GORGY RULA
Nakarating sa PEP Troika ang pag-uusap ng ilang empleyado ng isang TV network tungkol kay Maimpluwensiyang Aktres na matagal nang walang ginagawang show.
Hindi raw nila alam kung ayaw ni Maimpluwensiyang Aktres o wala talagang balak ang TV network na bigyan siya ng show.
May pinagdadaanan pa si Maimpluwensiyang Aktres. Parang wrong timing kung magkaka-show ito.
Read: DOJ junks missing sabungeros complaints vs Gretchen Barretto
TULOY ANG SUWELDO KAHIT WALANG PROJECT
Sa kabila nito, tuloy raw ang sahod ni Maimpluwensiyang Aktres dahil guaranteed contract pala ang pinirmahan niya sa TV network.
Kaya may trabaho o wala, regular siyang may natatanggap na sahod.
“Sanaol!” sabi ng ilang staff na todo-kayod muna bago sila makatanggap ng talent fee.
Hindi lang daw nila alam kung pinatigil ang pagtanggap ng talent fee ni Maimpluwensiyang Aktres. Pero sa pagkakaalam nila ay guaranteed nga ang kontratang pinirmahan nito.
Ito ang dahilan kaya pinag-uusapan si Maimpluwensiyang Aktres ng mga tauhang nagtatrabaho sa TV network.
Read: Dustin Yu, nilinaw ang estado nila nina Bianca de Vera at Will Ashley
JERRY OLEA
Pinag-uusapan din ang biglaang pag-resign ng isang TV executive sa isang network.
Ang sabi raw ay binigyan ito ng early retirement. Pero parang ang bata pa niya para mag-retire.
Bukod sa hindi raw siya gusto ng ilang katrabaho niya, may tsismis pang nakarating sa PEP Troika na hindi raw naipaliwanag ni TV executive ang malaking expenses sa kanyang departamento.
Kinukuwestiyon daw ang malaking budget sa projects nito, at hindi raw niya mailatag sa mga big boss kung saan napupunta ang malaking perang nakuha sa opisina.
Ayon pa sa ilang nakitsismis, ito raw kasing si TV executive ay may dala pang make-up artist kapag may assignment sa ibang probinsya.
Hindi lang tiyak ng aming source kung magkano ang binabayaran ng opisina nito sa kanyang make-up artist tuwing nasa labas ito ng Maynila.
Si TV executive po pala ay lalaki!
Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny
NOEL FERRER
Magkakonekta ba ang concern ng aktres at early retirement ng network executive?
May kinalaman din ba ito sa pera?
Parang halos lahat sa TV ngayon ay nagdarahop.
Hindi sagana ang mga Christmas parties tulad noon.
Yung iba nga, per show na lang, yung network, waley.
Paano na?
Siguro, madadala na ang mga network na mag-sign up ng exclusive artists at puwede nang magtawiran ang stars, kasi limitado na ang trabaho.
Paano na?
Hahanap na talaga ng alternative ang stars, pati na ang creatives.
At alam ninyo kung saan sila papunta — sa social media.
Hanggang kailan kaya magiging ganito?
Jusko, good luck sa ating lahat!
Read: Ricky Lee, sinagot ang pagkuwestiyon sa pagpili ng scripwriting workshop participants
