GORGY RULA
Hind rin pala ganoon kadali ang pinagdadaanan ng former volleyball star na si Melissa Gohing sa ipinagbubuntis niya ngayong pangalawang baby nila ng aktor na si Rocco Nacino.
Sa nakaraang media conference ng MMFF 2025 entry na Bar Boys: After School, ibinahagi ni Rocco sa PEP Troika ang kalagayan ng kanyang asawa.
Hindi naman daw kasing-hirap ng unang pagbubuntis ng kanyang asawa, pero nagkaroon daw ng eczema si Melissa na nagpahirap din sa kalagayan nito.
Kahit si Rocco ay nanibago rin daw sa pinagdaanan ng kanyang asawa na nakakababa ng self-esteem nito.
Read: Rocco Nacino todo-kayod for 2nd baby boy; wish ding magkaroon ng baby girl
“Ako, bilang parent, naninibago ako sa bagong challenges na pangalawa.
“Ang mga nakikita namin noon, ibang-iba sa nangyayari ngayon,” pakli ng Kapuso actor.
“Siguro para maging more specific, wala na yung mga diabetes o ano. Pero nagkakaroon siya ng eczema.
“Bilang asawa, bilang husband, parang mahirap makita na ganito. Ang self-esteem niya, bumababa.
“Kaya nung ipinalabas yung Lakambini namin, grabe! Nabago talaga yung respeto ko sa babae.”
Mabuti na lang daw at okay na ngayon si Melissa at excited na sila sa panganganak nito sa darating na March 2026.
Wala pa raw silang naisip na ibigay na pangalan sa kanilang pangalawang baby boy.
Read: Rocco Nacino reacts to news that Lovi Poe is now a mother

JERRY OLEA
Kamakailan lang ay dumaan na raw si Melissa sa tinatawag nilang congenital abnormality scan (CAS).
Pagbabahagi ni Rocco: “Better na siya ngayon. Katatapos lang namin ng congenital abnormality scan.
“Tsini-check kung kumpleto ba ang daliri, may putol ba o wala. Kumpleto ba yung spine.
“Thank God, everything’s okay. So, we’re gonna expect a healthy baby boy soon.”
Gusto raw talaga ni Rocco na madagdagan pa sila ng isa pang baby, at sana raw ay girl ito.
Pero depende pa raw ito kay Melissa kung kakayanin pa nito.
“Sa kanya talaga magdedepende iyan. CS [caesarean] kasi e. So, CS ito ulit, let’s see yung pangatlo. Kaya kayod muna.
“Sana magkaroon tayo ng mga leaders na magpapaganda ng sistema natin, para bumaba ang inflation and we all get afford to have a lot of children,” hugot ni Rocco.
Read: Pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN, paano makakaapekto sa GMA-7?
NOEL FERRER
Mga hinaing sa ating gobyerno at ang matinding trahedyang pinagdaanan natin ngayon ang himutok ng ilang cast members ng Bar Boys: After School, pati na ang direktor na si Kip Oebanda, sa kanilang media conference.
Ikinatuwa nila na kasama pa rin si Odette Khan sa sequel nitong Bar Boys, at kumpleto pa rin ang original lead stars na sina Carlo Aquino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, at si Rocco nga.

Kumusta ang adjustment nila kay Odette na medyo mahina na at hirap na ito sa pag-alala ng mga dialogue?

Saad ni Rocco: “Nurse ako so mas madali para sa akin.
"Yung ibang kasama ko, kailangan ko silang i-prep na kinausap ka, kunwari bagong conversation kasi madaling mapikon sa ganyan.
“But that goes to show na isa kaming pamilya. Walang ano… lahat nagtulungan."
Pero sabi naman ni Direk Kip, nagpapasalamat sila dahil nairaos nila ang pelikulang ito na kailangan daw talaga nilang mag-adjust at pag-ingatan ang kalagayan ni Odette.
Ayon kay Direk kip: "lIf you’re working talaga with actors with a certain age, kailangan mo to be caring and to be patient.
"Kasi, di ba? Yung physicality is not there anymore. Doble alaga, doble pag-iingat.
“Kasi, you know, anything could happen on set and it was really just giving her enough time. Enough shoot dates na hindi siya mapapagod sa shoot.
“Alagang-alaga po talaga namin si Mommy O. Kaya rin niya kami love.”
Read: Bar Boys cast and director, reunited sa sequel na Bar Boys: After School
