PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo San Juan, nagulat sa laki ng role sa Happy Homes

Ilang local films, ipalalabas bago ang MMFF 2025.
by PEP Troika
Published Dec 3, 2025
angeline quinto carlo san juan happy homes
Carlo San Juan on his role in Ang Happy Homes ni Diane Hilario: "Sobrang happy na nagulat na ganun nga. Nung nagsu-shoot ako, parang ano lang, e… half of it parang naisip ko, okay, cutie-cutie. Ganun nakuha ni Angge. Pero nung mga kalahati na ng shooting days ko, wait, teka... Parang naging seryoso ito, e. Ayun!" With Carlo in this photo is the movie's lead star, Angeline Quinto.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Malapit na ang 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), pero may local films pang magso-showing hanggang sa susunod na linggo.

Ngayong Disyembre 3, 2025, Miyerkules, ang first day of showing ng pelikulang Ang Happy Homes ni Diane Hilario na pinagbidahan ni Angeline Quinto; ang Jackstone 5, na tungkol sa masayang kuwento ng mga magkakaibigang matatandang bading; at ang musical na Nasaan Si Hesus? na exclusive sa SM Cinemas.

Read: Netizens react to Kim Chiu's 2024 feng shui video on robbery, betrayal

CARLO SAN JUAN'S IMPorTANT ROLE IN ANG HAPPY HOMES NI DIANE HILARIO

Ang isa sa cast na masaya at excited sa Ang Happy Homes ni Diane Hilario ay ang Sparkle hunk na si Carlo San Juan.

Ginagampanan ni Carlo ang papel na si Joshua na kinupkop ni Diane (Angeline) sa tahanan habang nagtatago ito sa mga kapulisan.

Siya ang naging mitsa ng pagkakagulu-gulo ng mga kasamahan ni Diane sa Happy Homes compound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat si Carlo nang napanood na ang kabuuan ng pelikula. Lumaki ang karakter niya.

Natuwa siya at nagpasalamat na sa kanya ipinagkatiwala ang role.

“Sobra! Nung nakita ko na sa screen na parang, ‘Wow, eto na pala yung ginawa ko,’” napangiti niyang sambit nang nakapanayam namin sa advance screening ng Ang Happy Homes ni Diane Hilario.

Sabi pa ni Carlo: “Akala ko… kaya totoo yung sinabi ni Direk na parang tinago niya yung pagkakatagpi-tagpi. Hindi siya yung parang mape-preempt mo na kung ano yung mangyayari.

“Like ako nga, hindi ko alam na magiging ganun pala ka-important yung role ko.”

Kaya sobrang tuwa at ipinagmamalaki niya ang pelikulang ito, dahil may mga nagko-comment pang parang leading man na rin siya rito ni Angeline.

“Ahh, yun! Sobrang happy na nagulat na ganun nga. Nung nagsu-shoot ako, parang ano lang, e… half of it parang naisip ko, okay, cutie-cutie. Ganun nakuha ni Angge.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero nung mga kalahati na ng shooting days ko, wait, teka... Parang naging seryoso ito, e. Ayun!

“Ang galing e. So wala, I have nothing to say but to be grateful. Ayun!

"Kasi sobrang grateful ako sa management ko, sa co-actors, kay direk na binigay sa akin yung ganung role.

"And ayun! Nakaya ko din pala gawin yung mga ganun,” sabi pa ni Carlo.

Read: Kim and Lakam Chiu’s memorable moments in 2025 before their legal battle

happy homes ni diane hilario poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sa nakaraang premiere night ng Jackstone 5, akala ng iba ay isa ito sa official entries sa darating na 51st Metro Manila Film Festival.

Masaya ang pelikula at hindi naman daw kailangang seryosohin, sabi ng direktor nitong si Joel Lamangan.

Pero sa totoo lang, sabi ng isa sa mga bida na si Eric Quizon, seryoso ang tema ng Jackstone 5 kahit pawang kagagahan lang ang ginawa nila rito.

