PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

I'mPerfect, naka-focus ang promo sa mga bida na may Down syndrome

Sylvia Sanchez, balak magpatayo ng diagnostic center para sa may Down syndrome.
by PEP Troika
Published Dec 4, 2025
earl amaba krystel go i'm perfect
Earl Amaba (left) and Krystel Go (right) portray the love story of two individuals with Down syndrome in I’mPerfect, an official entry to the 2025 Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Nathan Studios Inc. Facebook

GORGY RULA

Isinama ni Sylvia Sanchez ang cast ng pelikulang I’mPerfect na may mga Down syndrome nang in-announce ang apat na finished films na pasok sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).

Unang tinawag ang I’mPerfect na entry ng Nathan Studios ng pamilya Atayde, sa pangunguna ni Sylvia.

Tinatalakay ng pelikula ang kuwento ng pag-iibigan nina Jiro (Earl Amaba) at Jessica (Krystel Go), na parehong may Down syndrome o trisomy 21 — isang genetic disorder na resulta ng pagkakaroon ng extra chromosome.

Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller

EARL AND KRYSTEL DELIVER OUTSTANDING PERFORMANCES

Nakakagulat sina Earl at Krystel dahil talagang nakakaarte sila at malaking bagay ang pagkakaroon nila ng Down syndrome.

Naipakita nila sa I’mPerfect ang tunay na nararamdaman ng mga kagaya nilang may Down syndrome sa iba't ibang sitwasyon.

Hindi puwedeng hindi ka maiyak sa pelikula, lalo na’t marami sa atin ang merong miyembro ng pamilya na may Down syndrome. Tiyak na maraming makaka-relate dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ipinaliwanag ni Sylvia, na kasama rin sa cast, na sinaliksik muna nila ang tunay na pagkatao ng isang may Down syndrome.

Marami raw matututunan sa pelikula at mauunawaan mo ang mga taong may ganitong kalagayan.

Ayon pa kay Sylvia, bago sinimulan ang I'mPerfect, nakipag-ugnayan muna ang Nathan Studios at si Direk Sigrid Andrea Bernardo sa ilang organisasyon — kagaya ng Down Syndrome Association of the Philippines, Best Buddies Philippines, at Special Olympics Pilipinas.

Ito ay para matiyak na tama ang ilalahad nila sa pelikula.

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

Ani Sylvia: “Nakipag-collaborate kami sa kanila, kasi ayaw namin magkamali, ayaw namin mapintasan.

"Hindi kami buung-buong may kaalaman about Down syndrome.

“So from day one, on board na ang tatlong organizations.”

May kamag-anak at mga kakilala raw si Sylvia na merong Down syndrome.

Gusto raw niyang gamitin ang I'mPerfect para lalong makilala at maintindihan ang may ganitong kalagayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya: “Ang nangyari, usapan, meeting. Sinabi ko, 'Bakit?' Sinabi ni Direk, nag-explain lahat kung bakit ito ang movie na ito.

“And after namin nagsalita, ang first question ng mga founder ng organizations, ‘Sylvia, why? Why Down syndrome?’

“Sabi ko, ‘Why not po? May pamangkin ako na may Down syndrome. May pamangkin akong may cerebral palsy, and gusto ko silang ipagmalaki.’

“So, ginamit ko itong pelikulang ito. Ginawa ko talaga, para hindi lang yung pamangkin ko, kundi lahat na mga batang may Down syndrome, autism.

“Isang araw, gusto kong makapunta sila sa mga malls na kahit saan, hindi lilibakin, walang panliliit sa kanila.

“And I hope, ito yung magiging isang malaking platform for them.”

Read: Gerald Anderson admits shortcomings in past relationship with Julia Barretto

JERRY OLEA

Pangako ni Sylvia Sanchez na kung susuwertehin ang I’mPerfect o maganda ang kalalabasan nito sa MMFF 2025, magpapatayo raw sila ng diagnostic center para sa mga may Down syndrome sa District 1 ng Quezon City, na nasasakupan ng anak niyang si Congressman Arjo Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng actress-producer: “Ito lang naman yung reason naming pamilya — gusto namin silang makita, marinig, mapahalagahan, higit sa lahat inclusivity.

“Na after nitong pelikulang ito, kahit papaano, hindi man lahat, pero mag-open ng karamihan ng isip ng mga tao sa mga batang ito.”

Gusto raw ni Sylvia na naka-focus ang promo ng I’mPerfect kina Krystel Go at Earl Amaba; at suporta lang dito sina Sylvia, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Janice de Belen, Joey Marquez, Zaijian Jaranilla, Myke Solomon, Viveika Ravanes, at Joel Saracho.

i'mperfect poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Magandang gauge ang reaksiyon ng mga tao sa I’mPerfect sa kalidad ng pelikulang ito at sa malasakit ng mga gumawa nito sa paggawa ng isang maganda at makabuluhang pelikulang pam-Pasko.

Ngunit interesante ring makita kung naigpawan na ng mga Atayde ang krisis na dinaanan nila sa pagkakasangkot ni Arjo sa flood control scandal —na hinarap at idinenay ng actor-politician sa Independent Commission on Infrastructure (ICI).

Kaya’t see you in the theaters sa I’mPerfect at sa iba pang lahok sa MMFF 2025!

Read: Arjo Atayde maintains innocence in flood-control controversy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Earl Amaba (left) and Krystel Go (right) portray the love story of two individuals with Down syndrome in I’mPerfect, an official entry to the 2025 Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Nathan Studios Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results