PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chad Borja, willing mag-concert buong araw sa ilang kundisyon

Pinoy Playlist Music Festival, simula na ngayong November 28, 2025.
by PEP Troika
Published Nov 28, 2025
chad borja concert
Chad Borja returns to the concert stage via All That Sound to be held at Music Museum on November 28, 2025.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Chad Borja sa kanyang pagbabalik-concert ngayong Nobyembre 28, 2025, Biyernes ng gabi, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

Mahigit dalawampung taon daw siyang hindi nakapag-concert na kagaya nitong gagawin tonight. Kaya iba raw talaga ang nararamdaman niya ngayon.

Nakatsikahan namin si Chad Borja sa programa namin sa DZRH pagkatapos ng rehearsal niya noong Miyerkules, November 26.

Read: Raymond Lauchengco recalls when Maricel Soriano screamed at him

Ayon sa singer, nag-e-enjoy siyang bumalik ang pagmamahal niya sa pagkanta.

“Twenty years ko nang hindi nagagawa yung alam mo yun… nagso-solo concert ako. Nag-eensayo... talagang pinili namin nang maayos, may director, tama yung sound, nagbebenta ka ng tickets.

“Iba yung ginagawa ko kasi for the past years, more in corporate shows, meron ding solo shows, but not yung ganitong klaseng magnitude.

“I call it magnitude kasi for me it’s a big thing. Kasi the last time ko na ginawa ito was 20 years ago, before ko nalaman na meron akong papillary carcinoma or thyroid cancer,” saad ng Cebuano singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpa-sample ng ilang kanta si Chad nang magpa-presscon ito, dahil gustung-gusto raw talaga niyang kumanta nang kumanta.

Read: Chad Borja, ibinahagi ang 25-year battle sa thyroid cancer

LOYAL AND NEWS GENERATION OF FANS

Dito sa kanyang pagbabalik-concert ay makikita raw niya ang kanyang fans at baka pati ang mga anak ng fans niya na nasa bagong henerasyon na.

“Tingin ko, meron pa akong mao-offer sa mga dati kong fans,” pakli ni Chad.

“Sa mga hindi pa nakapanoood sa akin, yung nakikita lang nila ako sa TV, na may isang Chad Borja na mai-offer at gusto ko lang din i-share sa mga dati kong fans, at sa mga anak ng fans ko dati. Kasi 25 years ago, medyo matagal na.

“Ibang generation na, e. And I do feel na kaya ko pa. Kaya nagkataon din na merong isang producer, ang EchoJham, si Mhae [Sarenas] na naniniwala sa akin. I was inspired to do it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala naman akong bagong kanta na pinu-promote and still nakakagawa ako ng show and I’m very grateful,” dagdag ni Chad.

Lalo siyang na-excite nang nakasama na raw niya sa rehearsal ang special guests niyang APO HIiking Society at si Marco Sison.

May special participation din ang promising singers na sina Andrea Gutierrez, Isha Ponti at Raymond Gorospe.

Pahabol pa ni Chad, eksaktong alas-otso ng gabi ay magsisimula na ang kanyang concert, dahil itutuluy-tuloy niya ang performance niya.

Read: R’Bonney Gabriel responds to Raul Rocha’s swipe at her IG fans

chad borja all that sound
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sabi pa ni Chad Borja, talagang itotodo niya ang lahat sa concert niya ngayong gabi.

Pinaghandaan niya at seryoso raw siya sa gagawin niya.

“Ako mismo, parang treat sa sarili ko, kasi hindi naman ako na parang maglalaro lang kami sa stage.

“Hindi siya yung typical show na alam mo na yung bonggang-bongga ang production.

“But we are concentrating on music, kasi All That Sound, kasi iba-ibang genre,” sabi ni Chad.

CHAD BORJA WILLING TO SING ALL DAY

Siya raw kasi ang tipong kakayaning kumanta nang kumanta kahit buong araw, at makikita ang energy niyang ito sa kanyang concert.

Ani Chad: “Pag maganda ang crowd, maganda ang sound system, maganda yung tugtog mo, magaling ang musikero mo, yan ang mga moment na parang ayaw mong matapos.

“Sabi nga ng director ko na si Calvin Neria, pinag-aralan namin yung set namin kanina, parang 28 songs, kasama ang medley.

