyes, continues its reign as the No. 1 Kapuso afternoon drama series.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results