GORGY RULA
Todo-kayod si Rocco Nacino para sa kanyang lumalaking pamilya.
Nakatsikahan ng PEP Troika saglit ang Kapuso actor sa nakaraang premiere night ng pelikulang KMJS’ Gabi Ng Lagim, na showing pa rin sa mga sinehan.
Kasama si Rocco sa cast ng "Berbalang" episode.
Kinumusta namin ang asawa niyang si Melissa Gohing, na nagdadalantao sa pangalawa nilang baby.
“Sa March. Same birth month ko pa. Yun ang unang plan at mukhang natupad,” napatawa niyang pakli sa tanong namin kung kailan ang due ni Melissa.
Baby boy uli ang ipinagbubuntis ni Melissa.
“Yes, baby boy! So, ibig sabihin, try again para baby girl,” napangiti niyang tugon.
Hindi pa man nailuwal ni Melissa ang pangalawa nilang baby, nasa plano na ni Rocco na dapat na magka-baby girl daw sila.
“Pag may girl, okay na. Grabe, magastos!” bulalas niya.
Wala pa raw silang naisip na pangalan para sa second baby boy nila.
“Sa dami ng ginagawa namin, medyo hindi pa namin naasikaso. Pero may tamang time,” sabi pa ni Rocco.

JERRY OLEA
ROCCO NACINO, ABALA SA MOVIES
Thankful si Rocco Nacino dahil marami siyang trabaho ngayon, lalo na’t kailangan nilang paghandaan ang panganganak ni Melissa.
“I’m very happy ngayon. I’m very blessed. Katatapos lang mag-run ang Lakambini.
"So ngayon ang Gabi Ng Lagim, sana tuluy-tuloy iyan.
“Tapos, deretso tayo sa Bar Boys: After School sa December.
"So, busy for three months magpo-promote. Kaya naubos talaga yung schedule ko,” napangiti niyang pahayag.
Nagsisimula na silang mag-promote ng Metro Manila Film Festival entry nilang Bar Boys: After School, kung saan tampok din sina Carlo Aquino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Will Ashley, Sassa Gurl, Therese Malvar, Odette Khan, Glaiza de Castro, Emilio Daez, Klarisse de Guzman, Bryce Eusebio, at Benedix Ramos.
Marami kasing mga drama entries ngayon, depende na lang iyan sa ganda ng kuwento.
Marami naman ang curious kung kasingganda rin ba ng unang Bar Boys itong ginawa nilang sequel na dinirek ni Kip Oebanda.
Read: REVIEW: KMJS’ Gabi ng Lagim serves up a chilling buffet of scares
NOEL FERRER
MMFF 2025 ENTRIES
Sa walong MMFF 2025 official entries, naunang nagpa-grand presscon ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins noong Nobyembre 21, Biyernes, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
This first week of December ay matutuloy na ang mediacon ng Bar Boys: After School, at may pa-media launch na rin ang Manila’s Finest.
Hopefully, suportahan ng fans ang 51st MMFF na ang tema ay “A New Era for Philippine Cinema.”
Sa Disyembre 9 ang MMFF 2025 Celebrity Golf Tournament sa Wack Wack Golf & Country Club sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Ang Parade of Stars ay sa Disyembre 19 sa host city na Makati City.
