PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Ashley, lumalim at lumawak ang acting range paglabas ng PBB

Will Ashley, aminadong naapektuhan pa rin minsan ng bashers.
by PEP Troika
Published Dec 4, 2025
will ashley bar boys after school
Will Ashley on handling bashing online: "Siguro hindi na lang po ako talaga nagpapaapekto, kasi nag-focus na lang din po ako… sa dami po ng ginagawa ko ngayon, ayoko na pong intindihin yung mga negative. Kumbaga, dun na lang po ako sa positive, sa tingin ko tamang ginagawa ko, wala naman po akong inaapakan.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ganap nang abogado ang characters nina Carlo Aquino (Atty. Erik Vicencio), Rocco Nacino (Atty. Torran Garcia), at Enzo Pineda (Atty. Chris Carlson) sa MMFF 2025 official entry na Bar Boys: After School.

Andiyan pa rin si Kean Cipriano bilang Josh Zuñiga.

Tampok sa sequel ng Bar Boys (2017) ang bagong law students na kinabibilangan nina Will Ashley bilang Arvin, Sassa Gurl bilang Trisha, at Therese Malvar bilang CJ.

Kasama rin nila sa cast sina Glaiza de Castro bilang Jazz, Emilio Daez bilang Ziggy, Klarisse de Guzman bilang Mae, at si Odette Khan na nagbabalik din bilang Judge Hernandez.

Read: Will, Dustin, at Klarisse tigdadalawa ang entries sa MMFF 2025

bar boys after school cast
Bar Boys: After School cast and production team at the presscon of the MMFF 2025 official entry
Photo/s: Bar Boys Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILL ASHLEY ON SHOOTING BAR BOYS AFTER PBB

Bago pumasok si Will sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition ay nag-audition siya para sa role niya sa Bar Boys: After School.

Paglabas niya sa PBB house ay isinalang siya agad sa shooting ng pelikulang ito.

Ayon kay Will, malaking tulong sa kanya ang mga naranasan at natutunan niya sa loob ng Bahay ni Kuya kaya lalong lumalim ang pag-arte niya sa mga mabibigat na eksenang ipinagawa sa kanya.

Kapansin-pansin ang galing ni Will sa eksenang lumabas sa trailer ng Bar Boys: After School.

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

will ashley rocco nacino bar boys after school
Will Ashley and Rocco Nacino in a scene from Bar Boys: After School
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napansin din ito ni Direk Kip Oebanda kay Will nang isinalang na ang Kapuso young actor pagkatapos niyang lumabas ng Bahay ni Kuya.

“Yun nga po ang pinag-usapan namin ni Direk Kip paglabas ko ng Bahay,” pahayag ni Will sa mediacon ng Bar Boys: After School noong Disyembre 3, 2025, Miyerkules ng gabi, sa Matrix Creation Events Venue, Malakas St., Quezon City.

“Nung nagwo-workshop po kami, laging sinasabi sa akin ni Direk na parang lumalim nga raw po ako, lumawak yung range ko.

“Feeling ko rin po, kasi nga ang tagal ko rin po nakulong dun sa Bahay ni Kuya. Ang dami ko rin pong mga realizations.

“Kumbaga, ang dami kong na-improve sa sarili ko. Ang dami kong mga toxic traits na nabitawan, na-improve.

"Malaki po talaga yung natulong.”

Kapapanalo lang ni Will bilang New Movie Actor of the Year sa 41st Star Awards for Movies para sa pelikulang Balota, na idinirek din ni Kip Oebanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito kaya sa Bar Boys: After School ay masungkit ni Will ang Best Supporting Actor trophy ng MMFF?

Read: 41st Star Awards for Movies: Vilma, Aga, Dennis win acting prizes

JERRY OLEA

Itong Bar Boys: After School ang isa sa unang ginawa ni Will Ashley pagkatapos ng PBB Celebrity Collab Edition, kung saan siya ang itinanghal na Kapuso Second Big Placer.

Naging sunud-sunod na ang trabaho niya, at nagpapasalamat siya sa opportunites na dumarating sa kanya.

Kaya dito raw muna siya trabaho mag-focus, saka na ang lovelife.

Sabi ni Will: “Lagi ko nga pong sinasabi, focus talaga ako sa work.

"Lalo na po ngayon, kalalabas lang namin ng Bahay ni Kuya. Napakarami pong opportunities na pumapasok.

