PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kumusta sa takilya ang Gabi ng Lagim at Salvageland?

KMJS' Gabi ng Lagim The Movie, naka-PHP9.4M na?
by PEP Troika
Published Dec 1, 2025
jillian gabi ng lagin richard salvageland
(Left) Jillian Ward in a scene from KMJS' Gabi ng Lagim The Movie; (right) Richard Gomez returns to the big screen via Salvageland.

GORGY RULA

May mga lumalabas na post sa social media na sa loob ng tatlong araw na showing ng KMJS’s Gabi Ng Lagim The Movie sa mga sinehan ay kumita na raw ito ng PHP9.4M.

Hindi naman official na statement iyon mula sa GMA Pictures. Wala kaming ideya kung saan ang source.

Kinulit namin ang aming reliable source kung totoo ba ang lumalabas na figures.

Read: Ryan Bang and Paola Huyong spotted at Hola, Escolta street fest

Ayon sa aming pagtatanong, as of Saturday, November 29, 2025, ay naka-PHP5.7M na raw ito. Okay na rin yun.

Pero ang target daw ng production ay maka-PHP80M ang KMJS’s Gabi Ng Lagim The Movie sa buong run nito.

Marami naman silang naka-schedule na block screenings.

Pero ayon sa ilang mas nakakaalam sa takbo ng mga pelikulang ipinalabas sa takilya, baka maka-PHP25M o PHP28M ito.

kmjs' gabi ng lagim the movie
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JESSICA SOHO THEATER TOURS

Ang sipag nga ni Ms. Jessica Soho na mag-ikot sa mga sinehan, pati ang ilang stars ng pelikula.

Ang dami raw palang fans ni Ma’am Jessica dahil talagang nagtitilian ang mga tao kapag nagti-theater tour siya.

Nakasabay ng Gabi ng Lagim ang isa pang local film, ang Salvageland ng Rein Entertainment at Viva Films. Bida rito sina Richard Gomez at Elijah Canlas.

Mas mababa raw ang kinita ng Salvageland kung ikukumpara sa horror trilogy ni Jessica Soho.

Read: REVIEW: KMJS’ Gabi ng Lagim serves up a chilling buffet of scares

NOEL FERRER

Maganda ang feedback sa Salvageland starring Richard Gomez, Elijah Canlas, and Mon Confiado.

Puwede raw ihanay sa Hollywood films kung kalidad ng pelikula ang pagbabasehan.

Sa nadaluhan naming block screening ng Salvageland, marami ang nagsasabing dapat na magka-part two ito.

“Kinakalabit ko ang mga kaibigan natin sa CMB, kung ano parang sagot na yata nila yung part two.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May producer na yata kami sa part two,” napangiting pakli ng direktor at producer ng pelikula na si Lino Cayetano.

May mga nakatakdang screening ang Salvageland sa ilang international film festivals.

Nagkaroon ito ng premiere noong November 12 sa Oltre Lo Specchio Film Festival sa Milan, Italy.

Sabi pa ni Direk Lino: “Isa sa mga gusto namin adbokasiya talaga ay maipakita natin sa mga kababayan nating Pilipino na alam natin may utang tayo sa kanila.

“Alam natin na patuloy nating pagandahin ang kalidad ng trabaho natin na mahal natin. Pero alam din natin na budget man, oras, galing, talino, gusto nating sabayan yung mga napapanood nila sa Korea, sa America.

“Lahat tayo mismo dito, alam natin, dahil sa iba’t ibang departamento alam natin na ang pagkukulang minsan, oras… ahh oras at panahon, minsan budget, minsan communications.

“Kung ano man yun, kahit papaano, palagay ko ang nagawa nating pelikula may konting ambag dun sa pagpapakitang gilas sa ating mga kababayan na hinihila natin pabalik para manood ng pelikulang Pilipino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki nilang kayang sumabay ng Salvageland sa Hollywood films.

“Ganundin sa mga cinemas, di ba?” pakli ni Direk Lino.

“Iba ang kalidad ng Pinoy, iba ang kalidad ng banyaga. Pero kapag ang cinema na-calibrate natin nang maayos… meron ding mga proseso, may mga hakbang na kailangan nating gawin.

“Kasi pag pinanood sa ibang cinema ito, Mission: Impossible, Salvageland, pareho yung kalidad ng sound, umiikot e,” tugon ng producer at director ng Salvageland.

Read: 41st Star Awards for Movies: Vilma, Aga, Dennis win top acting prizes

salvageland poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Maaga pa lang ay ang laki na ng kinita ng Wicked: For Good sa advanced ticket selling.

Hanggang ngayon ay malakas pa rin, at sumunod pa ang Zootopia 2!

Noong Nobyembre 29, Sabado, lang ay naka-PHP20M ang Wicked: For Good, at ang Zootopia 2 naman ay naka-PHP15.2M.

Kaya nilampaso pa rin ng Hollywood films na ito ang mga nag-showing na local films.

As of Sunday ay naka-PHP246M na ang Wicked: For Good sa Pilipinas, at puwede pa nitong sagasaan ang mga nakatakdang mag-showing sa December 3.

Ayon sa Box Office Mojo, ang worldwide gross ng Zootopia 2 ay $556.4M na. Ito na ang ika-10 pinakamalakas na pelikula this year.

Kinabog nito ang naunang nag-showing na Wicked: For Good, na so far ay $393.3M ang global gross.

Read: Stray Kids make history again, score 8th No. 1 Billboard 200

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Jillian Ward in a scene from KMJS' Gabi ng Lagim The Movie; (right) Richard Gomez returns to the big screen via Salvageland.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results