PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN, paano makakaapekto sa GMA-7?

ASAP at Batang Quiapo ng ABS-CBN, posible bang mapanood na rin sa GMA-7?
by PEP Troika
Published Dec 4, 2025
tv5 abs-cbn gma-7 network war
With the impending termination of the content partnership between TV5 and ABS-CBN, many are now wondering whether this development will have any impact on GMA-7, which currently maintains its own collaboration with the Kapamilya network.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Ang saya makipagtsismisan sa ilang taga-GMA-7 pagkatapos pumutok ang isyung pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN sa kanilang content partnership.

Naglabas ng statement ang ABS-CBN kaugnay rito, at naging paksa ng tsismisan namin ay ang sinabi sa statement nila na: “We know we have obligations to fulfill, and we’re working as hard as we can to honor them.

“But whatever happens, our service to you will continue. We will find ways to reach you, just as we found our way back to you after losing our franchise.”

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

ABS-CBN statement on TV5's storngly worded demand
ABS-CBN statement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE KAPAMILYA SHOWS TO BE AIRED ON GMA-7?

Siyempre, yung sinasabi ng ABS-CBN na “we will find ways to reach you” ay puwedeng sa GMA-7 nila ilagay ang iba nilang programa, kagaya ng ginawa sa It’s Showtime at ang collaboration nila sa Pinoy Big Brother.

May pahiwatig na ring collab ang ABS-CBN News at GMA Integrated News.

Posible kaya na ang ASAP Natin ‘To ang ipapalit sa All-Out Sundays, na hindi talaga umaalagwa ang ratings?

Matagal nang usap-usapang sisibakin na itong Sunday musical-variety show ng Kapuso Network, kaya tuloy kumalat ang tsismis na papalitan ito.

Hindi kaya ang ASAP na ang papalit dito?

Pawang haka-haka pa lang naman yan. Kaya abangan natin kung ano ang susunod na magaganap.

Read: Who is Dr. Reginald Santos, rumored fiance of Carla Abellana?

NEW SHOWS OF TV5

Pero mas pursigido ngayon ang TV5 sa bagong shows na prinodyus na ng MQuest Ventures, at ang iba ay naka-collab nito ang Viva One at Cignal Play.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilan sa mga bagong programang inilunsad nila sa kanilang trade event ay ang My Bespren Emman, tampok sina Shaina Magdayao at JM de Guzman.

Kasama rin sa cast si Ai-Ai delas Alas, na buong akala nila ay lilipat na ito sa Kapatid network.

Read: Ai-Ai delas Alas, pinayagan ng GMA-7 gumawa ng project sa TV5

Mga cutie boys ng TV5 ang bida sa Magic Boys na kinabibilangan nina Baileys Acot, Kych Minemoto, Joao Constancia, at Dylan Menor.

Magbabalik-acting si Ryan Agoncillo sa The Good Doctor, na pinagbibidahan ni Iñigo Pascual.

Nakakamangha rin ang trailer ng A Secret in Prague na pagsasamahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.

Susubukan ang tambalang Dylan Menor at Jayda Avanzado, kasama si Marco Gallo, sa Project Loki.

Masaya rin at riot ang pagsali ni Rufa Mae Quinto sa Tik Talks ni Korina Sanchez-Roxas kasama sina G3 San Diego, PatP Daza, at Alex Calleja.

Nasa TV5 na rin si Mr. Johnny Manahan, kaya malaki ang magagawa nito sa pagbabalik ng kanilang artista search na Artista Academy, kung saan ka-collab nila rito ang Viva Studio Production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Host dito si Julia Barretto, at nagsisimula na silang magpa-audition.

May naka-schedule na audition sa Robinsons Laguna sa December 6, at sa Gaisano Grand City Gatemall Davao naman sa December 13.

Bukas ito sa lahat ng mga artistahin at talented na boys and girls edad 15 hanggang 24.

Read: Johnny Manahan signs with TV5; leads new artist center

NOEL FERRER

Sa tono ng press statements, hindi ko maiwasang magtanong.

1. Kung nasasabing kumikita na ulit ang ABS-CBN, bakit hindi naging priority ang pag-settle ng bayarin nila sa TV5? May inuuna bang iba?

2. Hindi rin natin masisi ang TV5 na balita rin nati’y nagda-downsize din sa manpower kahit konti na lang sila because cash flow has been compromised diumano with ABS-CBN’s non-payment. At balita nati’y kahit na mag-lapse at mag-terminate ng agreement contract, kailangan pa ring bayaran ng ABS-CBN ang responsibilidad nito.