“As much as I want, gusto ko pong makapagpatayo ako ng bahay, makapagpatayo ako ng business.

“Gusto ko pong mabigyan ng magandang buhay yung family ko, yung mom ko, saka yung sarili ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko po talaga mag-work to entertain other people, mag-inspire. Yun po yung focus ko ngayon.”

Hindi raw siya makapaniwala hanggang ngayon sa dami ng ginagawa niya at sobrang puno ng schedule niya.

Bukod sa magiging abala siya sa promo ng dalawang pelikula niya sa MMFF 2025, Bar Boys: After School at Love You So Bad, may ginawa pa silang PBB ex-housemates na series, ang The Secrets of Hotel 88.

Read: WHAT PEP KNOWS: Did Ryan Bang and Paola Huyong reconcile?

FROM SUPOORTING ROLES TO LEAD ROLES

May narinig din kaming sisimulan niyang drama series sa GMA-7, na ang dinig namin ay hinahanapan daw siya ng swak na leading lady.

Dati ay pag-support-support lang si Will. Ngayon ay siya na mismo ang nagdadala ng isang pelikula at bibidahin na.

“Sobrang nakaka-shock pa rin po talaga yung mga pangyayari. Kasi sobrang biglaan po, e,” sabi ni Will.

“Nagulat lang din po ako na paglabas ko, wow! Ganun na yung naging takbo ng karera ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But at the same time, kapag binabalikan ko naman yung mga araw, mga taon na ginugol ko para sa pag-abot kon nga ng pangarap ko, sinasabi ko naman po na kahit papano worth it naman talaga siya.

“Nakakatuwa po, ang mga pangarap ko lang dati, unti-unti na pong natutupad ngayon.”

Read: Netizens react to Kim Chiu's 2024 feng shui video on robbery, betrayal

NOEL FERRER

Hindi nakaligtas si Will Ashley sa mga intriga, at binabangga pa rin siya sa kapwa niya Kapuso at PBB housemate na si Dustin Yu.

Kagaya nitong concert ni Dustin na ikinukumpara pa sa concert ni Will, kahit pareho namang sold out.

Ipinagkibit-balikat na lang ni Will ang ganung intriga.

Wala naman daw silang isyu ni Dustin na pilit na pinagsasabong silang dalawa.

“Hindi ko po siya nakikita na pinagsasabong, e,” sabi ni Will.

“Kasi pareho naman po kami ni Dustin na may kanya-kanyang talents, may kanya-kanyang skills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, hindi lang naman po ako, or hindi lang naman po siya ang puwedeng gumawa ng concert na yun.

“I think kung ano po yung mga na-achieve ko, na-achieve niya, pareho po namin sinusuportahan yung isa’t isa."

WILL ASHLEY ADMITS BEING AFFECTED BY BASHERS

Matindi rin ang bashing na inabot ni Will sa ilang fans na ayaw sa tandem nila ni Bianca de Vera.

Hindi niya itinangging nakakaapekto sa kanya ang sinasabi ng ilang fans.

Pag-amin ni Will: “Meron pong mga tweets o mga messages na nakakaapekto rin lalo na kung nadadamay na yung pamilya ko.

“Pero at the same time kasi, parang ngayon po pinipili ko na lang yung mga battles ko, e.

“Kumbaga, tinitingnan ko na lang po kung ano talaga yung may mga meaning na sinasabi.

“Kung yung criticism ba sa akin ay makakatulong. O yung mga criticism na sinasabi lang po nila ay nonsense, para lang po talaga ma-bash ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ngayon po, siguro hindi na lang po ako talaga nagpapaapekto, kasi nag-focus na lang din po ako… sa dami po ng ginagawa ko ngayon, ayoko na pong intindihin yung mga negative.

“Kumbaga, dun na lang po ako sa positive, sa tingin ko tamang ginagawa ko, wala naman po akong inaapakan.”

Read: Will Ashley calls out bashers sending him hate; mulls legal move

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley on handling bashing online: "Siguro hindi na lang po ako talaga nagpapaapekto, kasi nag-focus na lang din po ako… sa dami po ng ginagawa ko ngayon, ayoko na pong intindihin yung mga negative. Kumbaga, dun na lang po ako sa positive, sa tingin ko tamang ginagawa ko, wala naman po akong inaapakan.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results