PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jackstone 5, hindi lang para sa gays at kababaihan

Mga bading at tunay na lalaki, pwede bang maging matalik na magkaibigan?
by PEP Troika
Published Nov 27, 2025
joel eric arnell jackstone 5 premiere
(From left) Joel Lamangan, Eric Quizon, and Arnell Ignacio attend the premiere night of their comedy film, Jackstone 5, at TriNoma Mall in Quezon City on November 25, 2025.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sa December 3, 2025, Miyerkules, pa ang showing ng pelikulang Jackstone 5, pero nagkaroon na sila ng premiere night noong Nobyembre 25, Martes, sa Cinema 6 ng Trinoma, Quezon City.

Nag-enjoy ang mga kabadingan sa pelikula.

Ayon sa isa sa mga bida at direktor rin ng pelikula na si Joel Lamangan, masaya lang ang Jackstone 5. Pawang katatawanan pero kuwentong pampamilya, hindi lang pambading.

Bukod kay Direk Joel, bida rin sa pelikula sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, at Jim Pebanco.

Read: Jessica Soho on corrupt officials: "Tumakas ang konsensya nila."

Jackstone 5 poster
Photo/s: APEX Creative Productions
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halatang masyado silang kumportable sa isa’t isa dahil ilan sa mga eksena ay pinag-adlib sila ni Direk Joel.

Binabago pa raw ni Direk Joel ang ilang bahagi ng script, at doon na raw niya mismo isinusulat ang script.

“Script in progress po yun,” bulalas in Direk Joel.

“Habang nagsu-shoot, pag kailangang baguhin, binabago. Sapagkat wala naman doon ang writer, ako na lang po ang nagbabago.

“Opo. Script in progress, pero isang bayad lang po yun.”

Read: Mel Tiangco recalls heartbreak after Magpakailanman was axed in 2007

JACKSTONE 5: NOT JUST FOR GAYS AND WOMEN

Natuwa ang mga nakapanood sa screening ng Jackstone 5, pero karamihan ay mga bading ang sobrang nag-enjoy.

Marami ring mga kababaihang tawang-tawa sa pelikula.

Tinanong namin ang buong cast kung sa tingin ba nila ay magustuhan din ito ng mga straight na lalaki kapag isasama silang panoorin ito sa sinehan.

Ani Direk Joel: “Siyempre kahit sino mang straight sa lipunang ito, may kaibigang bading.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Andiyan na nga ang mga bading. Lalo nilang maintindihan ang bading. Lalo nilang maintindihan kung ano ba itong tinatawag na bading. Anong klaseng hayop ba ito?

“Lalo nilang maintindihan sila pag napanood nila ito. Mapapalapit ba sila dun sa kanilang kaibigan? Baka maging kaibigan pa nila yung mga bading na kilala nila.”

Dagdag ni Eric Quizon: “Yes. Of course ang characters, they’re all gay, but ang pinag-uusapan talaga… ang inaano talaga ng pelikula is friendship.

“So, lahat tayo, meron tayong mga kaibigan. And of course, bawat isa sa amin, may pamilya kami. So, it talks about family as well.

“Mas maano pa dun yung relasyon ng bawat isa. And then, OFWs pa. Ilang milyon ba ang mga Filipinos ba na nakatira abroad?

“So, I guess maraming makaka-relate dun sa movie na ito. The movie is actually for the whole family. Not just for the LGBTQ community.”

Read: Raul Rocha "fed up" with Miss Universe 2025 issues; mulls selling MUO

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sabi pa ni Direk Joel Lamangan, comedy ang Jackstone 5, pero seryoso ang tema tungkol sa pamilya at pagkakaibigan.

Hindi raw ito yung ginagawang clown ang mga bading na pinagtatawanan.

Nilinaw rin niyang marami sa mga bading na merong matalik na kaibigang mga tunay na lalaki.

Siya raw mismo ay maraming kumpare na mga tunay na lalaki, at alam niyang matutuwa sila sa pelikulang ito.

Kuwento pa ni Direk Joel: “Ako, marami akong kaibigang lalaki. Pag umuwi ako sa Cavite, puro lalaki ang mga kaibigan ko.