3. Katulad ng nangyari sa It’s Showtime, hindi kaya sa GMA-7 lilipat ang ASAP at FPJ’s Batang Quiapo? Mas cost effective kaya yung move na yun? Paano rin kaya ang kahihinatnan ng GMA Creatives kung mangyari man ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

4. 'Nga pala, ano na ang nangyari sa Magandang Buhay — na nang mawala sa pag ere sa TV5, e, pawang mga replay na ang ipinalalabas?

Nalulungkot ako sa mga galawang ito sa TV.

Sana, patuloy pa rin ang tulungan at pagtawid ng networks na hindi nakamamatay.

Read: TV5 understands ABS-CBN's situation, but it has "to pay what is due"

JERRY OLEA

Malaking challenge sa TV5 at MQuest na mapalakas ang Kapatid Network sa pamamagitan ng mga bagong programang ilulunsad nila.

Bumababa pa naman ngayon ang viewership sa telebisyon.

Karamihan ay sa cellphone, tablet, o streaming na lang sila nanonood kaya kapansin-pansin ang pagbaba ng ratings ng mga programa sa TV.

UPCOMING SHOWS

Nakatakda na ring ilunsad ng GMA-7 ang mga bago nilang programa. Pero mas pinapalakas nila ngayon ang kanilang Afternoon Prime.

Maganda ang performance sa ratings ng Cruz vs. Cruz, pero mas pinapaganda raw ang mga susunod nilang ilulunsad na afternoon drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya ng Apoy sa Dugo nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio kasama si Ashley Ortega. Marami raw ni-reshoot dito para mag-swak sa afternoon drama.

Nagsisimula na rin ang isang musical-drama na Born to Shine na pagbibidahan ni Zephanie.

Kasama rin daw rito si Vina Morales kaya tiyak na tatapusin muna ang Cruz vs. Cruz bago ito iere.

Ang latest, tuluy-tuloy pa rin ang Sang’gre at baka hanggang April 2026 pa raw ito umere.

Read: Apoy Sa Dugo, pang-primetime dapat pero nilipat sa panghapon?

MONEY ISSUES

Haist, pineapple juice na dinagdagan ng maraming yelo!!!

Nakaka-dampen ng Christmas spirit ang mga usapin kaugnay sa pera ngayong first week of December.

Putok na putok ang PHP500 na fantastic noche buena ni DTI Secretary Cristina Roque.

Read: Celebrities react to DTI's PHP500 Noche Buena budget

Disyembre 2, Martes, kinasuhan ni Kim Chiu ng qualified theft ang kanyang kapatid na si Lakam.

“Substantial amounts” ang sangkot dito, na ang haka-haka ng ibang netizens ay humigit-kumulang PHP300M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakatandaan, haka-haka pa lamang ang amount na iyan.

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

Ngayong Disyembre 4, Huwebes, inamin ng ABS-CBN na ang termination ng TV Content Supply Agreement nito sa TV5.

Sa media reports ay halos PHP1B daw ang dine-delay bayaran ng Kapamilya Network.

Pinabulaanan iyon ng ABS-CBN at ang sabi, “The amounts and manner of the claims remain disputed.”

You can have corned beef!!! You can have fruit salad!!! And you can make pansit!!!

Nasa diwa rin natin ang male-maletang pera na kinurakot sa flood control projects.

IT'S SHOWTIME 16TH ANNIVERSARY

At any rate, ipinagdiriwang ng It’s Showtime ang kanilang 16th anniversary sa pamamagitan ng pamimigay ng PHP1M jackpot prize araw-araw sa segment na "Laro Laro Pick."

it's showtime laro-laro pick
Vice Ganda and Vhong Navarro with "Laro Laro Pick" contestants.
Photo/s: It's Showtime Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ang paghahatid-inspirasyon, pagbibigay-saya at ayuda ng kinagigiliwang noontime show sa bansa sa kanilang anibersaryo.

Para sa week-long anniversary celebration, ilang solid Showtimers at mga biktima ng mga nagdaang bagyo sa Cebu at Negros ang bida bilang players ng "Laro Laro Pick."

Araw-araw, may pagkakataon silang manalo ng PHP1M na puwedeng magbago ng kani-kanyang buhay.

Read: PEP OUTTAKES: The boy who never enjoyed Christmas parties

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With the impending termination of the content partnership between TV5 and ABS-CBN, many are now wondering whether this development will have any impact on GMA-7, which currently maintains its own collaboration with the Kapamilya network.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results