“Ang sabi nila, sa Music Museum daw, you’re only allowed up to three hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Ako naman, Direk, pakantahin mo ako ng ilang oras, walang problema sa akin kahit five hours, six hours. As long as may nanonood.’

“But definitely, of course, we have to consider yung oras sa Music Museum, nagre-rent kami and the following day may magse-set up na naman for other artists.

“So, ang gagawin namin, parang yung kung ano lang yung tama.

“Kasi ako naman, as what I’ve said, kung ako ang tatanungin mo, puwede mo ako pakantahin buong araw. Bigyan mo lang ako ng magandang sound system.”

Itong pagkanta raw ang talagang nagpapa-relax, at ang laking fulfillment daw nito sa kanya bilang isang singer.

“Pag pinapawisan ka, may mga konting mali, that’s normal, 'no?

“Konting mali… alam mo nagkamali ka, pero oops nagkamali ako dun. Pero ginawa mo kasi live e. Napakasarap!

“It’s always... pag kumanta ako, nakapag-show, automatic yan, masarap yung tulog ko sa gabi,” napangiti niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kapuso stars Gil Cuerva at Lexi Gonzales, break na?

NOEL FERRER

Good luck kay Chad Borja sa concert niya ngayong gabi sa Music Museum, na kasabay ng concert ni Raymond Lauchengco sa Solaire naman.

raymond lauchengco concert

PINOY PLAYLIST MUSIC FESTIVAL

Tapos, ngayong Biyernes din magsisimula ang three-day Pinoy Playlist Music Festival (PPMF) upang ipagdiwang ang pagkakaiba-iba at pagkabuhay ng musikang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa balads, pop, hanggang sa mga matatapang na bagong tunog sa lahat ng genre at henerasyon, itinatampok ng PPMF 2025 kung paano patuloy na umuunlad ang musikang Pinoy habang nananatiling malalim ang pagkakaugat sa mga kwento at diwa ng Pilipino.

Sa temang "Halo-halo, Sapin-sapin, Sabay-sabay," kinikilala nito na ang Musikang Pinoy ay, una, isang may halu-halong iba't ibang lasa at pinagmulan.

Pangalawa, isang pagkalat ng mga nagpapatung-patong na mga impluwensiya at inspirasyon sa paglipas ng panahon... sapin-sapin.

At pangatlo, ang mga Pinoy ay may malalim na pagmamahal sa musika upang tanggapin ang lahat ng ito nang sabay-sabay.

Kasama sa lineup ngayong taon ang KIKX and Day One, Somatosonic, The Brat Pack, Gab Cabangon, The Bloomfields, Tres Marias, Trina Belamide, Dingdong Avanzado, Bugoy Drilon, Mike Shimamoto, Debonair District, UP Rondalla, Arman Ferrer, Issa Rodriguez, at Bukas Palad Music Ministry.

Andiyan sina Kakki Teodoro, Shiela Francisco, Phi Palmos, Tiara Shaye, Ervin Lumauag, Toto Sorioso, Azter, Zsaris, Hoochie Coochie Mikkie, Vvink and Flipmusic, Zenas Lozada, Chickoy Pura, Manila Sky, Conchords, Rubberpool, Solace Out The Door, We Are Imaginary, Vic Robinson, Katrine Sunga & Vien King, Lissa del Valle, Rony’s Company Call, at iba pang mga walang-kapantay na musikang Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong araw, tatlong entablado; lahat ng genre, lahat ng henerasyon, lahat PINOY!

Interesting din ang parangal/ tribute sa mga Ryan Cayabyab Music Excellence Awardees na sina Homer Flores, Lorrie Ilustre at APO Hiking Society.

May tribute performances sina Dulce, Erik Santos, Hanna Flores, Nicole Asensio, Pinkmen, Leah Navarro, Noel Cabangon, at Itchyworms.

Bibigyang-pugay ang mga yumaong great music artists na sina Asia’s Queen of Song Pilita Corrales at National Artist Nora Aunor.

Sa BGC Arts Center ito magaganap hanggang Linggo.

pinoy playlist 2025
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At mapalad tayo na maraming mga ganitong concerts at events sa music — na tinatao ag tinatangkilik talaga.

Sana, ganoon din karubdob ang suporta ng mga kababayan natin sa lokal na pelikula, di ba? Sana.

Read: Kim Chiu shuts down Kimerald reunion fantasy after fans' relapse

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chad Borja returns to the concert stage via All That Sound to be held at Music Museum on November 28, 2025.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results