PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isha Ponti at Andrea Gutierrez, bida na sa sarili nilang concert

Isha, gustong sundan ang yapak nina Sarah at Sharon; Andrea, "the next Sitti"?
by PEP Troika
Published Dec 11, 2025
andrea gutierrez isha ponti
Rising singers Andrea Gutierrez (left) and Isha Ponti (right) will take center stage in their own concert, The Next Ones, happening on December 13, 2025, at the Music Museum.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sa December 13, 2025, Sabado, na gaganapin sa Music Museum ang concert ng mga baguhang singers na sina Isha Ponti at Andrea Gutierrez na madalas na nagge-guest sa concerts na pino-produce ng EchoJham Productions at Ponti Entertainment Production.

Ngayon ay binigyan sila ng pagkakataong sila na mismo ang bida sa concert na pinamagatang The Next Ones.

Suportado sila rito ni Rey Valera na isa sa special guests nila kasama sina Aquila Packing, Nathan Randal, Gracel Hizon at Raymond Gorospe.

Kape-perform lamang nila sa repeat ng concert ni Nonoy Zuñiga na Beyond Gold: Songs of A Lifetime noong Disyembre 9, Martes, sa Newport Performing Arts Theater.

Read: DOJ junks missing sabungeros complaints vs Gretchen Barretto

nonoy zuniga beyond gold concert
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magaling ang dalawang ito, kaya tama lang daw na sila naman ang ‘next’ nang mag-concert.

Kamakailan lang ay inilunsad ni Isha Ponti ang Christmas song niyang siya mismo ang nagsulat, ang "Wala Ka Sa Pasko." Isa ito sa kakantahin niya sa nalalapit nilang concert.

Si Andrea naman ay magpapakitang-gilas ng kanyang pagka-Bossa Nova. Sana raw ay makapanood ang iniidolo niyang reyna ng Bossa Nova na si Sitti.

CHALLENGES OF MAKIG A NAME IN THE INDUSTRY

Sa nakaraang media conference nina Isha at Andrea, tinanong namin silang dalawa kung may mga nakakaharap pa ba silang challenges kahit may sapat silang resources para mag-hit at makilala sa industriyang ito.

Sabi ni Andrea, ang oras talaga ang isa sa challenge sa kanila.

“Nagkakaroon po ng conflict, kapag sa practice po namin. Minsan puwede ang isa, hindi naman po puwede ang isa,” pakli ni Andrea.

Sabi naman ni Isha: “Given the resources and the privilege that we have, I think yung challenging dun yung pressure talaga. And how we’re gonna utilize our resources.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi, yeah, we do have the resources, pero hindi rin po namin kayang maging consistent sa mga ginagawa namin, because of yung minention po ni Ate [Andrea] na time management.

“That’s why, ang mahirap po sa amin, consistency and that’s why ang ginagawa po namin, we try to help other artists whenever we can, while we have our resources po.”

Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny

JERRY OLEA

Marami nang nalikhang kanta si Isha Ponti na nai-record na niya.

Pang-Gen Z ang karamihan sa mga nagawa niyang kanta, at sana nga, mag-hit itong mga nagawa niyang kanta.

Masuwerte sina Isha at Andrea na suportado sila ng kanilang magulang at malalapit na kaibigan para matupad ang kanilang pangarap na makilala bilang magaling na mang-aawit.

Pero kailangan pa rin daw nilang magsikap para maabot ang kanilang pangarap.

Ano ang payo nila sa mga kabataang nagsisikap na makilala sa larangan ng musika, lalo na sa wala namang koneksyon kundi ang angking talent na meron sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ni Andrea: “Be humble lang, kasi yun din po ang ginagawa ko.

“Maging thankful lang po sila. And kung gusto po talaga nila yung ginagawa nila, maghintay lang po sila at ipagpatuloy lang po nila. As long as wala po silang natatapakan.”

Para naman kay Isha, malaking bagay ang social media.

Ani Isha: “Ako naman po, the thing is we have social media today, so it’s very easy to you know be viral at TikTok anything like that.

“So, dun pa lang mata-try mo nang ano e, ma-utilize tung social media to go out there. But for me, before you go out there or you have the opportunity to go out there, just focus on improving yourself lalo na yung self-awareness to other things.

“And yung sinabi ni Ate na be humble and dun talaga ma-appreciate ng tao.”

Read: Andrea Meza criticized by fans of Miss Universe 2025 Fatima Bosch for defending Telemundo hosts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
the next ones poster

NOEL FERRER

"The Next Ones" ang turing kina Isha Ponti at Andrea Gutierrez.

Gusto raw sana ni Isha na masundan at pangarap niyang siya ang next sa hanay nina Sarah Geronimo at Sharon Cuneta na matagal na raw niyang iniidolo.

Si Andrea Gutierrez naman ay isa lang talaga ang wish niya na maging ‘the next Sitti’.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasabay na ilulunsad sina Isha at Andrea, at matagal na rin silang magkaibigan. Tinitiyak nilang walang kumpetensya sa kanila at nagtutulungan daw sila.

“Wala po talaga,” sabay nilang sagot kung nagkakaroon ba ng conflict sa kanilang dalawa.

“We help each other po. That’s why I’m also promoting Andrea to Ponti Entertainment Productions,” sey ni Isha.

“Matagal na po kaming friends, magkasama na po kami sa workshops po,” sabi naman ni Andrea.

Kakantahin din pala ni Andrea sa kanilang concert ang inilunsad niyang kantang "Mestizong Guwapo."

Read: Eric Quizon reveals how adopted sister waived her 50% inheritance

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rising singers Andrea Gutierrez (left) and Isha Ponti (right) will take center stage in their own concert, The Next Ones, happening on December 13, 2025, at the Music Museum.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results