JERRY OLEA
Mabituin ang MMFF 2025 Celebrity Golf Tournament nitong Disyembre 9, Martes, sa Wack Wack Golf & Country Club sa Mandaluyong City.
Sama-sama ang tatlong bida ng Love You So Bad na sina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu.

Namataan din namin sina River Joseph ng Call Me Mother; Tonton Gutierrez ng I’mPerfect; Romnick Sarmenta at Cedrick Juan ng Manila’s Finest; Rocco Nacino na co-star ni Will sa Bar Boys: After School; Matt Lozano na co-star ni Dustin sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins; at Nico Antonio ng UnMarry.
Wala kaming nakitang kinatawan ng Rekonek.
Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny



Kabilang pa sa nakita namin sa celebrity golf tournament sina Marco Gumabao, Vandolph Quizon, Arnold Clavio aka Igan, Dingdong Avanzado, Maureen Montagne, San Juan City Mayor Francis Zamora, at Pasay City Mayor Emmie Calixto.


51ST MMFF EIGHT OFFICIAL ENTRIES PREMIERE NIGHTS
Ang sabi ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Overall Chairman Don Artes, maganda ang lineup ng walong pelikula sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).
“From 10, ibinalik uli natin sa walo para mas mabigyan ng opportunity lahat ng pelikula na kumita,” sabi ni Chairman Don Artes.
“So hopefully, pagbalik natin sa formula na walong pelikula, mas maraming kikita. Mas malaki ang magiging gross.
“So hopefully, ma-surpass natin yung last year gross na PHP800M+.”
For the first time, sponsored ng MMFF ang premiere nights ng walong official entries umpisa Disyembre 15, Lunes, sa magkakaibang sinehan.
So, hindi na magkakasabay ang premiere screening.
Read: Eric Quizon reveals how sister Nicole waived 50% inheritance of Dolphy's estate
MMFF 2025 PARADE OF STARS AND AWARDS NIGHT
Ang mga susunod na premiere ay nakatakda sa Disyembre 16-18 at 20-23.
Sa Disyembre 19, Biyernes ng hapon, ang Parade of Stars sa host city na Makati City.
Babagtas ang parada sa Buendia Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, at J.P. Rizal St. patungong Ayala Circuits Makati kung saan magtatapos ang parada at merong programa.
May mga bawal pa rin sa parada ng mga bituin ang paghahagis ng kung anu-ano.
“For safety reason, bawal maghagis ng candy, t-shirt, mga souvenir items,” sabi ni Chairman Don Artes.
“Dini-discourage po natin iyan. Kasi, baka dumugin yung float. Makaaksidente. So, dini-discourage po talaga natin yung paghahagis ng kahit anong memorabilia.”
Ang awards night sa Disyembre 27, Sabado, ay gaganapin sa Dusit Thani Hotel sa Makati City.
“Expect nila, magsisimula na ang panonood ng jurors [ng entries] this week,” pahayag ni Direk Don.
“Ang deliberation niyan, December 27 ng morning.”
MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL IN DUBAI?
Meron pa bang Manila International Film Festival sa abroad?
“We’re arranging something sa Dubai upon instructions ng ating First Lady,” tugon ni Chairman Don Artes.
“In fact, we met already with the UAE [United Arab Emirates] Ambassador dito sa Manila. We met last week to finalize everything. So, gumugulong naman iyong preparation.
“So we’ll announce the details pag naayos na. In fact, meron kaming producers’ meeting tomorrow regarding that.”
Manila International Film Festival pa rin ba iyong Dubai event, o iba na ang branding?
“Tingnan natin. We’ll take directions from…”
May napili na bang host city para sa 52nd MMFF?
“Wala pa. Wala pa.”

Ayon sa source ng PEP Troika, malamang na sa third week of January 2026 ipapalabas sa Dubai ang official entries ng 51st MMFF.
Hindi makakasama roon si Romnick dahil kasagsagan na iyon ng rehearsal para sa stage play na About Us But Not About Us na itatanghal sa Pebrero 14-Marso 8, 2026 sa Power Mac Center Spotlight Black Box Theater, Ayala Malls Circuit, Makati.
Read: Ellen Adarna reveals why she exposed Derek Ramsay’s alleged cheating and abusive behavior
GORGY RULA
PBB CELEBRITY COLLAB EDITION HOUSEMATES DOMINATE MMFF 2025
Ang bilis ng mga pangyayari sa ilang housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
Pagkakabas nila ng Bahay ni Kuya noong July ay kinuha agad sila sa ilang movie projects na pang-MMFF kaya sila ang namamayagpag sa annual film festival ngayon taon.
Bida agad sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera sa Love You So Bad, kung saan tampok din sina Ralph de Leon, Vince Maristela, at Xyriel Manabat.
Kasama sa Call Me Mother sina Klarisse de Guzman, Shuvee Etrata, Esnyr Ranollo, River Joseph, at ang Big Winners na sina Mika Salmanca at Brent Manalo.
Nasa Bar Boys: After School din sina Will at Klarisse, plus Emilio Diaz.
Kasama rin sa Shake, Rattle and Roll: Evil Origins si Dustin.
Ang bongga nila!
Kaya masaya sila sa magandang opportunity na ibinigay sa kanila.
Sabi ni River: “Dream come true para sa akin ito. Napag-usapan nga namin ito sa bahay.
“Nandito rin kami nung ni-launch yung MMFF. And super-surreal lang sa amin na nakasama kami dito sa for this year’s filmfest. Ang dami namin.”
Tugon naman ni Will: “Nakakatuwa lang po makita ang lahat ng mga housemates na talagang nag-e--excel sa kani-kanilang careers.
“Kasi simula pa lang sa loob ng bahay, talagang sinusuportahan namin yung isa’t isa.
“Kaya yung nakita lang namin yung isa’t isa na talagang nag-e-excel, nakakatuwa at nakakataba ng puso.”
Pero hindi lang pasikatan iyan at padamihan ng fans. Dapat galingan nila ang trabaho para maging magaling na artista.
Tingnan natin kung lalaban si Bianca sa Best Actress, at baka puwede ring mag-Best Actor sina Dustin at Will para sa Love You So Bad.
Sa trailer pa lang ng Bar Boys: After School, ang galing doon ni Will. Kaya tingnan natin kung lalaban din siya sa Best Supporting Actor.
Good luck sa PBB housemates na lalong umaalagwa ang kanilang acting career!
Read: 2026 Golden Globes: One Battle After Another scores nine nominations
NOEL FERRER
Siyempre, excited na na tayo sa 51st MMFF na ang tema ay “A New Era for Philippine Cinema.”
Maganda rin na lahat ng film entries/producers/stars ay abala sa pagpo-promote ng mga pelikula nilang lahok sa taunang festival.
Ang tanong: May pera ba ang mga tao para manood ng mga sine sa Kapaskuhan?
Meron naman siguro!
Ginagastusan nila ang gusto nilang pagtuunan ng panahon at effort, kahit labas na ito sa PHP500 na pang-noche buena.
Basta maganda. Basta masaya.
Kita-kits sa mga sinehan simula December 25, Christmas Day!
