PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Lee, sinagot ang isyu sa pagpili ng workshop participants

Ricky Lee: "Sana ay nagtiwala ang lahat na alam ko ang ginagawa ko..."
by PEP Troika
Published Dec 9, 2025
ricky lee scriptwriting workshop
National Artist Ricky Lee addresses circulating allegations following the announcement of the new batch of participants in his scriptwriting workshop: “Sana ay nagtiwala ang lahat na alam ko ang ginagawa ko at na masusi ko itong laging pinag-aaralan bawat hakbang nito."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nobyembre 8, 2025 nang i-announce na babalik na ang libreng scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee.

Ang deadline ng application ay Nobyembre 30, 2025.

Pipili ng 30 participants sa Batch 30 (Disyembre 2025-Marso 2026) at 30 more participants sa Batch 31 (Mayo-Disyembre 2026).

Masaya ang septuagenarian na si Sir Ricky na matutuloy na ang libreng palihan niya na ilang ulit na-postpone.

This time, katuwang pa ang Film Academy of the Philippines sa paghahanda ng materyales.

Read: Ricky Lee, sumigla sa gagawing libreng scriptwriting workshops

Sabi ni Sir Ricky nang makatsikahan ng PEP Troika noong Nobyembre 15 sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City bago ang gala night ng sex-comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, nakita niyang tama ang desisyon niyang ituloy na ang workshop.

“Na-energize ako, e! Sumigla ako! Parang lumakas ako nang doble!” bulalas ni Sir Ricky.

“So yun, gusto ko namang gawin. Masarap namang mag-workshop.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sunod na pagkikita namin ni Sir Ricky ay sa launching ng nobelang Stigma: Mga Batang Poz 2 ni Segundo Matias Jr. noong Nobyembre 28, Biyernes ng hapon, sa JRich Corporate Center, Sto. Domingo St., Quezon City.

At that time ay mahigit 1,000 na ang nag-submit ng application para sa free scriptwriting workshop.

Sabi ni Sir Ricky, dumadagsa ang aplikante sa last day.

Ibinalita rin niya sa amin na ang first session ng Batch 30 ay nakatakda sa Disyembre 14, Linggo ng 1:00 P.M.

Ang kasunod na session ay sa Enero 2026 na.

LIST OF BATCH 30 AND BATCH 31 PARTICIPANTS

Noong Disyembre 7, Linggo ay ini-announce na ni Sir Ricky ang mga napiling participants mula sa 2,617 aplikante.

“Gaya ng dati, bawat batch ay mix ng practicing at aspiring filmmakers mula sa iba't ibang larangan,” ani Sir Ricky sa Facebook post.

Pinasalamatan niya ang selection committee na binubuo nina Agot Isidro, Arvin Belarmino, Dan Villegas, Dustin Celestino, Dwein Baltazar, Giancarlo Abrahan, Guelan Luarca, Ice Idanan, Ma-an Asuncion-Dagnalan, Mac Alejandre, Petersen Vargas, at Sari Dalena.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpasalamat din si Sir Ricky sa assistant niyang si Adelbert Abrigonda, sa ka-Troikang Noel Ferrer, at Paolo Villaluna na director general ng Film Academy of the Philippines.

Pagsisiwalat pa ni Sir Ricky: “Mahigit dalawang daan ang qualified sa mga nag-apply pero di mapagkasya sa limitadong slots, kaya maaaring magsagawa ako ng batch 32, o kaya ay ng isang whole day session sa isang mas malaking venue na gaya ng sinehan, upang mas marami ang ma-accomodate.

“Ia-announce ko ang magiging katuparan ng mga balak na ito early next year. Congratulations uli at kita-kita soon!”

Ang mga napili para sa Batch 30 ng libreng scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee ay sina Angel Tomas; Celeste Lapida; Charlie Vitug; Cristine Reyes; Dodo Dayao; Jerom Canlas; JC Rubio; JC Santos; Jon Galvez; Jonas Ibañez; Jose Elian Idioma; Jose Pascual Arnaldo; Joseph Albert Mangat; Joseph Vitali; Kara Moreno; Kara David; Kenneth Dagatan; King Palisoc; Kyla Romero; Kylie Padilla; Marvic Kevin Reyes; Nour Hooshmand; May-i Padilla; Miko Livelo; Mookie Katigbak-Lacuesta; Noreen Capili; Phi Palmos; Ralph Adriane Ramos; Robert Pagdagdagan Raz; Shaira Santiago; Terence Giourdan Gonzalves; Vahn Pascual; Vincent De Jesus; Wanggo Gallaga; Yani Villarosa; at Yong Tapang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasok naman sa Batch 31 sina Adjani Arumpac; Anne Princess Jayle Kinoc; Arthur David San Juan; Bryan Brazil; Chai Fonacier; Christian Balagoza; Emil Hofileña; Hershey Cristabel Neri; Issa Lopez; Jelou Galang; Joseph Anthony Brillantes; Jules Katanyag; Justin Brylle Mactal; Karylle Tatlonghari; Kevin Mayuga; Kris Ulrich Cazin; Kristine De Leon; Luis Barredo; Manny Castro; Mark Dela Cruz; Mikko Baldoza; Mio Dagsaan; Nicole Frances Rosacay; Nigel Santos; Norvin Delos Santos; Paul Morales; Pia Perez; Rafael Jimenez; Renei Dimla; Rica Peralejo; Rodiell Veloso; Romnick Sarmenta; Ronald Atianzar; Thandie Aliño; Tim Rone Villanueva; at Xavier Axl Roncesvalles.

Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny

ricky lee workshop
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

May nag-rant sa Reddit kaugnay sa pilian sa libreng scriptwriting workshop ni Sir Ricky Lee. May sagot agad dito si Direk Dwein Baltazar na member ng selection committee.

Narito ang Facebook post ni Direk Dwein noong Disyembre 8, Lunes, kaugnay sa usaping ito:

“‘Ba't wala silang tiwala sa'kin?’

“Isipin mo, since 1982 ginagawa na ni sir Ricky Lee ang libreng workshop niya. Ang dami nang nakinabang na filmmakers at non-filmmakers dito.

“Gamay na niya ang mixing of names, kasama yan sa magic ni Sir. Kaya may nababagong buhay dahil sa mga taong pinipili niyang pagtangpo-tagpuin sa library niya.

“Kering-keri ko depensahan sarili ko, mahina ako sa math pero umabot yata sa 200-300 applications ang dumaan sa'kin at trinim down ko yan sa almost 20 names. Wala ni-isa sa mga inakyat kong pangalan e pumasok sa final list.

“BUT I TRUSTED SIR. Bukod sa dekada na niyang ginagawa ito, pushing 78 na siya. Siguro naman pwede nang rason yan, para ibigay sa kanya ang buong kapangyarihan mamili ng kung sinong tao ang pwede niyang i-welcome ndi lamang sa workshop niya, kundi pati sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi hindi ito biro. Alam ko/naming mga former workshoppers niya kung gaano kalaki ang hinihingi nito kay sir: kaalaman, oras, pagod, emosyon, kalusugan, kaluluwa, pasenya, puso at napakarami pang puso! Wait, paki-note yung kalusugan ha, as in HEALTH. PAKI NOTE! “NAPAKA-UNFAIR RIN IBATO KAY SIR, NA ANG BATCH 32 AT PAGNANAIS NIYANG MAGSAGAWA NG 1 DAY WORKSHOP NA BUKAS PARA SA LAHAT NG APPLICANTS E ‘PAMPALUBAG LOOB’ NA LAMANG DAHIL NA-CALL OUT NA SIYA!

“Yes, I see you redditors! Lalakas niyo d'yan ih! Alam na alam all? Excuse me lang ha, pero bago pa man maglabas ng list e KASADO na yan! All cos MALAKI ANG PUSO NI SIR! SOBRA-SOBRA! At talagang gusto niyang i-accommo lahat! AS IN LAHAT!

“To close, PINAKA-NASASAKTAN SI SIR NGAYON SA ILANG FORMER WORKSHOPPERS niya. Kaya niya i-kebs ang chika ng outsiders eh. Pero para magpost pa kayo sa X, sa fb, sa wherever na kayo mismo nag-pu-put sa bad light kay sir at/o ng workshop niya e tih,koya kung sana nagreach out nalang kayo diba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano ba naman yung magtanong sa taong may access ka rin naman? Same energy yun diba? Ang magtanong ke sir at magpost/sumawsaw sa kung anu-ano? As former workshoppers, bigay naman natin kay sir yung nararapat.

“O siya! Alog!”

Read: Joshua Zamora responds to rude comment of basher about his wife Jopay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Grabe ang hanash ng ibang tao, lalo na yung mga hindi natanggap sa Ricky Lee Writing Workshop.

Mabuti na lang at may official statement na si Sir Ricky ngayong Disyembre 9, Martes.

With this issue out of the way, cleared na ang air sa pagsisimula ng prestigious na palihan na ito sa Disyembre 14, Linggo.

RICKY LEE'S OFFICIAL STATEMENT

Narito ang kabuuan ng official statement ni Sir Ricky kaugnay sa usaping ito:

“Nitong nakaraang mga linggo, pagkalipas ng maraming taon ay nagpasya akong ibalik ang personal workshop ko. In-announce namin na ito ay open para sa lahat para sa two batches, Batch 30 at 31, na may 30 workshoppers per batch, at na ito ay supported by FAP.

