PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred Vargas, inalala ang yumaong manager na si Lolit Solis

Mga alaga ni Manay Lolit Solis, first time di makakapiling ang manager sa Pasko.
by PEP Troika
Published Dec 1, 2025
Alfred Vargas gratefutl to late manager Lolit Solis for being his "nanay"
Actor-politician Alfred Vargas turns sentimental as he recalls sending poinsettia plants to the home of his late manager Lolit Solis every Christmas: “Hindi ko na matatanggap yung tawag niya na super saya niya.”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nakatanggap ako ng text message mula sa actor-politician na si Alfred Vargas ngayong Lunes ng umaga, Disyembre 1, 2025.

Naka-attach ang reminder sa kanya na sa araw na yun ay ang delivery ng 40 pots na poinsettias sa tahanan ng namayapa niyang talent manager na si Lolit Solis.

Ang text niya sa akin, “Remembering Nay Lolit today.”

Medyo senti si Alfred dahil noong mga nakalipas na taon ay assignment niya ang pagdadala ng poinsettias sa bahay ni Manay Lolit.

“Hindi ko na matatanggap yung tawag niya na super saya niya,” bahagi pa ng text sa akin ni Alfred.

Tinatawagan daw kasi siya ni Manay Lolit pagkatanggap ng mga halaman.

Gustung-gusto raw ng namayapang manager na namumulaklak ang poinsettia tuwing Christmas season.

Naalala ko pa noon na naiinis si Manay Lolit dahil every year daw siyang may poinsettia, pero namamatay pagkatapos ng holiday season.

Wala raw talaga siyang green thumb, dahil hindi tumatagal ang mga halaman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alfred Vargas managed by Lolit Solis 21 years without contract

ANNUAL CHRISTMAS GIFT FROM MANAY LOLIT'S ALAGAS

Ako ang naatasan niyang mag-remind sa mga alaga niyang artista kung ano ang gusto niyang matanggap sa Pasko.

Taun-taon yan, pare-pareho ang hinihinging pamasko ni Manay Lolit mula sa mga alaga niya.

Mga isda at alimango mula kay Gladys Reyes; turkey mula kay Amy Austria, at ganundin sa mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado; iba’t ibang prutas kina Christopher de Leon at Sandy Andolong; lechon mula kay Lorna Tolentino, Pauleen Luna, at ilang kaibigang pulitiko; cellphone mula kay Paolo Contis, at datung mula sa ibang alaga.

Di ba, Sir Noel Ferrer, guava salad naman sa iyo?

Read: Ryan Bang and Paola Huyong spotted at Hola, Escolta street fest

NOEL FERRER

Tradisyon na rin kasi kay Manay Lolit Solis na pagtuntong ng “ber” month ay nagsisimula na siyang magpadala ng regalo sa mga alaga niya, kaibigan, at katrabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Madalas ay ham, cheese o alak ang ipinapadala niyang regalo na maaga pa lang ay pinaghahandaan na niya.

Kaya may mga nagpo-post na sa kanilang social media account ng ang aga raw nilang natatanggap ang Christmas gift mula kay Nay Lolit.

Kaya inaagahan ni Manay Lolit ang pagpapadala ng regalo para pagdating daw ng December ay tanggap na lang siya nang tanggap ng mga regalong gusto niyang matanggap.

Kaya ibang-iba ang Pasko ngayon sa mga alaga niya kung saan ipagdiwang nila ang Paskong walang Nay Lolit na nangungulit sa kanila ng Pamasko.

Nakaka-miss talaga si Nay Lolit!

Pero what do we make of Christmas this year? Ang daming kaguluhan.

Hinihintay kung may mapapanagot at makukulong sa isyu ng korapsyon.

May balitaktakan kung kaya ba talaga ang PHP500 na Noche Buena.

Paano kaya ang Paskong Pinoy? Ano kaya ang impact nito sa showbiz?

Mas magiging generous kaya ang mga tao?

Lalabas kaya ang mga tao at gagastusan ang mga pelikula sa Kapaskuhan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana naman, sa kabila ng napakarami nating binubunong isyu sa personal man o sa bayan, maramdaman pa rin talaga natin ang Kapaskuhan!

Read: Atom Araullo finally confirms he’s in a long-term relationship

JERRY OLEA

Ang saya ng kuwentuhan natin with Manay Lolit Solis sa huling birthday lunch niya noong Mayo 21, 2025 sa Oriental Palace restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Ang daming pagbabalik-tanaw na no holds barred, pero off the record siyempre.

Naihimutok pa ni Manay Lolit na hindi na siya nagpa-Christmas decor noong Disyembre 2024 dahil pakiwari niya ay hindi na siya aabutin ng Pasko.

Ngayong 2025 ay binalak niyang magpalagay na muli ng mga palamuting pamasko. Kaso, pumanaw na siya noong Hulyo 3.

Read: Vicki Belo, Hayden Kho spoil Eman Bacosa with new training gear

FRIENDS FROM SHOWBIZ THAT WE WILL MISS THIS CHRISTMAS

Siyempre pa, naaalala rin natin ang iba pang malalapit na kaibigan na may pa-party kung Kapaskuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Tito Dougs o Douglas Quijano ay may traditional Christmas party, na ginawa niya afterwards na Valentine party.

Si Direk Maryo J. de los Reyes naman ay may traditional New Year party.

Yumao si Tito Dougs noong Hunyo 13, 2009, samantalang sumakabilang-buhay si Direk Maryo noong Enero 27, 2018.

MMFF 2025 OMNIBUS TRAILER

Ngayong Disyembre 1 ay naglabas na ng omnibus trailer ang Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa walong official entries ng 51st MMFF na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, Call Me Mother, Unmarry, Love You So Bad, Bar Boys: After School, Manila’s Finest, Rekonek, at I’m Perfect.

Bahagi ng pahayag ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Overall Chairman Don Artes: “Panahon na naman ng Kapaskuhan! At panahon na naman ng taunang pagdiriwang kasama ang Metro Manila Film Festival.

“Sa ika-51 edisyon ng MMFF na may temang ‘A New Era for Philippine Cinema,’ walong de kalidad na pelikula ang handog natin para sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mga kuwento ng pamilya, pag-asa, pagmamahal, katapangan, kabayanihan, pagtanggap, at pakikipag-kapwa ang ating mapapanood.

“Mga obrang tunay na sumasalamin sa ating pagka-Pilipino na ating maipagmamalaki hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo!”

Read: Chie Filomeno spotted with rumored boyfriend Matthew Lhuillier

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician Alfred Vargas turns sentimental as he recalls sending poinsettia plants to the home of his late manager Lolit Solis every Christmas: “Hindi ko na matatanggap yung tawag niya na super saya niya.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results