PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica, from most hated to favorite actress ni Direk Jeffrey

Angelica: "Yan ang sinasabi ko kanina na may mga nagagawa kang hindi ka proud."
by PEP Troika
Published Dec 7, 2025
angelica panganiban jeffrey jeturian unmarry
Direk Jeffrey Jeturian recalls directing Angelica Panganiban for an MMK episode: “Naglalagare siya noon, e. Tapos noong nag-report siya sa set namin, siguro pang-apat o pangatlong araw niya na tuluy-tuloy nagsu-shoot. Pangatlo? Tapos every time na nagbibigay ako ng instructions sa blocking, nakapikit siya. Natutulog!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

There was a time na kabilang si Angelica Panganiban sa mga artistang ayaw nang idirek ni Jeffrey Jeturian.

Isinumpa ng mabait at premyadong direktor ang Kapamilya actress matapos maka-work ito for the first time sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Read: JM Ibarra and Fyang Smith: Built to Take On Showbiz

Sabi ni Direk Jeffrey sa mediacon ng MMFF 2025 official entry na UnMarry noong Disyembre 5, Biyernes ng hapon, sa Noctos bar, Sct. Tuason St., Quezon City: “May time kasi every time tinatanong ako, kung sinong artista ang ayoko nang makatrabaho, si Angelica ang isa sa mga pangalang binabanggit ko.

“Kasi I worked with her sa Maalaala Mo Kaya, pero that was the time na sabi nga niya, maldita pa siya.

“But after working with her sa Playhouse [Setyembre 2018-Marso 2019] at saka dito sa film na ito, siya na ang favorite actress ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong context ng pagsumpa niya kay Angelica matapos itong makatrabaho sa MMK episode?

“Naglalagare siya noon, e,” pagbabalik-tanaw ni Direk Jeffrey.

“Tapos noong nag-report siya sa set namin, siguro pang-apat o pangatlong araw niya na tuluy-tuloy nagsu-shoot. Pangatlo?

“Tapos every time na nagbibigay ako ng instructions sa blocking, nakapikit siya. Natutulog!”

Pag-amin ni Angelica, “Nakatulog ako!”

Dagdag ni Direk Jeffrey, “O, ayun. Kaya ang feeling ko, parang nabastos din ako, di ba? But anyway, past is past na nga.”

Read: Angelica Panganiban cautious about Kim-Lakam legal issue

FROM MOST HATED TO FAVORITE ACTRESS

Ano ang reaksyon ni Angelica na siya na ang favorite actress ng premyadong direktor na si Jeffrey Jeturian?

“Grabe yung favorite. Hindi, kasi noon, ginagawa ko yung Iisa Pa Lamang (Hulyo-Nobyembre 2008),” paliwanag ng Kapamilya actress.

“And then I remember, galing ako ng Batangas, parang Bulacan yung taping namin ng MMK.

“Late na late na akong dumating dahil pagka-pack up ko ng Batangas, hindi na ako umuwi, dumiretso ako ng Bulacan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siyempre yung tulog ko, sa biyahe lang, di ba? Tapos MMK, if I remember, parang tatlong asawa ko yung namatay.

“So buong araw, buong episode ng MMK akong umiiyak. And 11:00 A.M. na ng Thursday, hindi pa rin kami pack-up.

“Tapos bina-block ako ni Direk, talagang nakakatulog na ako! Wala na, tumawid na yung kaluluwa ko sa kabilang dimension.

“Ahhh yeah… yan ang sinasabi ko kanina na may mga nagagawa kang hindi ka proud.

“And noon akala mo, yung paglalagare ay maipapakita mo kung gaano ka kasipag.

“Pero yun pala, nakakabastos ka na ng mga katrabaho mo. So, at least ngayon, may Eddie Garcial Law na tayo.

“Napoprotektahan na ang mga ganoong chances para hindi na tayo makabastos ng mga katrabaho natin dahil sa puyat.”

Dagdag-context ni Direk Jeffrey, “Ang boyfriend niya noon, si Derek [Ramsay].”

Read: Stray Kids, IU win big at 2025 Asia Artist Awards

NOEL FERRER

Masaya si Angelica Panganiban na bawing-bawi na siya sa “kamalditahan” niya noon sa UnMarry director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paborito na siya ni Direk Jeffrey Jeturian, at iyon lang ang mahalaga. Favorite director din niya ito.

“Alam naman niya yun kaya nga nung unang text pa lang niya, parang umikot na yung sikmura ko,” sabi ni Angelica kaugnay sa kanyang comeback movie.

“Na parang, ‘Oh my God, mapapagawa ako ng pelikula!’ — kahit hindi pa nape-present sa akin. Dahil ganoon ko siya ka-love.”

Natawa si Angelica nang i-reveal ni Direk Jeffrey na boyfriend niya si Derek Ramsay noong MMK taping nila.

“Nakakatawa lang,” reaksiyon ni Angelica.

Bukod kay Angelica, nasa cast ng UnMarry sina Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, Nico Antonio, at ang introducing dito na si Zac Sibug.

Read: Zanjoe Marudo, itinangging hiwalay na sila ni Ria Atayde

unmarry cast
Director Jeffrey Jeturian (extreme right) with UnMarry cast members (from left) Tom Rodriguez, Zac Sibug, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, and Nico Antonio.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ang UnMarry ay kuwento ni Celine (Angelica Panganiban) na gustong ipa-annul ang kasal kay Stephen (Tom Rodriguez), at ni Ivan (Zanjoe Marudo) na gustong kontrahin ang annulment proceedings filed by his wife Maya (Solenn Heussaff).

Nagtagpo sina Celine at Ivan sa law office ni Atty. Jackie Lombridas (Eugene Domingo).

HOW TO GET OUT OF A TOXIC RELATIONSHIP

Paano ba umalis sa isang toxic relationship?

“Mahirap, ha? Kasi, hindi mo alam na nandoon ka. Mahirap siyang damahin at kapain,” malumanay na tugon ni Angelica.

“Kasi, of course minsan, in denial ka, e, na it’s really happening sa sarili mo. Na talaga ba? Nasa toxic relationship ako?

“And as much as possible, dahil sa ego mo, hindi mo iyon ie-entertain. Yung ganung klaseng idea.

“Kahit pa sabihin sa iyo ng mga tao sa paligid mo na, ‘Tama na yan! Hindi na healthy yung relationship niyo. Ang taong yan, red flag talaga.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahirap. Ikaw lang din talaga ang kakalas doon sa ganoong klaseng relationship. When you’ve had enough, di ba?

“Yung parang, ‘Ay! Now I know alam ko na. Tama na.’ And anoyun, sinasamahan ng bravery talaga iyon.”

Paano ang healing pag umalis ka sa isang toxic relationship?

“Ang akala ng mga tao, ang healing ay mahirap at nakakatakot na proseso,” sabi ni Angelica.

“But no. Ang healing, ang sarap niyang journey! Na for me, ha, di ba, pag nagkakasakit tayo, tapos alam mong pagaling ka na, tapos ka na doon sa nilalagnat ka, tapos ka na halimbawa kung surgery…

“Kapag nandoon ka na sa healing, kasi, alam mo, patapos na siya. Alam mo it’s only gonna get better.”

Paano niya ginagawa?

“Iba-iba siyempre. Iba-iba sa bawa’t pinagdaanan sa buhay. Iba-iba,” saad ni Angelica.

“Feeling ko, for me, hinayaan ko lang talaga siyang mangyari. Hinayaan ko na iyong experience and iyong time ang gagawa ng paraan para mag-heal na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Just to clarify, yung relasyon ba ni Derek Ramsay, toxic?

Natigilan sandali si Angelica at tila tinimbang na mabuti ang sagot: “Yung sa amin, siguro tulad na nung sinabi ko kanina, meron akong peace ngayon na sobra kong iningatan at patuloy na iniingatan.

“And I really don’t want na mag-comment sa kahit na ano from my past.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Jeffrey Jeturian recalls directing Angelica Panganiban for an MMK episode: “Naglalagare siya noon, e. Tapos noong nag-report siya sa set namin, siguro pang-apat o pangatlong araw niya na tuluy-tuloy nagsu-shoot. Pangatlo? Tapos every time na nagbibigay ako ng instructions sa blocking, nakapikit siya. Natutulog!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results