“Alam naming maraming mag-aapply kaya di pa nag-uumpisa ang application, together with FAP and some friends coordinating the workshop, ay nagbalak na kami ng mga paraan upang mas maraming ma-accommodate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nilinaw namin sa selection committee ang guidelines sa pamimili. Na pantay-pantay ang karapatan ng lahat, whether celebrity, datihan, o baguhan, na matanggap. Basta qualified, gustong makapagsulat, at angkop sa gagawing mix ng bawat batch.

“Kasama rin sa batayan ng application ay ang malikhaing pagsagot nila sa questions (na kasama sa criteria) na naging batayan din. Binuksan sa lahat ang application upang bukod sa mga taga-industriya at mga kakilala na ay makapagpasok ng mga baguhang nagsisimula pa lang mangarap.

“Ang inisip ko na mix, na ginawa ko na noon pa sa Batch 15 at iba pang mga naging batch, ay pagsamahin ang nagtatrabaho na sa pelikula at hindi pa; nakapagsulat na at hindi pa; artista, cinematographer at iba pang kasali sa produksyon.

“Usually sa workshops ko ay malaki ang naitutulong ng mga datihan sa mga baguhan. Lahat ito, in the belief na mas inclusive ang ganitong sistema.

“Dahil sa karanasan ko ay hindi maganda ang homogenous o pare-parehong baguhan o pare-pareho ng pinanggalingan ang mga nasa batch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya bago pa man ang final deadline ng applications ay pinag-usapan na namin na magkakaroon ng Batch 32 para sa ibang mga baguhang qualified pero di makakasali sa Batch 30 at Batch 31.

“Matagal at mabusisi ang naging proseso ng pagpili. Lahat ay dumaan sa application process at nagsulat ng mga hinihingi. Kung workshop ito na may bayad ay mas madali siguro ang pamimili dahil ang maging batayan ay ang kakayanang magbayad.

“Maraming natanggap na taga-pelikula at marami ang hindi natanggap. Marami ang kaibigan at anak ng kaibigan ang hindi rin natanggap. Sa huli, ang pinairal ay kung qualified ba, at angkop sa mix. Sa naging final results, halos kalahati pa rin ng bawat batch ay mga baguhan.

“Gaya ng inasahan, more than two hundred ang qualified. Kaya bago pa man naglabas ng announcement ng mga natanggap sa Batch 30 at 31 ay nagbalak na kami ng Batch 32, at isinama namin ito sa announcement ng mga napilli. Mas marami dito ang baguhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bago rin ang announcement, nasimula kaming mag-email sa lahat ng 2600 applicants para sabihin sa kanilang may bubuuing Batch 32 na manggagaling sa more than two hundred na qualified.

"At para naman doon sa iba pa, gagawa kami ng whole day session sa isang mas malaking venue na gaya ng sinehan, kung saan lahat ng nag-apply ay puwedeng dumalo. Sinabi rin namin na magsasagawa ng online workshop para sa mga nasa labas ng Maynila.

“More than four decades ko na itong ginagawa, at napatunayan ko nang nagwo-work ang sistema ko ng mixing sa bawat batch. Sana ay nagtiwala ang lahat na alam ko ang ginagawa ko at na masusi ko itong laging pinag-aaralan bawat hakbang nito.

“Alam ko kung paano makaramdam ng rejection dahil na-reject na rin ako nang maraming beses. Kaya alam ko ang nararamdaman ng mga hindi natanggap. Kaya sinikap pa naming hanggat makakaya ay gumawa ng paraan para mag-accommodate ng as many as possible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Simula pa noong 1982 nang umpisahan ko ang personal at libreng workshop na ito, karamihan ng participants ay mga baguhan at nagsisimula pa lamang.

“Bilang pasasalamat ko na rin sa industriyang naging mabait sa akin all these years, gusto kong namang mag-payback sa pamamagitan ng pagtulong sa mga active filmmakers na nag-apply at matagal ko na rin namang gustong makasama sa workshop.

“Kaya marami sila sa dalawang batch na ito. Marami pa rin nga sa kanila ang hindi rin nakapasok dahil hindi angkop sa mix.

“Sa kabila ng lahat ng mga pangyayaring ito, gusto kong sabihing nakikinig ako, at natututo sa mga diskursong nagaganap. Gusto ko ring sabihing hindi pa rin nawawala ang drive at enthusiasm ko na makatulong sa ibang tao, sa abot ng aking makakaya.

“Una at huling statement ko na sana ito dahil gusto kong mas ituon ang aking panahon at lakas sa pagtulong sa mas marami pang mga nangangarap magsulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kung kinakailangan, open naman akong makipag-dialogue dahil in the end, iisa lang naman ang hangarin nating lahat, ang makatulong sa iba at ang mapabuti ang ating industriya.”

Read: 2026 Golden Globes: One Battle After Another scores nine nominations

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Ricky Lee addresses circulating allegations following the announcement of the new batch of participants in his scriptwriting workshop: “Sana ay nagtiwala ang lahat na alam ko ang ginagawa ko at na masusi ko itong laging pinag-aaralan bawat hakbang nito."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results