PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julie Anne at Rayver, naghihintay pa rin ng perfect timing

Julie Anne, sinabing si Rayver dapat ang sumagot kung kailan ang perfect timing.
by PEP Troika
Published Nov 28, 2025
julie anne rayver wedding talks
Julie Anne San Jose on relationship with longtime boyfriend Rayver Cruz: “And maganda yung relationship ko with him and his family. Relationship niya with sa family ko and sa akin. It’s really a healthy relationship. So, ang masasabi namin ano… it’s a very secure one. And wala namang dapat ipag-alala."
PHOTO/S: @myjaps / @rayvercruz on Instagram

GORGY RULA

Sabi ni Loisa Andalio sa kanyang Facebook post, "perfect timing" ang ibinigay ng Panginoon sa kanila ni Ronnie Alonte para magpakasal.

Kaugnay nito, tinanong ng PEP Troika kay Julie Anne San Jose, 31, kung inaasahan na ba niyang malapit nang dumating ang perfect timing sa kanila ni Rayver Cruz, 36.

Sa susunod na taon na kaya ito?

Read: Loisa Andalio pens heartfelt message after wedding to Ronnie Alonte

Ang lakas ng halakhak ni Julie Anne nang tinanong namin ito sa kanya nang nagkatsikahan kami sa Antipolo nung Huwebes ng gabi, November 27, 2025, kung saan kumanta siya sa Christmas tree lighting na ginanap sa Sumulong Park, Antipolo.

“I’ve been getting that along... Actually, kaming dalawa ni Ray,” pakli ng Kapuso singer-actress.

“Kami namang dalawa, lagi naman namin napapag-usapan yun yung ganyang aspeto.

“Kasi kung kailan ibibigay ni Lord… kasi dun naman na talaga pupunta. And para sa aming dalawa, right timing lang po talaga yung kulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And dun sa right timing na yun, parang feeling ko, siya yung dapat makasagot. Hindi ako.”

Sabi pa ni Julie Anne: “Ako naman, you know, I’m just really steady, smooth lang… everything.

“And maganda yung relationship ko with him and his family. Relationship niya with sa family ko and sa akin. It’s really a healthy relationship.

“So, ang masasabi namin ano… it’s a very secure one. And wala namang dapat ipag-alala.

“For sure naman ay, you know, we’re getting there and we’re not getting any younger.”

Read: Sarah Geronimo at Nadine Lustre, tumanggi sa malaking endoserments dahil sa kanilang lifestyle?

JULIE ANNE SAN JOSE'S NEW SONG

Sa ngayon ay todo-work na raw muna siya. May mga nakatakda siyang shows sa ibang bansa.

Pero pinu-promote muna ni Julie Anne ngayon ang bagong single niyang pinamagatang "Simula," na siya mismo ang nagsulat at nag-produce.

Kuwento ni Julie Anne: “I wrote this song years ago, eto yung kalagitnaan ng pandemic at parang pagiging normal na para sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nabuo ko yung song… sinusulat ko yung kantang yun habang ginagawa yung Limitless, yung tatlong parts nung Limitless.

“Nagsimula kong isulat sa Sultan Kudarat, and inabot kami sa Siquijor. Natapos ko yung kanta before kami mag-live concert ulit.

“So, that was years ago. Pero pakiramdam ko parang eto yung right timing para i-release yung kanta. Kasi marami na rin naman naging transition din for me this year.

“So, I guess it’s safe to say na parang new start, parang new beginning sa akin.”

Nasa Spotify na ngayon at iba pang digital platforms ang bagong single niyang "Simula."

Read: Elijah Canlas, "kinilig" sa pakikipagtrabaho kina Richard Gomez at Aga Muhlach

NOEL FERRER

Wala pang suot na engagement ring si Julie Anne San Jose. Ang gitnang daliri lang daw niya ang may singsing.

Depende raw iyan sa boyfriend niyang si Rayver Cruz.

Ani Julie Anne: “Hindi ko po kasi alam kung ano ang magiging takbo ng mga pangyayari, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi minsan, alam mo yun, spur of the moment, ganyan or something like that.

"Pero kung kailan naman ibibigay ni Lord ay yun yung tamang oras talaga.

“Ako naman… kaming dalawa, hindi naman nagmamadali, e. And as long as we have each other, ganyan.

“Although alam namin kasi talaga okay. It’s very important.

"Parang… kumbaga, nakalatag na at nakaplano na yung mga… when it comes to those things, like financial aspect, ganyan.

“And then, yung mga plano, for example, like sa business, ganyan. So, we’re really working on it.”

Read: Kiray Celis sparks wedding buzz despite no real ceremony yet

JERRY OLEA

Kung sakaling mag-decide man silang magpakasal, isisikreto ba nila ito na magugulat na lang tayo, kasal na pala sila?

“Hindi tayo sure!” natatawang sagot ni Julie Anne San Jose.

Hindi naman daw kasi sila mahilig na kailangang i-post lahat sa social media. Gusto lang daw talaga nila ng tahimik na relasyon at kung anuman ang plano nila sa future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, e. Tahimik lang,” sambit ni Julie Anne.

“Saka hindi naman kasi kami parang tipong, 'O, kailangan natin mag-post. Kailangan natin magganito, ganyan.'

“Parang hindi naman… siyempre kung ano naman ang nakikita nila sa amin.

"Like for example, if ever na nagpo-post kami sa social media ganyan, yun ýung nangyayari sa real time.

“Siyempre, we enjoy each other’s company pa din, di ba?

“Talagang masaya kami kapag magkasama kaming dalawa.

“Hindi kasi para kaming everytime… kunwari pag nagkikita kami, kailangan namin mag-post or something ganito ganyan.

“So, if ever na dumating sa panahong yun ay malalaman niyo rin,” napapangiti niya uling pahayag.

Napaghandaan na rin daw nila ito emotionally at financially. Nag-iipon na raw sila, dahil kailangan na raw talaga.

“Oo. Kasi ano, e. Parang, at this point in my life, parang… although, siyempre marami pa akong gustong gawin, marami pa akong gustong i-achieve.

“Pero parang alam mo yun. Life is short, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang marami na ring mga realizations din sa akin na, alam mo yun, make the most out of it with your loved ones, and with your family, and with people who you love.

“And you know, while achieving those dreams, masarap din sa pakiramdam kung may katuwang ka, di ba? Yung may kasama ka sa buhay,” sabi ni Julie Anne.

Read: Kim Chiu shuts down Kimerald reunion fantasy after fans' relapse

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on relationship with longtime boyfriend Rayver Cruz: “And maganda yung relationship ko with him and his family. Relationship niya with sa family ko and sa akin. It’s really a healthy relationship. So, ang masasabi namin ano… it’s a very secure one. And wala namang dapat ipag-alala."
PHOTO/S: @myjaps / @rayvercruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results