“Nakikipare-pare din siyempre ako. Alam nila!”

Read: R’Bonney Gabriel responds to Raul Rocha’s swipe at her IG fans

FRIENDSHIP BETWEEN GAYS AND REAL MEN

Binalikan pa niya noong high school siya na kahit bading siya ay tunay na lalaki pa rin ang pagtingin sa kanya. “

Totoong Corps Commander ako nung High school,” pagmamalaki niya.

“Lahat ngayon ng dati kong kadete, alam nila kung ano ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pare-pare pa rin. Wala namang… hindi tinitingnan ang mababa, hindi tinitingnan ang masama.

“Ang mga bakla, meron yang kaibigan lalaki. Kaibigan talaga.

"Hindi yung kaibigan na tsutsugihin, hindi na dyodyowain. Hindi yung ginagawa ni Arnell. Ganun!” natawa niyang pahayag.

May dagdag ding pahayag si Arnell.

Aniya: “Marami rin akong mga kaibigang talagang true grit na straight.

“Siyempre, hindi ko naman sila kinukuwentuhan ng mga sexual escapades ko. Hindi sila maka-relate dun.

“Pero what I wish they will discover, that there’s really that much of a difference.”

Para kay Arnell, pare-pareho lang naman daw tayo—bading ka man o tunay na lalaki.

“Yung bading, siguro naiba lang sa tono kung papano naglalahad ng kanyang kuwento.

“Basically, pareho lang naman, e. Pareho lang, ang mga lalaki, may babaero. Pareho lang ang problema, nag-iiba lang yung character.

"Napansin ninyo, hindi naman ninyo nararamdaman na nanonood kayo ng mga bakla, e. Naaaliw lang tayo, kasi ang mga bakla kasi, ang ingay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang mga straight, hindi maingay. Pero yung basic na nangyayari sa kanyang kaisipan, ang kanyang mga hinaharap na suliranin, pareho lang.

“So sana, through this movie, makapag-contribute ng realization na there’s not much to be debated upon.

“Hindi naman tayo kailangang magdebate kung bakit tayo magkakaiba. Hindi naman tayo magkakaiba, e.

"Ang iba lang yung tono, pero yung sinasabi at sinasalaysay ay pareho lang.”

Read: Ellen Adarna packs up; ready to leave Derek Ramsay's house

JERRY OLEA

Magagaling ang lahat ng limang bida sa Jackstone 5, pero ang lumutang dito ay sina Eric at Arnell.

Ang komento ng mga nanonood, parang si Eric na raw talaga ang susunod sa kanyang yumaong ama na si Dolphy.

Itinanggi naman ito ng actor-director.

Sabi ni Eric: “Parang hindi. Parang marami pa akong kakainin.

“There’s only one Dolphy. Maybe there’s an Eric.”

Pero gusto raw niyang i-remake ang ilang classic films ng kanyang ama. At isa raw sa pinakapaborito niya ang Ang Tatay Kong Nanay (1978) na idinirek ni Lino Brocka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero na-enjoy raw niya talaga ang Jackstone 5 dahil bukod sa kuwento ng pagkakaibigan, naging kaibigan niya talaga ang kanyang co-stars sa pelikula.

Sabi pa ni Eric: “And like I said, ako sinasabi ko nga sa sarili ko, e. Ngayong tumatanda na ako, ngayon ko nare-realize na yung value ng friendship. Yung value ng mga kaibigan.

“Kasi itong mga tao na ito, sila yung puwede mong puntahan, sandalan, takbuhan, sa mga in times of need or dark times or even yung mga masasayang panahon.

“And of course, sa family. At the end of the day, family mo yan. So, ang babalik-balikan mo ay ang pamilya.”

Read: Eman Bacosa, panay ang yakap sa "crush" na si Jillian Ward sa kanilang first meeting

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Joel Lamangan, Eric Quizon, and Arnell Ignacio attend the premiere night of their comedy film, Jackstone 5, at TriNoma Mall in Quezon City on November 25, 2025.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results