GORGY RULA
Pinabulaanan ni Zanjoe Marudo ang kumakalat na balitang hiwalay na sila ng asawang si Ria Atayde.
“Wala na akong reaksiyon sa mga ganyan,” napangiti niyang pakli nang itinanong ito sa kanya sa media conference ng MMFF 2025 entry ng Quantum Films at Cineko Productions na UnMarry.
“Napakadami na ng fake news na lumalabas talaga sa YouTube.
“Ang dami nang tumatawag sa akin… 'Totoo ba, totoo ba?'
“Sabi ko, ‘Bakit yan ang libangan niyo?!’
“Tapos kasi, gusto nilang malaman, kasi para ikukuwento nila sa mga kaibigan nila dun na hindi totoo. Hindi totoo!” natatawa niyang pahayag noong Disyembre 5, 2025, Biyernes ng hapon, sa Noctos Bar, Sct. Tuason St., Quezon City.
Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership
FAMILY ISSUE
Pero nang nakausap ng PEP Troika ang Kapamilya actor pagkatapos ng open forum ng UnMarry, sinabi niyang talagang may pinagdaanan sila nang pumutok ang balitang iyon dahil sa hinaharap na isyu ng kanilang pamilya.
In-assume naming ang tinutukoy nito ay ang pagkakadawit ng bayaw niyang si Congressman Arjo Atayde sa isyu ng flood control projects.
Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."
Saad ni Zanjoe: “Hindi naman lingid sa mga tao na may pinagdadaanan nitong mga nakaraang buwan.
“The best way kasi is parang support lang. Yun naman yung mga ipinangako namin sa isa’t isa na, through thick and thin, nandito ako para sa iyo.
“Kumbaga, hindi tayo magdadalawang-isip sa isa’t isa.”
Hindi man sila involved ni Ria sa isyung yun, apektado raw sila dahil talagang nasaktan ang buong pamilya.
“Sa part namin, parang... I don’t think involved naman kaming dalawa.
"Pero siyempre, masakit. Masakit na ang mga mahal mo sa buhay ay naaapektuhan.
“Lahat naman ito, lilipas at magkakaroon ng magandang kapalit, at dapat malalaman din naman talaga kung ano yung nangyari,” sabi ng Kapamilya actor.
Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft
JERRY OLEA
Itong pinagdaanan ng pamilya ay lalo pa raw nagpatibay sa kanilang pamilya, lalo na ang pagsasama nila ni Ria Atayde.
“Actually, we’re okay now. Lahat kami, okay kami. Mas tumibay kami,” sabi ni Zanjoe Marudo sa mediacon ng UnMarry.
“Nakikita namin kung ano yung value… kung hanggang saan namin kayang, kumbaga, kapitan yung isa’t isa.”
Ang nagpapagaan daw ng damdamin at nagpapasaya sa kanilang mag-asawa ay ang pag-aalaga sa kanilang anak.
“Sobrang sarap!” bulalas ni Zanjoe.
“Ayokong ma-miss yung time na ito na ganitong age siya. Ang bilis, e. Napansin ko, sobrang bilis.
“Oh my God! Sa susunod na taon, iba pa rin yung experience. Excited ako sa challenges na haharapin namin.
“I think naman, wala nang katapusan ito.”
Napangiti siya uli nang tinanong kung balak na ba nilang sundan ang baby nila ni Ria at baka sakaling magka-girl na sila.
“Pinag-uusapan na. Sana! Next year. Sana! Ibe-bless pa rin kami,” sey ni Zanjoe.
“Sana, para may boy and girl.”
Read: Carla Abellana announces engagement — will a wedding follow soon?
NOEL FERRER
Nagpapasalamat si Zanjoe Marudo na ginawa niya itong UnMarry.
Ang dami raw niyang natutunan sa kuwento ng pelikula na puwede niyang i-apply sa kanilang buhay mag-asawa.
“Yun! More on nagkaroon ako ng guidelines sa paggawa ng pelikulang ito, dahil alam ko na yung puwedeng pagdaanan ng isang pamilya na medyo nagkakaproblema na maghihiwalay.
“Ang importante siguro sa akin na lesson ay para sa bata. Kung ano ang magiging epekto nito, kung ano ang mangyayari sa anak namin kung umabot kami sa ganung sitwasyon.
“At mahirap magsalita nang tapos na, alam mo yun, lahat ng paraan gagawin ko para hindi kami umabot sa ganun,” sambit ni Zanjoe.
Kasama ni Zanjoe dito sa UnMarry sina Angelica Panganiban, Eugene Domingo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, at Nico Antonio. Introducing dito ang batang si Zac Sibug, at may special participation si Angel Aquino.
Sa ilalim ito ng nagbabalik sa pagdidirek ng pelikula na si Jeffrey Jeturian.

