JERRY OLEA
Mapagpalaya ang pauga ng Tres Marias sa ikatlo at huling araw ng Pinoy Playlist 2025 musicfest noong Nobyembre 30, 2025, Linggo, sa Zobel de Ayala Recital Hall ng BGC Arts Center, Taguig City.
Ang Tres Marias ay binubuo nina Bayang Barrios, Cooky Chua, at OPM legend Lolita Carbon.
Kabilang sila sa mahigit 50 music artists na nakibahagi sa 8th edition ng nasabing musicfest na ang tema ay “Halo-halo, Sapin-sapin, Sabay-sabay.”
Kasabay ng Tres Marias na nag-perform sa 6:00-6:45 P.M. slot si Mike Shimamoto sa Globe Auditorium, at ang Rubberpool sa Sun Life Ampitheater.
Read: Carla Abellana announces engagement — will a wedding follow soon?
TRES MARIAS REUNION PERFORMANCE
Ipinagtapat ng Tres Marias na matagal-tagal na silang hindi nagkikita. Nagkasama-sama lang sila muli dahil sa Pinoy Playlist.
Pagbati ni Cooky sa organizers ng musicfest: “Happy OPM! Nagse-celebrate ng iba-ibang talento every year. So, palakpakan natin sila!”
Matapos kantahin ang "Isa Pa Nga!!!," naghandog sila ng medley na inspired ng kanilang unang concert.
Ani Cooky: “Ito ay series of songs na pagse-celebrate at sinasabi iyong pagmamahal natin sa ating bayan.
“Lagi kong spiel dito, siyempre mahal natin ang ating mga magulang. Mahal natin ang ating partner. Mahal natin ang ating anak.
“Pero puro ganun, e. Dapat ang lahat, e, nagsisimula sa pagmamahal natin sa ating bayan.”
Pag-ayon ni Bayang: “Tama po at lalo na ngayon, ang dami-daming issues na nakakalimutan na iyong pinaka-main…
“Kung mahal natin ang ating bayan, huwag tayong makalimot na magalit. Lalo na ngayon, na sobrang garapalan.
“Garapalan ngayon, di ba? Mga nangyayari.”
Sambot ni Cooky: “OK naman ang magalit, di ba? OK din ang magalit pero kailangang umaksyon.”
“Gawan natin ng paraan yung nangyari sa atin,” sambit ni Lolita.
Dagdag ni Cooky, “Kakanta na kami. Para sa ating lahat, at pakikiisa sa mga nangyayari ngayon sa Luneta at sa EDSA.”
Noong araw na iyon, Bonifacio Day, ay may anti-corruption rally sa EDSA at Luneta.
Read: 41st Star Awards for Movies: Vilma, Aga, Dennis win top acting prizes

"ISANG LAHI"
Pinasimulan na ni Lolita ang pag-awit ng "Isang Lahi" na pinasikat ni Regine Velasquez:
Kung ang tinig mo'y di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing ay laging pabulong
Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y di totoo
May ngiting luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit di natin isabog ang pagmamahal?
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo?
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y
Nandiyan sa palad mo
GORGY RULA
Nag-segue ang Tres Marias sa pag-awit ng "Dakilang Lahi" na kinanta ni Ciara Sotto sa musical na Kalayaan!.
Masigabo ang palakpakan kapagkuwan ng audience.
Intro ni Cooky Chua sa kasunod nilang awit: “Kinanta namin ito noong nagka-rally a few years ago. Sa St. Scho.”
Ang tinutukoy ni Cooky ay ang "Tatsulok" na pinasikat ni Bamboo.
Ang next song nila ay ang "Kapayapaan" ng Tropical Depression, kung saan naki-jam ang mga tao.
TEAM NOEL'S "PASKONG PASASALAMAT"
After ng set ng Tres Marias ay nag-dinner kami sa Denny’s restaurant na malapit sa BGC Arts Center.
Kasunod naming pinanood ay ang 8:00 P.M. na Paskong Pasasalamat ng Team Noel sa Globe Auditorium.
Anim na alaga ni ka-Troikang Noel ang sunud-sunod na umawit ng Christmas songs.
Nauna si Toma Cayabyab with Debonair District ("Paskong Mag-isa"), na sinundan nina Mike Shimamoto ("Kampana"), Kakki Teodoro ("Sa Paskong Darating"), Phi Palmos ("Payapang Daigdig" at "Habang May Buhay"), Vic Robinson III ("Sana Ngayong Pasko"), at Arman Ferrer ("Paskong Walang Hanggan").
Sumunod na kinanta ni Arman ang "Mahiya Naman Kayo" na pinerform din niya sa 48th Gawad Urian noong nakaraang Oktubre 11 sa Teresa Yuchengco Auditorium, De La Salle University, Taft Avenue, Manila.
Ang last number ay ang sama-samang pag-awit ng Team Noel ng "Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko."
Read: 2025 MAMA honor G-Dragon, Stray Kids, Rosé, ENHYPEN amid Hong Kong tragedy

NOEL FERRER
Maganda ang sinabi ni Rachelle Gerodias: “It is always a joy and an honor to be part of this meaningful celebration of Filipino artistry.
“This year felt especially significant and a true full-circle moment having been part of PPMF since its inaugural launch seven years ago with ‘Madly Filipiniana.’
“I am deeply grateful and blessed to now introduce my new group, Tinig Kayumanggi, into the ever-growing Pinoy Playlist Music Festival family.
“To everyone behind the Pinoy Playlist Music Festival 2025, thank you for being our steadfast partners in our advocacy to keep our rich musical heritage alive and to share the beauty of Filipino music with the world.
“Mabuhay ang musikang Pilipino!”
Napakaganda rin ang naging mensahe ng mga Ryan Cayabyab Awardees this year na sina Homer Flores, Lorrie Ilustre, at Apo Hiking Society; pati rin ng mga naging guests sa mga PPMF Conversations on Outliving The Uso (Longevity in the Phil. Music Scene), Music As Medicine, AI Updates, at Writing OPM, Writing the Nation tungkol sa mga libro sa Musikang Pilipino.

Tuluy-tuloy lang tayo sa paglinang ng sining at musika natin upang higit pang mapalaya at mapaunlad ang ating bansa!
Read: ICC rejects former President Duterte’s appeal for interim release
