PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newbie sexy star Thalia Co, mas pinili ang CinePop kesa VMX

Thalia Co, desididong mapanatili ang virginity hanggang hindi pa kasal.
by PEP Troika
Published Dec 10, 2025
thalia co cinepop
Thalia Co says she is committed to staying a virgin until marriage despite appearing in sexy projects: “Makikita lang po nila ito, pero hindi po nila makukuha.”
PHOTO/S: Jerry Olea / CinePop Facebook

Trigger Warning: sexual content

GORGY RULA

Inilunsad na ng CinePop ang 18-year-old Kapampangang si Thalia Co.

Siya ang bida sa bagong series na Maria’s Diary: Gatas Pa Sa Labi na napapanood na sa naturang platform simula noong Disyembre 8, 2025, Lunes.

Si Thalia ay produkto ng mga beauty at bikini contest si Thalia.

Kinuha na raw siya ng VMX (dating Vivamax), pero hindi natuloy dahil 17 pa lamang siya noong panahong yun.

Pagtuntong niya ng 18 ay inirekomenda raw siya ng isang kaibigan niya sa CInePop.

Read: Direk Roman Perez Jr., pinuna ang paggamit ni Chelsea Ylore sa Vivamax

“Ang ni-recommend ng friend ko yung CinePop. Kaya pinili ko po yung CinePop,” pakli ni Thalia.

“Nagustuhan ko po yung CinePop, kaya pagdating ko po ng 18 pinag-isipan ko po talaga siya na papasukin ko siya.

“Ita-try ko at nakita ko po na maganda yung nilalabas nila. Baka dito ako umangat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago siya nagbida sa six-episode series na Gatas Pa Sa Labi, ginawa pa ni Thalia ang Sanib, Mrs. Ramos, at ang Deds na Deds.

JERRY OLEA

Nanibago raw si Thalia Co sa mga daring scenes na pinagawa sa kanya, dahil hindi pa raw pala niya ito na-experience. Virgin pa siya?

“Totoo po!” bulalas ni Thalia nang makatsikahan ng PEP Troika noong Nobyembre 13, 2025 sa CinePop office, Quezon City.

“Naninibago po ako na hubo’t hubad ganun. Dito po nakikita pala… ginagawa pala kapag nagse-sex ganun,” napangiti niyang pakli.

THALIA WANTS TO PRESERVE HER VIRGINITY

May nakakaeksena siyang male actors ng CinePop na talagang hubo’t hubad daw.

Pero may plaster naman sa harapan nito. Siya rin ay hubo’t hubad, pero may plaster din.

“Tinatanong ko nga po, ‘Tinit*g*s*n ka ba?’ ‘Hindi naman, sanay na kami, e!’” natatawa niyang kuwento.

Kahit ganitong mga daring na projects ang ginagawa ni Thalia, gusto raw niyang mapanatili ang virginity hanggang sa ikasal siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Makikita lang po nila ito, pero hindi po nila makukuha,” napangiti niyang sambit.

Si Thalia Co ang isa sa CinePop artists na bibigyan nila ng marami pang magagandang series.

Inilunsad na nila si Apple Angeles sa series na Mansanas ni Eva, kasunod itong si Thalia Co, and then ay si Aira Calzado.

Read: Tom Rodriguez, may mensahe sa engagement ng ex-wife na si Carla Abellana

JERRY OLEA

Nanibago raw si Thalia Co sa mga daring scenes na pinagawa sa kanya, dahil hindi pa raw pala niya ito na-experience.

Virgin pa siya? “Totoo po!” bulalas ni Thalia nang makatsikahan ng PEP Troika noong Nobyembre 13, 2025 sa CinePop office, Quezon City.

“Naninibago po ako na hubo’t hubad ganun. Dito po nakikita pala… ginagawa pala kapag nagse-sex ganun,” napangiti niyang pakli.

May nakakaeksena siyang male actors ng CinePop na talagang hubo’t hubad daw. Pero may plaster naman sa harapan nito.

Siya rin ay hubo’t hubad, pero may plaster din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinatanong ko nga po, ‘Tinit*g*s*n ka ba?’ ‘Hindi naman, sanay na kami e,’” natatawa niyang kuwento.

THALIA WANTS TO PRESERVE HER VIRGINITY

Kahit ganitong mga daring na projects ang ginagawa ni Thalia, gusto raw niyang mapanatili ang virginity hanggang sa ikasal siya.

“Makikita lang po nila ito, pero hindi po nila makukuha,” napangiti niyang sambit.

Si Thalia Co ang isa sa CinePop artists na bibigyan nila ng marami pang magagandang series.

Inilunsad na nila si Apple Angeles sa series na Mansanas ni Eva, kasunod itong si Thalia Co, and then ay si Aira Calzado.

Read: Mon Tulfo defends brother Senator Raffy Tulfo amid indecent proposal allegation

NOEL FERRER

Hindi raw muna ipinaalam ni Thalia sa kanyang magulang na pipirma na siya ng kontrata sa CInePop.

“Sinabihan ko po sila na gusto ko mag-artista, may papasukan ako, ‘Okay lang ba sa inyo, pipirma na ako ng kontrata.’

“Sabi nila, okay lang naman daw basta masaya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi simula nung nag-18 ako, sabi po sa akin, ‘You’re a lady now. You can do whatever you want. Basta masaya and safe ka.’ Ganun po ang sinabi ng parents ko.

“Sige, okay po ito, basta alam kong safe ako. Tapos pinapanood ko po yung una kong nilabas, yung Sanib. Horror-horror po siya.

“Hindi ko po siya pinanood sa daddy ko siyempre! Pinanood po ng mother ko, kapatid ko, pinsan ko, lola ko.

“Natutuwa pa po sila kasi napadpad po ako sa Family Feud. Naglaro po ako dun, napanood nila. Natutuwa po sila sa mga ginagawa ko,” saad ni Thalia.

May tiwala naman daw silang kaya niyang ipagtanggol ang sarili.

“I feel safe naman po sa kanila,” tugon ni Thalia sa taga-CinePop.

Read: Kobe Paras spotted partying with South African singer Tyla

THALIA ON HELPING HER SIBLING'S EDUCATION

Kahit paano ay kumikita na raw si Thalia at siya na raw ang nagpapaaral sa kanyang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako na po ang nagbibigay sa kapatid ko. Sabi ko, huwag na po siya manghingi sa parents namin.

“Gusto po niya maging pulis e. Pero alam ko, may isa pang pangarap na gusto niya. Gusto po niya maging volleyball player sa mga university, ganun.

“Pero balak ko po siyang ilipat ng college dito [Manila]. Kasi ngayon po, nasa high school na siya.

“Grade 9 na po siya, medyo matagal pa po. Siguro makaipon pa po ako nun,” saad ni Thalia.

Itinigil na niya muna ang kanyang pag-aaral para makapagtrabaho, para matustusan ang pag-aaral ng kanyang kapatid.

Nagtitiwala si Thalia na matupad niya ito sa kanyang pag-aartista.

“Gusto ko po mag-artista talaga. Ito po yung stepping stone ko para makilala po. “Gusto ko po talagang makatulong sa family,” sabi pa ni Thalia.

Read: Ricky Lee, sinagot ang pagkuwestiyon sa pagpili ng scripwriting workshop participants

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thalia Co says she is committed to staying a virgin until marriage despite appearing in sexy projects: “Makikita lang po nila ito, pero hindi po nila makukuha.”
PHOTO/S: Jerry Olea / CinePop Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results