GORGY RULA
Sumasagi na sa isip ni Enzo Pineda na magpakasal sila ng long-time girlfriend niyang si Michelle Vito.
“Definitely! Thirty-five years old na ako, e! So, lampas-lampas na siguro,” bulalas ni Enzo nang sandaling nakatsikahan ng PEP Troika sa media conference ng MMFF 2025 entry nilang Bar Boys: After School noong Disyembre 3 sa Matrix Creation Events Place, Malakas St., Quezon City.
Sa kanya na lang daw muna kung kailan siya magpo-propose sa Kapamilya actress, pero tiniyak niyang doon din naman ang kahahantungan nila.
“Sa amin na lang po muna yun. I hope pagdating nung panahon na yun ay makuha ko na yung matamis niyang oo,” napangiting sabi ni Enzo.
“I’m very lucky to have someone like her na mabuti talaga yung puso. She always wants the best for me.”
Read: Dustin Yu, nilinaw ang estado nila nina Bianca de Vera at Will Ashley
SERIOUS TALKS ABOUT SETTLING DOWN
Seryoso na raw sila sa kanilang mga plano at pinag-uusapan na nila ito.
“It’s all about responsibility, family, goals, business,” pakli ni Enzo.
Isa sa sinimulan na nilang plano ay ang magtayo ng negosyo.
“Anything that I do, I do it with her. We do it together, when it comes to businesses, everything, ini-involve ko siya, at ini-involve din niya ako.
"Partner ko siya e, tulungan kami,” sabi pa ni Enzo.
Read: Enzo Pineda, Michelle Vito already talking about marriage
NOEL FERRER
Meron na silang negosyo na may kinalaman sa kalusugan, at matagal na rin naman daw itong hilig ni Michelle Vito at ng mommy ni Enzo Pineda.
“Magtatayo kami ng Pilates studio,” pagbabahagi ni Enzo.
“So, itong Pilates studio ay nasa Fairview Terraces. It’s called Covia.
“So, it’s a made-up name, parang Zara, ganun na Pilates studio, na we hope that you guys can try once pag nag-open up kami.
“I tried Pilates before, but mainly because of Michelle and my mom.
“Nakita ko yung benefits ng Pilates sa kanila. And also for me, for us guys.
“Kasi this is for strength, not just for flexibility, but also core, stability, balance.
“Ang daming benefits na ginagawa ng Pilates sa katawan mo. And I want people to experience that.
“Alam naman natin na mahal yung Pilates, nasa halos close to one thousand [pesos] per session. We want to make it more affordable for everyone as well,” saad ni Enzo.
ENZO'S POLITICAL CAREER
Hindi diretsahang sinagot ni Enzo kung itutuloy pa rin niya ang kanyang political career.
Tumakbo si Enzo bilang konsehal ng District 5 ng Quezon City nung nakaraang eleksyon, pero hindi siya pinalad.
Sa ngayon ay tuloy pa rin daw ang public service, at kahit paano ay nakakaabot daw siya ng tulong sa mga nangangailangan.
Lahad niya: “Right now po, I’m very blessed that I’m the One Life ambassador. So, One Life is, ito po ang mga medical mission na ginagawa ko po till now.
“What I promised po, maupo man ako o hindi, ay tuluy-tuloy po ang pagserbisyo natin. Tuloy po ang pangako ko po.
"So, we give free executive check-ups sa lahat po na ating mga beneficiaries.
"At the same time, magbibigay po tayo ng gamot, maintenance, vitamins, kung ano po yung kailangan nila.”
Read: Eric Quizon reveals how sister Nicole waived 50% inheritance of Dolphy's estate
JERRY OLEA
Kasama ni Enzo Pineda sa pelikulang Bar Boys: After School si Rocco Nacino.
Hnggang ngayon ay napapanatili nila ang kanilang friendship na nagsimula sa StarStruck Season V noong 2010.
Si Rocco ang isa sa nag-inspire kay Enzo na magpursigi sa buhay. Nakita raw niya kay Rocco ang sobrang pagsisikap para matupad ang pinapangarap.
“Nakita ko yung pagsisikap niya sa buhay. Simula pa lang nung bumibili siya ng lupa, until na nakapagpatayo siya ng bahay.
“Ngayon, may business na siya. Ang dami niyang sources of income.
“So, nakakahanga talaga si Rocco, and I’m inspired to be somebody like that,” sambit ni Enzo.
Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny
