JERRY OLEA
Nagbida si Lito Lapid sa The Jess Lapid Story na official entry sa 4th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 1978.
Sa pa-Christmas lunch ni Senador Lito sa showbiz media nitong Disyembre 8, 2025, Lunes, sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Quezon City, inusisa ko kung darating ba ang panahong isasapelikula naman ang The Lito Lapid Story.
“Merong nakikiusap sa akin. Siguro, nandidiyan naman si Robin Padilla,” pagsisiwalat ng 70-anyos na actor-politician.
“Kinausap ako, siguro mga last two weeks, last month, na kung puwede gawin yung pelikula ko, Lito Lapid Story.
“Meron siyang isang kaibigan na artistang gusto niyang gumanap na bilang Lito Lapid.
“Sabi ko, ‘Pare, huwag. Sa anak ko yan. Kung hindi man sa anak ko, sa apo ko.’”
Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny
Pagtatapat pa ni Sen. Lito, lahat ng apo niya ay gustong mag-artista.
Dagdag niya: “At nagpapasalamat nga ako, naging idolo ako ni Mark [Lapid], na isang ama rin. Naging idolo nila ako.
“Kaya lang, yun, natutuwa ako dahil nag-aaral sila lahat, e. Dahil matatalino, lalo yung isang anak niya, si Mati.
“Nasa ibang lugar, galing lang sila sa New York. Ayun, nakakuha ng medal. Andami na niyang medal sa pag-aaral niya.”
Kasama ni Sen. Lito sa Christmas lunch ang 46-anyos na anak na si Mark Lapid, na COO ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Wala raw sa balak ni Mark na magbida sa biopic ng ama.
Inaasam ni Sen. Lito na sumunod si Mark sa mga yapak niya bilang senador sa 2028.

COCO MARTIN AS LITO LAPID?
What if hilingin ni Coco Martin na siya ang gumanap sa life story ni Sen. Lito?
"Hindi ako inaano kay Coco. Magpapasalamat ako kung gusto niyang gawin ang pelikula ko, ang istorya ko,” tugon ni Sen. Lito.
“Pero pag-iisipan ko muna. Tatanungin ko muna yung pamilya ko. Kung wala silang balak, baka. Di ba?”
Hindi pa raw iyon hiningi sa kanya ni Coco.
“Ang hinihingi niya, yung style ko bilang isang Lito Lapid. Yung kamukha kong sumuntok,” ani Sen. Lito.
“Ang tanong niya sa akin, ‘Paano bang magkakaroon ng mark din na parang Fernando Poe [Jr.]?’
“Pag sinabing Fernando Poe, pag sumuntok na mabilis, Fernando Poe. Lito Lapid, pag tumalon, nag-slide, style-Lito Lapid.
“Gusto niya, isang ganoon din. Sabi ko sa kanya, ‘Pagsamahin natin,’ dahil ako ang fight director niya, e.
“‘Pagsamahin natin iyan, Fernando Poe at saka Lito Lapid. Baka lumitaw, yung Coco Martin.’”
Read: Pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN, paano makakaapekto sa GMA-7?
LITO LAPID ON COCO MARTIN-JULIA MONTES RELATIONSHIP
Ano ang ibinibigay niyang advice kina Coco at Julia Montes, considering na parang second father na siya ni Coco?
Ano ang reaksiyon niya na very open na sina Coco at Julia sa kanilang relasyon?
“Siguro si Coco naman, kahit hindi kumikibo yan, tumitingin lang,” wika ni Sen. Lito.
“Alam naman niya kung papaano ko minanage iyong aking pamilya. At kung tatanungin mo nga ako at yung mga ano, e, ito pong New Year, itong darating na January 1, e, golden wedding na po namin.
“Golden anniversary naming mag-asawa. Fifty years na po kami… ang loyal ko, ‘no?!” natatawang sambit ni Sen. Lito.
Ano nga ang maipapayo niya kina Coco at Julia?
“Ano lang naman, e. Parang kapatid, pamilya. Siguro… ayoko nang magsalita,” sabi ni Sen. Lito.
“Kasi noong magkasama pa kami ni Coco, halos hindi pa nakikita si Julia noon talaga. E, ngayon, open na sila, hindi kami nagkikita.”
Yung napapabalitang mga anak nila, nakita na niya?
“Hindi. Hindi ko pa nakita. Kaya nga wala akong maano.”
Wala talaga?
“Malihim ako, e!”
Read: Coco Martin says relationship with Julia Montes is going strong
GORGY RULA
Natawa si Mark Lapid nang sabihin ni Sen Lito Lapid na loyal ito sa asawa.
“Ahh oo, very loyal po. Hanggang ngayon naman, e,” sey ni Mark.
“Kaya nga pag tinatanong ako ng nanay ko, e, ‘Ma, 50 years na kayong mag-asawa, hindi ka pa ba sanay?’
“Di ba? Sa mga tsismis, di ba? ‘Hindi ka pa ba sanay sa mga tsismis? Hanggang ngayon, kayo pa rin ang magkasama.’
“We take it lightly compared to the early years. Ngayon, wala na. Lalo na yung mga bata ngayon, asaran na lang kami pag nasa bahay…
“Mga apo na ang nang-aasar, hindi na kami [na mga anak]. What I mean, it’s part ng buhay namin. It’s an open book.
“Public life, kasama na rin po. So, kami naman, hindi naman namin sineseryoso. Kasi, alam naman namin yung totoo.”
MARK LAPID ON LITO LAPID STORY
Inamin ni Mark na pressure sa kanya kung siya ang magbibida sa The Lito Lapid Story.
“Mahirap ho iyon. Kasi, mahirap sumabit sa barracks, ipaikot mo iyong sarili mo,” paliwanag ni Mark.
“And then mahirap tumalon sa ibabaw ng San Juanico Bridge. Mahirap tumalon sa tulay papunta ng train station.
“Mahirap magpakaladkad sa kabayo. I mean, those are the things. Kamukha ho ng sinasabi ng tatay ko kanina, yes, magtatay ho kami.
“But siyempre, hindi ho parehas yung naging path namin sa buhay. Binigyan niya ho kami ng magandang kinabukasan. Pinaaral niya kami.
“At hindi ho namin masyadong nadanasan yung kanyang nadanasan. And I think, those are the challenges na kailangan naming harapin doing The Lito Lapid Story.
“Kaya nga pag nag-uusap-usap kami, kaming magkakapatid pati yung mga apo, I think it would be more collaboration of the old and young generation na pag dumating kami doon.
“But ang point ko po katulad nung nabanggit kanina… kailangang gawin na namin yung istorya niya.
“Kasi while a lot of people can contribute to the story, ahh first-hand experience…
“Of course, ikinalulungkot namin na naisip namin ito noong nangyari kay Tito Jesse Chua, di ba?”
Si Jesse Chua ng Mirick Films ang nagprodyus ng The Jess Lapid Story at iba pang pelikulang pinagbidahan ni Sen. Lito. Pumanaw na ito this year.
Pagpapatuloy ni Mark: “He’s one of the main characters sa Lito Lapid Story during that time. So, we hope magawa po namin as early.
“Plus yung mga detalye with the help of our veteran journalists na showbiz personalities na nandirito.
“And I’m sure Manay Lolit [Solis] sana kung nandiyan pa. May contribution din, di ba? Mother Lily [Monteverde].
“So, ito po iyung mga bagay na... nanghihinayang kami. Kasi, ang kasabihan ho, bakit namin gagawin yung Lito Lapid Story dahil buhay pa nga siya, e.
“Pero ang point namin, para ma-preserve namin yung legacy, yung istorya niya moving forward.
“Sabi ko, mahirap naman kung manghuhula kami ng istorya. And we don’t want to be involved doon sa hindi accurate iyong magiging kuwento. Dapat accurate.”
Read: Angelica Panganiban cautious about commenting on the Kim-Lakam legal issue
NOEL FERRER
Kapag isinapelikula na ang life story ni Sen. Lito Lapid, meron bang ie-edit out sa kanyang journey? Halimbawa, ang kanyang makulay na lovelife…
Napangiting sagot ni Sen. Lito: “Magiging Part 3 tayo diyan. Marami akong naging leading lady.”
NO STUNT DOUBLE
Sinusugan ni Sen. Lito ang sinabi ng anak na si Mark kaugnay sa stunts at action scenes.
Aniya: “Lagi iyang itinatanong sa akin, iyang Lito Lapid Story. Tinitingnan ko sila, ang mga apo ko. Paano gagawin iyung pelikula ko?
“Ang pelikula ko, noong ginawa ko ang Jess Lapid Story, kung saan tumalon ang Jess Lapid Sr., tumalon sa San Pedro, Laguna, doon sa may tulay na may dumadaang tren, doon din ako tumalon.
“Kung saan siya sa ferriswheel, tumalon siya doon, tumalon din ako doon. Kung saan siya bumaba sa bundok, bumaba din ako doon.
“Kaya kung gagawin ang Lito Lapid Story, uulitin yung kay Jess Lapid Sr. na walang dobol.
“Tinitingnan ko nga yung panganay na apo ko, e. Kaya kayang gawin yung Lito Lapid Story nito na walang dobol?
“Kasi pag may dobol, fake na, e. Hindi Lito Lapid iyon, e. Hanggang ngayon, hanggang dito sa Batang Quiapo, may stunt pa rin ako. Kaya kaya ito ng apo ko?
“Pag tinitingnan ko, pag ginawa ito, naaawa ako sa apo ko. Kasi hindi ko papayagan na magpapadobol siya. Kasi hindi magiging totoo.
“At kahit sino pa siguro ang gaganap sa pelikula ko… kung ako ang tatanungin, hindi ko papayagan na magpapadobol siya.
“Dahil yung dinanas ko, yung ginawa nung Jess Lapid Story, nung Jess Lapid Sr., ginawa ko yun. Linive ko yun, ako mismo.
“E, yun pa kayang ginawa ni Lito Lapid mismo? Naging Lito Lapid, nagpakaladkad sa kabayo kung anuman, umikot sa helicopter. Magagawa kaya iyon?
“Ulitin dapat iyon na walang dobol.”
Read: Cho Jin Woong announces retirement from acting amid past misconduct