Tinatalakay kasi sa pelikula ang kuwento ng pagkakaibigan at pagpapahalaga sa pamilya.

Ani Eric: “Ang pinag-uusapan talaga sa pelikula is friendship. Lahat tayo meron tayong mga kaibigan, and then of course isa sa amin may pamilya kami.

“So, it talks about family as well. Mas maano pa dun, yung relasyon ng bawat isa. So, I think… and then OFWs pa.

“Gaano karami…. ilang milyon ba ang mga Filipinos na nakatira abroad? So I guess maraming makaka-relate sa movie na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The movie is actually for the whole family, not just for the LGBTQ community.”

Napagtanto pa ni Eric sa pelikulang ito kung gaano kahalaga sa kanila ngayon ang tunay na pagkakaibigan.

“Like I said, ako, of course sinasabi ko sa sarili ko na ngayong tumatanda na ako, ngayon ko lang na-realize yung value ng friendship. Yung value ng pagkakaibigan.

“Kasi sila itong mga ito, sila yung mga puwede mong puntahan o sandalan, o takbuhan sa dark times, o even yung masasayang panahon. And of course family. At the end of the day, family mo yan.

“You treat your friends as family, at ang babalikan mo, pamilya,” sabi pa ni Eric.

Read: WHAT PEP KNOWS: No reconciliation between Ryan Bang, Paola Huyong

eric quizon jackstone 5
Eric Quizon in Jackstone 5
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Showing na rin today exclusively sa mga sinehan ng SM ang musical na Nasaan si Hesus?.

Tampok dito sina Janno Gibbs, Rachel Alejandro, Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, Marissa Sanchez, Salome Salvi, Via Antonio, Chloe Jenna, Cecil Paz, Bembol Roco, at Jerald Napoles.

Sa Disyembre 10 naman ang playdate ng musical drama film ni Gladys Reyes na The Heart of Music, kung saan mala-Kirara ang kanyang hairstyle.

MMFF 2025 PARADE OF STARS

Sa Disyembre 19, Biyernes, ang 51st MMFF Parade of the Stars.

Movie-themed floats will assemble at Macapagal Boulevard at 1:00 P.M.

The parade will travel through Buendia Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, JP Rizal Street, A. Reyes Avenue, and will end at Circuit Makati.

It will run for 1 hour and 40 minutes and will cover a distance of 8.4 kilometers.

mmff 2025 parade route
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The audience will have the chance to meet and greet with the stars, followed by a program and performances at Circuit Makati.

Motorists are advised to avoid the route of the parade and plan their trips accordingly to avoid inconvenience.

The Parade of the Stars, a prelude to the MMFF's nationwide screening, will showcase the stars and floats of the eight official film entries: Call Me Mother, Rekonek, Manila’s Finest, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, I’m Perfect, Love You So Bad, Unmarry, and Bar Boys: After School.

Special thanks are extended to this year's MMFF sponsors: the City of Makati, Philippine Airlines, Pru Life UK, Playtime Entertainment, Philippine Charity Sweepstakes Office, and Film Development Council of the Philippines.

The beneficiaries of the MMFF include organizations in the film industry: the Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), the Film Academy of the Philippines, the Motion Picture Anti-Film Piracy Council, the Optical Media Board, and the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 41st Star Awards for Movies: Vilma, Aga, Dennis win top acting prizes

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo San Juan on his role in Ang Happy Homes ni Diane Hilario: "Sobrang happy na nagulat na ganun nga. Nung nagsu-shoot ako, parang ano lang, e… half of it parang naisip ko, okay, cutie-cutie. Ganun nakuha ni Angge. Pero nung mga kalahati na ng shooting days ko, wait, teka... Parang naging seryoso ito, e. Ayun!" With Carlo in this photo is the movie's lead star, Angeline Quinto.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results